Chapter 3

58 4 3
                                    

Hannah's POV

"So kapatid mo pala si shane?"

Agad nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang isang tinig ng lalaki mula sa likuran ko. Dahan dahan kong hinarap to at napalunok

"A-asher" kabadong tawag ko dito. Lumapit Naman sakin to at inakbayan ako

"Answer me" nakangiting ng sabi nito kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko alam bakit ako kinakabahan eh

"o-oo. But please huwag mong sabihin sa section natin ayaw Kasi ipaalam ni kuya eh tapos hindi ko pa alam ang dahilan Niya" paliwanag ko dito at dahan-dahan namang tumango ito. Hindi Naman sa wala akong tiwala pero iba Kasi pakiramdam ko eh

"Promise?" Nakangiting tanong ko dito kaya natawa ng bahagya ito

"Promise" nakangiting sabi nito kaya hanggang papasok ng school ay naka ngiti pa din ako

"Ilang taon ka na nga ulit hannah?" Muling nag salita si Asher ng maka upo na kami sa room kaya naka ngiti ko tong hinarap

"16 na ko" nakangiting sabi ko.

"Ikaw pala ang sumunod na bunso bago ako" nakangiting sabi nito na ipinag taka ko

"Huh?" Takang tanong ko

"Lahat Kasi sila 17 na at turning 18 Naman yung iba this year" sabi Niya kaya napa tango ako

"Eh bakit ikaw ang Bata mo pa pero third year ka na agad?" Tanong ko

"Acceleration" maikling sagot nito na ikinagulat ko

"Wow!! Matalino ka pala kung ganun?" Nakangiting sabi ko pero kabit balikat lang ang sinagot nito

"Bakit ngayon ka lang lumipat ng school?" Takang tanong nito

"Nag ka sakit kasi ako kaya huminto muna ko ng first grading" nakangiting sabi ko na ikinatango niya

"Mas matanda ka Sakin pero ang bata mo kung kumilos tapos ang bait mo pa. And mukhang hindi ka pa marunong mag tanim Ng galit sa kapwa" sabi nito na ikinangiti ko

"Ang sabi Kasi ni mama at kuya masama daw mag tanim ng galit sa kapwa. Ayun daw ang huwag na huwag kong gagawin dahil lahat daw ng tao na gumagawa ng masama ay may dahilan" nakangiting paliwanag ko at nakangiti Naman siyang tumango

Lunch na!! Kakalabas lang ng teacher na huling subject namin sa morning class kaya nilabas ko na ang pinabaon sa'kin ni mama

Nang buksan ko to ay napangiti ako sa sumalubong na amoy

Adobo!!! My favorite!!

Akmang kukuha na ko ng biglang may tumabig dito dahilan para tumapon sa lapag. Agad kong tinignan to at bumungad sakin na mukha ni Ken na nakangising nang aasar

"Nako sorry po kuya. Naka harang po ba ko?" Sabi ko. Pupulutin ko na Sana yung natapon ng sipain nito

"Halaa kuya!! Sabi ni mama masama daw pong sipain ang pag kain" tarantang sabi ko dito at agad na kumuha ng walis at dustpan para malinis na to. Hindi pa ko tapos ng may humawak sa braso ko at pabalibag akong hinarap sa kanya

"Don't act na mabait at inosente ka! Ipakita mo totoo mong ugali" sigaw nito sa mukha ko dahilan para makaramdam ako ng takot

"Kuya ano po bang sinasabi niyo?" Natatakot na tanong ko

"Shut up!! Don't call me kuya I'm not your f-cking brother!!" Sigaw nito at pabalibag akong binitawan dahilan para mapa upo ako sa sahig. Agad Naman akong tumayo at yumuko ng bahagya sa kanya

"Sorry po" sabi ko at lumabas na. Bibili na lang ako sa canteen ng kakainin ko ngayong lunch

Siguro bawal pagkain sa room kaya ganun ginawa Niya pero Sayang pa din yung pagkain favorite ko pa Naman yung adobo

Hayss

Don't stress yourself too much, self. Ang sabi nga ni mama huwag damdamin ang pairalin kapag nasasaktan o nagagalit

Nang makarating sa canteen ay kung mamalasin ka nga Naman ngayon araw ay may nabangga akong babae at saktong tumapon sa damit Niya ang hawak niyang juice dahilan para mataranta ako

"OMAYGADD!!!" Malakas na sigaw nito dahilan para maka hakot ng mga tao dito

"Hala ate sorry po" tarantang sabi ko at dali daling kumuha ng tissue para ipunas sa damit niyang natapunan pero malakas niyang tinapik ang kamay ko at tinignan ako ng masama kaya napa atras ako

"Sorry po talaga" nakayukong sabi ko. Nagulat ako ng itulak ako nito at muntikan na kong na out of balance kung Hindi lang ako napa hawak sa lamesa malapit sa'kin

"You're so stupid Kasi!! Bulag ka ba?" Galit na Sabi nito at agad Naman akong umiling

"Sorry po talaga" sabi ko. Lalagpasan ko na Sana siya ng biglang Niyang hilahin ang buhok ko at hinarap sa kanya na saktong sumalubong sa mukha ko ang palad Niya

"Sino ka para talikuran Ako??" Galit na tanong nito

"YOU B-TCH!!!" Galit na sabi nito at sasampalin muli Sana ako ng may sumigaw

"STOP IT ELLA!!" sigaw ni ate Pamela.

"But look what she did in my uniform!!" Reklamo nung ella daw

"But she already apologized to you!" Galit na sabi ni ate Pamela at humarap naman siya sakin "go back to you classroom" sabi nito sakin

"Thank you po" sabi ko sa kanya at muling humarap sa natapunan ko "sorry po ulit" Sabi ko at tumakbo na. Narinig ko pa ang huling sinigaw nito

"IM NOT DONE WITH YOU!!" bakas sa boses nito ang itira pero Hindi ko na lang pinansin.

Agad akong nag tungo sa building namin at dumiretso sa roof top at dito na tuluyang tumulo ang luha ko. Ang sakit Kasi nung sampal nung babae eh

"Done?" Nagulat ako ng may biglang mag salita mula sa isang sulok kaya napa tingin ako dun. Kaklase ko to eh pero hindi ko alam ang pangalan niya

"Sorry po sa istorbo" tarantang sabi ko at nag madaling pumunta sa pintuan ng roof top ng mag salita ito

"Stop saying 'sorry' lalo na kung wala ka namang ginagawang masama" sabi nito at nauna nang bumaba.

Eh?

*****

Asher's POV

"Ano nalaman mo?" Salubong sakin ni Ken ng makalabas si Hannah.

"Shane's sister" malumnay na sabi ko dahilan para mapa singhap ang mga kaklase ko. At nang makita ko ang isang ngisi sa labi ni Ken ay parang pinag sisihan ko ang sinabi ko.

"Ayoko sa kanya" biglang sabi ni Anthony. Isa sa mga kaklase namin

"Yeahh me too. Mukha siyang nag papanggap lang" pag sang ayon ni Leo.

Eh?

"Anong nag papanggap?" Takang tanong ko.

"Na mabait" sabay sabay na Sabi nila dahilan para mapakunot ang noo ko

"Hindi niyo pa Kasi siya nakaka usap at nakakasama kaya niyo siya hinuhusgahan" pag tatanggol ko kay Hannah. Pero ngisi lang ang natanggap ko sa kanila

"I have a plan"  nakangising sabi ni Ken.

******
To be continued.....

Vote and comment guyss!!!

 Girl In Section 4Where stories live. Discover now