Ilang segundo bago ako sumagot ng "Hahaha, okay lang yon, malay mo maging lalake na sya kapag naging kami", biro ko.
Go with the flow naman sya at binigay ang number ni Pres saakin.
Pag uwi na pag uwi ko ay kaagad akong nag message kay Pres, para akong kiti kiti na hindi mapakali sa aking higaan dahil sa sobrang saya at kilig, kaagad naman nag reply si Pres ng "Sino to? paano mo nakuha number ko?"
Doon na nga nagsimula ang conversation namin, nagpakilala ako at agad agaran na sinabi ko na crush ko sya, na walang pag aalinlangan, hindi ko man lang naisip na bakla sya ...na baka mailang sya or mandiri, hindi nga sya makapaniwala sa sinabi ko, at sa pag uusap namin na iyon ay hindi ko man naramdaman talaga na binabae sya, kasi ...madalas ..yung mga beki nagsasabi sila ng "omg!" , "charot" , "duuuh", at kung anu-ano pang kaartihan na reaksyon.
Parang normal lang sya , may pa english english pa nga na kung minsan e hindi ko maintindihan, pero okay lang yan...nandyan naman si google translate hehe.
Ilang araw din kaming magka text ni pres, at sa sobrang assuming ko, feeling ko talaga interesado din sya saakin, dahil sobrang bilis nyang mag reply, pero minsan kapag nagpapaalam sya na maliligo , hindi na sya nagte text ulit, hindi ko ininda iyon, dahil ayoko din namang maging istorbo saknya, lahat ng messages nya sakin sini-save ko at madalas pinapakita ko sa mga kaibigan ko, kinikilig naman na din sila dahil ka chat ko ang sikat na President sa school.
Then, one time, kinausap ako ng classmate ko na kaibigan ni pres, ang sabi nya "alam nyo ba na nawawala yung funds na tinago ni Pres?"
Nag worry ako at sumagot ng ... "kaya pala hindi sya nag te-text, paano daw nawala?", "may nag nakaw yata , hindi nya din kasi alam kung sino kumuha, na iistress nga si pres kanina eh" sagot nya.
Maya-maya lang ay nag message ako kay Pres, at kinukumusta sya , ang sagot naman nya ay ayos lang sya, hindi nya nabanggit ang tungkol sa funds, hanggang sa ako na ang nag mention tungkol dito, "Oo eh, wala pa naman akong pera pang abono, baka ipahiya pa ako ng adviser namin :("
Nag decide ako na tulungan sya sa problema nya dahil may iniipon akong pera at balak ko itong ipahiram sakanya dahil hindi ko kayang makita syang nasa ganoong sitwasyon, "talaga? Nako! thankyou! thankyou! Pupuntahan kita sa classroom nyo ngayon na", masayang sabi nya pagkatapos kong sabihin saknya na ipapahiram ko muna ang pera ko saknya.
Naisip ko na hindi pa pala kami nagkikita talaga as in or nagkausap sa personal, hanggang pasulyap sulyap lang ako sakanya sa school, hindi pa nya ako na me meet in person pero alam na nya ang itsura ko dahil sa facebook, bigla akong nagpanic at sinabi sa mga kaibigan ko na.....
"Pupunta dito si Pres", hindi sila makapaniwala at nagtatanong kung bakit , naikwento ko sa kanila ang pag uusap namin ,excited na excited sila , habang ako naman ay kabadong kabado, at hindi alam ang gagawin, sobrang bilis ng tibok ng puso ko, parang bulkang sasabog....
At narinig ang isang boses na tinatawag ang aking pangalan mula sa labas ng classroom, dahan-dahan akong lumingon at nakita ang maamo nyang mukha na nakangiti mula sa labas habang nakatingin sakin, nagtilian ang mga kaklase ko habang pinaghihila ako palabas.
BINABASA MO ANG
Girl with a twist taste
Proză scurtă-SHORT STORY- Just fiction (only the author knows if it was a true story~) -AKM