Chapter 4

38 3 0
                                    

Hannah's POV

Napabuntong hininga na lang ako ng maka higa ako sa kama ko. Ang sakit na nga ng balakang ko dahil sa pag tulak sa'kin ni ken tapos ang sakit pa ng pisngi ko dahil sa sampal nung babae

Hindi ko naman magawang magalit dahil may kasalanan din ako. Hay nako Hannah hayaan mo na lang sila.

Kinabukasan

**Lunch**

Nang mag bell ay agad akong lumabas at umakyat sa sa secong floor. Wala kasing nag kaklase dito tska solo lang namin tong building at hindi ko alam kung bakit.

Dito muna ako kakain ng lunch ko siguro naman ngayon wala ng mang aaway sa'kin dito.

Habang kumakain ay napatalon ako sa gulat ng may narinig akong parang may binabato. Hahayaan ko na lang sana pero naulit ulit yung ingay. Hinayaan ko munang mawala ito tska dahan-dahang tumayo para lumapit sa isang room kung saan nag mula ang ingay

Nang makarating sa tapat Ng room ay bumungad sa'kin ang sirang sirang mga upuan. Siguro eto Yung maingay kanina. Aalis na sana ako ng may marinig akong nag sasalita kahit mahina ay sapat na para marinig ko

"F-ck dad!! Bakit ganyan ka?!" Paulit ulit na sabi nito. Gusto ko man lapitan siya ay mas pinili ko na lang lumayo dahil baka magalit siya sakin at sabihin niyang nangingialam ako kaya bumalik na lang ako sa pagkain ko at tinapos na to.

Pag pasok ko sa room ay sinalubong ako ni Asher na naka ngiti "saan ka galing?" Tanong nito

"Kumain lang" nakangiting sagot ko at umupo na. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din kilala yung mga kaklase ko.

"asher banggitin mo Naman mga pangalan nila. Para makilala ko sila kahit name lang" bulong ko dito at agad Naman siyang tumango at tinuro sunod sunod ang mga kaklase ko

"Ken Ivan Clarkson"

"Elijah Mason"

"Lucas Jackson"

"Matthew David"

"Anthony langston"

"Christoper Ashford"

"Grayson Trevino"

"Leo Hale"

"Charles Rossi"

"Caleb Godfrey"

"Nathan Aberra"

"Aaron Castilio"

"Hunter Mendoza"

"And Nicholas Sarmiento. That's all" nakangiting sabi nito at nakangiti Naman akong tumatango

So si Matthew yung kumausap sakin sa roof top. Mukhang masungit. Tapos si T naman yung nag wawala sa second floor. Naka dukdok siya ngayon sa lamesa niya at mukha talaga siyang problemado

Nang magawi ang tingin ko kay Ken ay nakatingin din sa'kin to. Agad na tumaas ang kilay niya

"Problema mo?!" Singhal agad nito kaya agad akong umiling at nag iwas ng tingin

Bakit ba ang init ng dugo niya sa'kin? Inaano ko ba siya?

*****

"Ma tulungan ko na po kayo" sabi ko dito at kinuha ang hawak niyang mga pinggan. Kagagaling ko lang sa school at nakita kong nag hahanda na si mama para sa hapunan.

"Nandito na ko" napatingin ako sa pintuan ng mag salita si kuya kaya agad akong lumapit sa kanya para halikan siya sa pisngi

"Tara na po kuya. Kakain na!!" Nakangiting sabi ko at hinila siya papunta sa lamesa "wala po si ate Pamela?" Tanong ko

"Hinatid ko na sa kanila" nakangiting sabi nito at tinap ang ulo ko bago umupo. Agad Naman akong tumabi sa kanya

"How's school mga anak?" Sabi ni mama na kakalabas lang ng kusina dala ang pagkain

"Ganun pa din po ma" sabi ni kuya kaya sa'kin Naman humarap si mama

"Masaya po!! Halos lahat po ng classmate ko kaclose ko na" pag sisinungaling ko. Napabuntong hininga na lang si kuya at kumain na habang si mama Naman ay bumalik sa kusina para mag timpla ng juice

"Huwag mo po kong alalahanin kuya. Makukuha ko din po loob ng mga classmate ko. Trust me!" Buong galak na sabi ko kay kuya at niyakap pa siya. Pilit na ngiti lang ang sinagot nito sakin

Hysss. Kahit Naman ako hindi ko alam kung paano ko makukuha loob ng mga kaklase ko. Dahil halos lahat sila iwas sa'kin

Pero gagawin ko lahat makuha lang loob nila. Kahit Anong mangyare!!

FIGHTING!!!

Pag tapos kumain ay inaya ako ni kuya sa garden namin. May sasabihin daw siya

"Nasabi sa'kin ni Pamela na sinampal ka daw ni Ella" panimula nito. Umiwas Naman ako ng tingin at tumingala na lang.

"Okay lang po ako. Kasalanan ko din naman po. Hindi Kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko Jaya nabangga ko po siya" paliwanag ko. Ang ganda ng gabi ngayon. Ang daming star!

Napatingin ako kay kuya ng bigla Niya kong akbayan. Seryoso lang siyang nakatingin sakin pero bakas sa mga mata niya Ang pag aalala at takot

'naiintindihan ko pa yung pag aalala eh. Pero yung takot para saan?'

"Masyado kang mabait" sabi ni kuya at tumingin din sa langit kaya tumingin din ako "hindi ko alam kung matutuwa o matatakot ba ko dahil dyan" taka akong napa tingin dito ng sabihin Niya yan

"B-bakit po?" So dahil sa mabait ako kaya nababasa ko sa mata niya Ang takot?

Iling na lang ang sinagot ni kuya bago siya mag paalam para umakyat. Nag paiwan Naman ako dito dahil gusto ko din mag isip-isip sa mga nangyayare ngayon pero ilang minuto lang ang lumipas ay may tumabi ulit sa'kin kaya napatingin ako dito at bumungad sakin Ang mukha ni mama.

"Bakit po?" Nakangiting tanong ko dito.

"Bakit nag iisa ka? Nasan ang kuya mo?" Sabi nito

"Umakyat na po. May gagawin pa daw po siya e" sabi ko. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni mama

"Lagi mong tatandaan anak na kahit Anong mangyare nandito lang kami ng kuya mo ah?" Taka akong napa ayos ng upo at tinignan siya.

'alam ba ni mama?'

Napa iling ako sa naisip ko. Hindi! Wala alam si mama ayokong mag alala siya

"May problema po ba mama?" Takang tanong ko dito pero iling lang ang sinagot nito sakin.

"Sige na mag papahinga na ko at umakyat ka na din sa taas Gabi na" sabi nito at tumayo na

Hayyyy!!! Ang gulo ni earth!! Ang weird ng mga tao ngayong. Ano kaya ibig sabihin ni mama. Narinig Niya kaya kami kuya na nag uusap? Hindi Naman siguro

Makapag pahinga na nga lang.

*****
To be continued....

 Girl In Section 4Where stories live. Discover now