Part 1

13 0 0
                                    

"Hinding-hindi ako maiinlove!" yan...yan ang salitang palaging lumalabas sa bibig ko nung kabataan ko, nang dahil sa mga ikinukwento ng mga kaibigan ko na kesyo MANLOLOKO daw si ganito, BABAERO daw si ganyan, 3 TIMER , 4 TIMER o kung ilang timer pa meron ang mga yan, kelan kaya sila sasabog?

Sa tuwing magkukwento sila sakin ng tungkol sa mga lovelife nila ..nagbibingi bingihan nalang ako, na kunyare nakikinig pero yung tenga ko nasa kabilang mundo, e paano kasi... kikilig kilig tapos maya maya iiyak iyak, ganoon ba talaga ang pag ibig?

Sa totoo lang naiirita ako kapag may nakikita akong sweet na mag jowa sa kanto, parang ang sarap pag untugin, kulang nalang maghalikan sila sa mukha ko eh.

Sabi nila siga daw kasi ako ,kaya walang nagkakagusto sakin, takot daw lumapit yung mga lalake dahil para daw akong mananapak kapag kinakausap.....

Subalit hindi ko sukat akalain na tatamaan din pala ako sa lalaking kekembot kembot sa daan.

Nagsimula kasi yon nung election sa school namin, botohan para sa mga gustong maging officers sa school.

Sya ang President ng school namin that time, sa totoo lang .... hindi ko din alam na binabae pala sya, dahil sobrang gwapo nya, makinis ang balat, matangkad, ang ganda ng ngiti.

Habang nag speech sya sa harap ng stage , parang ang tali-talino nyang magsalita , narinig ko din ang mga ibang kaklase ko na crush din nila si Pres, sobra akong namangha...

Simula noon...kung anu-ano na ang itinatanong ko sa mga kaklase ko tungkol sakanya, at nalaman ko rin na kaibigan sya ng isa kong kaklase, hindi kami close.. pero... uso naman ang FEELING CLOSE diba? para lang makilala si crush...

Nabanggit nya din saakin na "may number ako ni Pres, gusto mo?"

Sa totoo lang kilig na kilig ako, ganito pala yung feeling ng mga kaibigan ko kapag pinag uusapan nila ang mga crush/jowa nila, para kang kinikiliti na ewan, di mawala ang ngiti sa mukha.

"Sige! Sige! " sagot ko naman sakanya, ngunit bigla nyang sinabing ..."Sigurado ka? Kahit bakla sya? Lalake gusto nun, girl!"

At tumigil ang mundo.....

Girl with a twist tasteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon