Chapter 4

14.5K 440 15
                                    

The Forbidden Fruit

Chapter 4

Nang matapos ang last subject namin sa hapung iyon ay excited akong lumabas ng classroom. Alam ko kasi na naghihintay na sa labas si Demon.

Nang lumabas ako ay agad kong nakita ang gwapong lalaking iyon na pinapalibutan na naman ng mga babaing iyon. -____-+

“Darius, nag-bake ako ng cake para sa’yo” ^___^

“Darius, pwede ba mahingi ang number mo?”

“Ang gwapo-gwapo mo pala pag malapitan noh?”

“Teka, may girlfriend ka na ba ha? Pwedeng ako nalang ang girlfriend mo?”

Wow ate ha. At ikaw pa ngayon ang magpo-propose sa boyfriend ko? -____-+

Pero agad na nagtaas ng mukha si Demon at nang makita nya ako ay nakita ko ang unti-unting pag-guhit ng ngiti sa labi nya.

Ngumiti din ako ng alanganin.

Saka sya umalis sa nakakumpol na mga babaing yun at naglakad papunta sa akin. Nakita ko pang napanganga ang mga babaing yun. BWAHAHAHAHA.

“Wait, sino sya?” ang tanong ng isa.

“Oo nga, bakit sya nilapitan ni Darius my loves?”

“Baka naman yaya nya or something at may iuutos lang sya”

Yaya? -___-+++

Mukha ba talaga akong yaya ha?

“What are you thinking?” ang biglang sabi naman ng kaharap ko.

Oo, hindi ko namalayan na nakatayo na pala sya sa harapan ko.

Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti. “Ah…wala naman.” ^____^

Pero nakita ko ang pag-iba bigla ng ekspresyon ng mukha nya.

“This is really frustrating” ang sabi nya habang nakatingin sa ibang direksyon.

“Eh? Frustrating? Ang ano?”

Then his gray eyes looked at me.

“This is really frustrating not to know what you’re thinking” he said.

Napangiti ako. “Naku, okay lang yan. Wala naman akong itinatago sayo sa isipan ko eh” ^____^

At mas mabuting wag mo ng mabasa ang iniisip ko dahil nakakahiya ang mga bagay na minsan ay iniisip ko. NAKAKAHIYA TALAGA. PROMISE. -____-

Napatitig lang sya sa akin then he sigh.

“Well then…” then he pats my head.

At narinig ko naman ang bulungan ng mga babaing yun.

“OMG, hinawakan sya sa ulo ni Darius…!” T____T

“OO nga! Sana ulo ko nalang yan! Darius, hawakan mo rin ang ulo ko please??”

“Wait girls, baka tinitignan lang ni Darius kung may kuto ba sya or dandruff. Don’t overreact. Geez”

At bakit kailangan pa nilang mag-chismisan sa tabi ko ha?

Hindi ba nila alam na dinig na dinig ko ang pinag-uusapan nila? -____-+

“…I trust you that you’re really not thinking something weird about me” ang patuloy sa sinasabi ni Demon.

Natigilan naman ako doon at napatawa ng hilaw.

“W-weird? Ahahahaha! Bakit naman kita pag-iisipan ng weird? Ako? Pag-iisipan ka ng weird. Psh! NEVER!” ang tumatawa ko pang sabi.

THE FORBIDDEN FRUIT  [Transferred to DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon