Chapter 1

81 2 0
                                    

Hannah's POV

"Shane, sabay mo na si Hannah sa'yo pag pasok ah" sabi ni mama habang kumakain kaya napa tingin ako kay kuya hanggang ngayon kasi tahimik pa din siya

"Hindi na po mama baka malate pa po si kuya dahil sa'kin. Tignan niyo Naman po nakabihis na siya tapos maliligo pa lang po ako" nakangiting sabi ko at humarap kay kuya na nakangiti na sakin ngayon

"Oh sige mag ingat ka ah?"

"Opo mama" nakangiting sagot ko at umakyat na para maligo. Maaga pa Naman kung tutuusin sadyang susunduin lang ni kuya si ate Pamela, girlfriend niya. Ang bait kaya sakin nun.

Nang matapos ako ay bumaba na ko at wala na nga si kuya dun "mama aalis na po ako!!" Paalam ko dito at tuluyan ng umalis. Ngiting ngiti ako habang nag lalakad papuntang school. Mga 15 minutes ang lalakarin ko para makarating dun. Nag titipid ako kaya ayokong sumakay. At maaga pa Naman kaya hindi ako malalate.

Nang makarating ng ako sa school ay pinag titinginan ako. Sabagay transferee? Eh 1 month ng nag simula ang klase. Buti nga mabait ang principal at hinayaan akong makapasok dito.

Hindi ko na sila pinansin at dire-diretso na sa building namin. Pansin ko lang medyo malayo Ang building namin kesa sa iba. Tapos kami lang ang nandito

Nang makarating sa tapat ng room ay kumatok ako. Bahagya akong naka yuko dahil nahihiya ako syempre.

"Hi miss. Anong kailangan mo?" Nakangiting tanong nung lalaki base sa boses niya

"Dito po ba ang section 4?" Mahinang tanong ko at nakayuko pa din

"Dito nga miss" lalaki ulit. Bat parang puro lalaki nag tatanong dito

"Transferee po ako at dito po ako nilagay" sabi ko at bahagyang tumingala para tignan sila. Nagulat Naman ako dahil puro lalaki ang NAKITA. Bat walang girls?

'baka absent?'

Pero kailangan sabay sabay talaga? Hindi ko na lang pinansin yun at tinignan na lang ulit at ngumiti pero nag tataka Nila akong tinignan

"Sure ka ba dyan miss?" Takang tanong ng isa at nakangiti Naman akong tumango

"Opo. Eto po oh" nakangiting sabi ko at inabot ang card ko kung saan nakalagay ang new section ko. Agad Naman silang nag lapitan at tinignan ang card ko at inabot Naman nila agad sakin. Nang kukunin ko na ay biglang may humablot nito kaya napa tingin ako sa kanya

"Bawal babae dito!!" Malamig na sabi nito at pinunit yung card ko dahilan para magulat ako

"Pero dito po ako nilagay ng dean" nakayukong sabi ko. Ibig sabihin ako lang babae dito? Kasi sabi Niya bawal daw babae sa section nila e

"Walang may pake!!" Sigaw nito sa'kin at bumalik na sa upuan niya.

"Huwag mo na lang pansinin yun miss. Mainit Kasi ulo niyan ngayon" nakangiting sabi nung lalaki. Kung titignan siya ay mukhang 14 or 15 lang siya. "Tara dito ka na lang" sabi nito sabay hila sa'kin sa tatluhan na upuan

"Salamat" nakangiting sabi ko nang maka upo "ilang taon ka na? Mukhaa ka pa kasing Bata eh" nakangiting tanong ko dito.

"14. Asher nga pala. Ikaw?" nakangiting sabi nito. Sabi ko na ang Bata Niya pa e

"Hannah" nakangiting sabi ko "bakit nga pala walang babae dito?" Takang tanong ko at umiwas lang ito ng tingin

Eh?

 Girl In Section 4Where stories live. Discover now