The Forbidden Fruit
Chapter 3
Next day…
“RUNNNNNN!!!” I heard that woman scream.
Bigla akong napabukas ng mga mata. Saka ako hinihingal at pinagpapawisan na biglang napabangon sa kama ko.
Teka…
Ano yun?
Ano yung napanaginipan ko?
At bakit…sa sobrang lakas ng pagsigaw ng babaing yun ay pakiramdam ko…ay parang hindi sya panaginip?
I tried to calm myself.
Saka ako napalingon sa paligid ko. Wala na si Demon. Gising na siguro sya at lumabas na ng kwarto.
Tumayo nalang ako mula sa kama ko at naglakad papunta sa banyo na nasa loob ng kwarto ko. Tama, masamang panaginip lang yun. Mawawala din yun pag naghilamos na ako.
Naghilamos nalang ako at nag-toothbrush saka lumabas ng banyo.
Napatingin ako sa orasan.
At…
“KKKKKKKKKKKKYYYYYYYAAAAAAAAAAHHHH!!!” ang naitili ko.
Oo! LATE NA AKO! LATE NA AKO SA FIRST CLASS KO! ALAS SYETE YUN PERO ALAS OTSO NA NGAYON!
Napasabunot nalang ako sa buhok ko.
Wala na. Wala ng pag-asang makahabol ako sa first subject ko sa umaga. T____T
Pero teka…BAKIT WALA MAN LANG NAGMAGANDANG LOOB NA GUMISING SA AKIN?! +___+
Pamartsa akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina.
At magwawala na sana pero…
*sssszzzzzztttt…*
Ang tunog ng pinipritong ulam sa kusina.
At napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ang shirtless na si Demon na ngayon ay nagpi-prito doon ng ulam.
Napalingon naman sya sa akin at…
At…
0////0
MAHABAGING DIYOS! ANG ABS! ANG ABS! SIX PACK!!! ANIM NA PANDESAL! HINDI KO ATA KAKAYANIN ‘TO!!! >////<
He smiled and I almost faint. “Good morning”
I gulp.
JANE! MAGHUNOS-DILI KA! KE-AGA-AGA PALANG PERO PINAGNANASAHAN MO NA ANG KATAWAN NG BOYFRIEND MO! WAG IPABABAW ANG HORMONES! SHOO HORMONES! SHOOO!!!
Buti nalang talaga at hindi na nya nababasa ang iniisip ko dahil nakakahiya ang mga pinag-iisip ko! >////<
Alanganin naman akong ngumiti sa kanya. “G-good morning…”
“Sit down. I’ll get this ready for you…” ang sabi nya saka ibinalik ang mga mata sa niluluto nya.
Agad naman akong naupo at nanginginig na kumuha ng baso at binuhusan yun ng tubig galing sa pitcher. Saka mabilis na nilagok yun. Pero dahil sa sobrang pagmamadali ko ay bigla akong nabulunan.
Agad naman syang napalingon sa akin at lumitaw na naman ang half-naked na katawan nya na iyon and I almost gasped for air.
OXYGEN! I NEED OXYGEN!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/31267094-288-k554718.jpg)
BINABASA MO ANG
THE FORBIDDEN FRUIT [Transferred to DREAME]
VampireBook 2 of The Vampire's Contract. [TAGALOG] Legends Uncovered. Mysteries Unlock. Jane Ortega has a perfect college life. She goes to school, hang out with her friends and date her stunningly beautiful basketball varsity player boyfriend, Darius Edmo...