PROLOGUE

186 3 0
                                    

A/N:

this story is just a fiction guys. mga names at ang mga pangyayare ay kathang isip lamang ng author.

Hope you like it guyss!!!

~~~~~

"ma, natanggap po ako sa school ni kuyaaa" tuwang tuwang sabi ko sabi kasi ni kuya maganda daw dun sa school niya kaya excited na ko

"Paano ka Naman natanggap?" Masungit na tanong ni kuya sa'kin pero nginitian ko lang siya

"Nag enroll po ako pero kalahati na lang po ang tuition Kasi nag entrance exam po ako at napasa ko po yun" nakangiting pag kukwento ko

"Ang galing Naman ng baby namin" pumapalakpak na sabi ni mama at niyakap pa ko

"Anong section mo?" seryosong tanong ni kuya shane sa'kin

"Last section nga lang po" kamot ulong sabi ko "sa section 4 po"

"What?!! Bakit dun ka nilagay?" Galit na tanong ni kuya kaya napatalon ako sa gulat

"Oo nga Naman anak bakit dun ka nilagay matalino ka naman" nag tatakang tanong ni mama

"Para po mas lalong bumaba ang tuition fee ko mama" alanganing sabi ko kaya napa buntong hininga naman si mama

Mahirap lang Kasi kami. Si kuya kaya naka pasok dun dahil scholar siya matalino Naman ang kuya ko eh. Eh gusto ko din pumasok dun kaya gumawa ako ng paraan para makapasok ako dun na Hindi nahihirapan si mama para sa tuition fee ko. Ang Mahal Kasi

Muli akong napatalon sa gulat ng padabog na umakyat sa taas si kuya.

"Mama may mali po ba akong ginawa?" Naiiyak na tanong ko kay mama

"Walang mali anak" nakangiting sabi nito at niyakap ako

"Pero bakit mo nagalit si kuya?" Nag aalalang tanong ko dito

"Sa kuya mo itanong yan" nakangiting sabi ni mama at bumalik na sa pag luluto niya kaya pumanik na ko sa kwarto ko

Ay ang bad ko. Nakalimutan kong nag pakilala sa inyo. Btw I'm Hannah Zhashaine Rivera. 16 years old and 3rd year high school sa new school ko sa Kingdom University!!

Yung kuya ko Naman ay si Mark Shane Rivera. 17years old and 3rd high school lang din siya. Huminto kasi siya dati eh kaya kasabayan ko lang siya.

Nakahiga ako sa kama ng may kumatok sa pinto kaya napabangon ako bago to papasukin to

"Kuya bakit po?" Nakangiting tanong pero seryoso lang to at bumuntong hininga kalaunan "may problema po ba?" Nag aalalang tanong ko pero umiling lang to at tumabi sakin

"May favor lang ako sa'yo" seryosong Sabi nito pero bakas ang pag aalala sa mga mata niya.

"Ano po yun?"

"Pwede bang sa school huwag mo ipaalam na mag kapatid ta'yo lalo na sa section mo?" Nagulat Naman ako dahil sa sinabi nito at nangilid ang luha

"Kuya ayaw ko na ko maging kapatid?" Parang Bata na tanong ko at nangingilid pa ang luha sa mga mata ko kaya nataranta ito

"Hindi ganun bunso. Mahirap Kasi ipaliwanag pero pwede bang sundin mo si kuya, please?" Nag aalalang sabi nito kaya tumango na lang ako at niyakap siya

"Opo kuya. Masusunod po" nakangiting sabi ko. Half brother ko lang si kuya shane dahil mag kaiba kami ng papa pero hindi naging hadlang yun para iwasan namin ang isa't isa

"Bumaba ka na maya-maya paluto na ang hapunan na'tin" nakangiting sabi ni kuya bago siya lumabas ng kwarto ko.

Hindi ko man maintindihan kung bakit ayaw niya ipaalam na mag kapatid kami ay no choice ako kung Hindi sundin to dahil never akong sumuway sa mga utos nila sa'kin.

*****
To be continued....

 Girl In Section 4Where stories live. Discover now