Chapter 2

20K 493 28
                                    

The Forbidden Fruit

Chapter 2

Naging tahimik lang kami sa paglalakad pauwi ng bahay. Naitanong nyo siguro kung bakit naglalakad lang kami. Malapit kasi ang apartment ko sa University at two blocks away lang ang layo ng bahay naman nina Demon at nang mama nyang si Ms. Suzanne.

Nang makarating kami sa apartment ko ay napaatras pa ako nang buksan ko ang pinto dahil…

“WELCOME HOME LOVERS!!” ang salubong sa amin ni…

MS. SUZANNE?!

Paano sya nakapasok sa bahay ko?!
 

At ito pa ha! May mga balloons at mga designs everywhere! At nakasuot pa sya ng birthday cap.

Anong nangyayari? ?.?

“Mama…what is this?” si Demon na ang nakapagsalita.

Napatawa naman sya ng hilaw.

“Ah…hahahaha! Wala lang, welcome home party ko para sa akin!” ang masaya nya pang sabi.

Huh? Welcome home Party?

At parang ang weird naman nun. Sya pa ang naghanda ng welcome home party para sa kanya?

“Welcome home party?” Demon raised his brow.

“Eh kasi my beautiful and supergwapong anak, I’ve decided na dahil malapit nalang man din ang bahay natin sa bahay ni Jane, then bakit hindi nalang tayo maki-join sa bahay nya? Divvvvvaaaaaa??? Hm? Hm?” *0*

Napakurap ako.

D-dito na sila…

Dito sila…

Dito sila…TITIRA?!

Magsasalita na sana ako pero…

“MAMA…” +___+ si Demon.

“Anak, wag kang masyadong high blood. Nasisira ang ka-pogihan mo! Ahahahahaha!” yun lang saka sya lumingon sa akin. “At Jane anak, okay lang ba sayong dito na kami tumira? Wag kang mag-alala, nakausap ko na ang parents mo tungkol dito at pumayag na sila! AHAHAHAHAHA!” ^___^

Napakurap ako.

Kinausap nya ang parents ko?!

At pumayag na sila?

Teka lang, paano nya napapayag ang parents ko?

Napangiti nalang ako ng alanganin. “Ah eh…ganun po ba? Pero baka---”

“OKAY! KNIGHTS! DALHIN NYO NA SA LOOB ANG MGA GAMIT NATIN!” ^___^

Okay. Hindi na ako mag-i-effort magsalita dahil alam kung wala ng panama ang kahit anong sasabihin ko.

At doon na nagsipasok ang isang hukbo ng mga nakaputing mga taong  yun at may mga dala silang mga maleta, mga furnitures, at mga kung anu-anong box.

Napanganga ako.

“Naku, sorry anak ha” ang lingon naman sa akin ni Ms. Suzanne. “Hindi ako masyadong prepared at konting gamit ko lang ang nadala ko dito. AHAHAHAHAHA!” ^0^

Seryoso? Konti pa ‘to?

EH HALOS DINALA NA NYA ANG BUONG BAHAY NILA EH!

AT ANO NALANG KAYA ANG ITSURA NG ‘MARAMING’ GAMIT NYA?

Napanganga pa ako nang makitang ipasok din nila ang mga ref, oven, TV set, computers, at halos lumaki ang mga mata ko nang ipasok nila ang isang sala set na yun!

THE FORBIDDEN FRUIT  [Transferred to DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon