Chapter 1:Secret or Not

246 1 0
                                    

Ivan's POV

“Dude,andiyan na naman yung number one fan mo........”Kantiyaw sakin ng isa kong teammate habang nag-aayos ako ng sintas ng sapatos ko at naghihintay kami magsimula ang laro namin ng basketball..kasalukuyan kaming nasa court ng school..second year high school ako sa edad na eighteen..late na ako nakapag-aral dahil sa ten years old na ako nang ampunin ng mga kinalakhan kong magulang..wala naman akong problema sa kanila..in fact I'm so lucky dahil sobrang mahal nila ako at hindi ni minsan ipinaramdam sakin na ampon lang ako..alam ko na ang tinutukoy ng teammate ko ay ang babaeng madalas manuod ng laro namin..at hindi lingid sa akin ang buong pagkatao ng babae..nilingon ko ito at nahuli ko na nakatingin ito sakin kaya tila ba napahiya ito at agad napayuko..I smirked............

“Ganyan nga..mahulog ka sakin para hindi na ako mahirapan sa mga plano ko sa inyo ng ama ko na inangkin niyo ng malandi mong ina..........”

Pansin ko na napapahiyaw siya sa tuwing makakapuntos ako at natapos nga ang laro namin na ang team namin ang panalo..........

Madaming nagtatangkang makalapit sakin ngunit dahil nga sadyang suplado ako ay puro hanggang pagtatangka lang sila..dahil malayo ang agwat ng edad ko sa mga ka-klase ko ay wala din ako nagiging gaano ka-close..loner ako kung ituring ng ilan pero mayroon din naman akong mga kaibigan..karamihan nga lang ay mga kasama ko lang din sa kupunan sa basketball..............

Nakita ko na palabas na ng sports hall ang babaeng yun kaya nagmamadali akong sumunod dito..panahon na para simulan ko ang plano............

“Rain.............”Tawag ko atensyon nito ngunit hindi naman ito lumingon..............

“Sino tinatawag niya..........?”

“Rain?Babae ba yun..........?”

“Ang swerte naman ng Rain na yun..sino ba yun..........?”

Narinig kong bulung-bulungan ng mga kababaihan sa paligid............

“Sheena Lorraine Aguirre..............”Nilakasan ko na ang tawag ko and gusto ko matawa nang mapansin ko na she stilled...........

“A-ako ba...........?”Tanong niya nang lingunin ako..kita ko ang pagkalito sa mga mata niya at pansin ko din ang inggit na tingin ng mga kababaihan dito............

“Ikaw nga.........”Lumapit ako dito at lumuhod sa harap nito kaya halos parang bubuyog na ang narinig kong mga bulungan............

“A-ano'ng g-ginagawa mo?”Nagulat na tanong nito..........

“It's undone..aayusin ko lang.........”Nakangiting wika ko na ang tinutukoy ay ang sintas ng sapatos nito...........

“A-ako na...........”Agad na iwas nito pero hindi ko hinayaan na makaiwas siya sakin.......

“No..let me.........”Tiningala ko ito at nginitian..napansin ko ang pamumula ng pisngi nito............

“T-Thank you,Mr.Alferez...........”

“Ivan..it's Ivan for you,Rain..and oh..okay lang naman na tawagin kitang Rain di ba?Or you preferred Lorraine?Or Sheena ba?”Nakangiti akong naglahad ng kamay..........

“O-okay lang..kahit ano..........”Alangan itong ngumiti at tinanggap ang kamay ko..........

“You're cold..nervous?”Tukso ko.........

“H-hah?Oo..I mean hindi.........”Mas natawa ako dahil sa paiba-iba niyang sagot.........

“Pauwi ka na ba?Pwede ba kitang ihatid?”Alam ko na pwede ko na simulan ang plano ko dahil eighteen na ako at nakuha ko na ang license ko..pwede ko na i-drive ang regalong kotse sakin ni Dad..I mean ng aking adoptive daddy..........

“Ang swerte naman niya..........”Dreamy na wika ng ilang babae...........

“H-hindi pa ako uuwi...........”Nakangiting tanggi nito..teka..sablay ba agad ang plano ko?Hindi ito pwede..akala ko ba crush ako nito?

“Ayaw mo ba na ihatid kita?”Kunwa'y nalungkot na tanong ko...........

“Oh,no!It's not that..m-may klase pa kasi ako.........”

“So after ng klase mo pwede na?”Ngumiti ulit na tanong ko..napansin ko na nag-aalangan pa din ito............

“Please.........?”I pout..........

“O-okay...............”Bakit ganun..pumayag siya pero parang napipilitan lang siya..nakakainis ah..hindi ba umuobra sa kanya ang karisma ko?

“Thank you..hihintayin ko matapos ang klase mo..bye,Rain.........”Kumaway ako dito at patakbo nang binalikan ang bag ko sa bench para makapagpalit ng damit dahil nakasuot pa din ako ng jersey.............

“Uy,dude!Ano yun?Type mo ba si Ms.Aguirre?”Kantiyaw sakin ng kaklase ko at teammate din na si Dylan.............

“Of course not..ang bata pa nun,noh.........”Tanggi ko..........

“Sabagay..ikaw legal age na samantalang kami ay fourteen years old pa lang..pero malaking bulas naman yun si Ms.Aguirre kaya parang magka-edad lang kayo kung titingnan.........”

“Kailangan ko lang ng shield dun sa mga babaeng panay ang lapit sakin..........”

“Iba ka din pumili..mautak ka..best option nga si Ms.Aguirre..una maganda..pangalawa kahit bata pa ay sexy na..pangatlo ay nagmula sa mayamang pamilya kaya walang magkakamaling mam-bully sa kanya sa mga babaeng may gusto sayo..believe na talaga ako sayo...........”

“Ako pa ba.............”Nakangiting sang-ayon ko na lang..matalino ang batang ito..hindi ko nga iyon naisip..hindi naman kasi iyon ang rason kaya ko nilapitan ang babae pero may point ang kaklase ko...........

“So liligawan mo?Mukha pa namang hindi easy to get si Ms.Aguirre.........”

“Bakit pa?Uso naman walang label ah............”Sagot ko...........

“Aahhh..kung sabagay..open relationship..ganun ba?”

“Oo..para malaya kami pareho.......”

“Paano kapag na-inlove ka?”

“Malabo yun mangyari..........”Sagot ko na totoo naman..malabo naman talaga yun mangyari..ang isipin pa lang na mamahalin ko ang anak ng babaeng dahilan ng paghihirap ng ina ko ay parang gusto ko nang masuka...........

“Eh paano kung siya ang ma-inlove sayo?”

“Problema niya na yun..hindi ko naman sinabing mahalin niya ko,di ba?”Nagkibit-balikat ako...........

“Ang tindi mo,dude..may puso ka ba?”Nangingiting tanong nito..........

“Puson ang meron ako..........”

“Babaero.......”

“Nagmana sayo..........”Sabay kaming napahalakhak sa sagutan naming dalawa...........

Parehas namin alam na pareho kami ng likaw ng bituka..bata pa ito pero nakakailang nobya na..parang ako..pero sila naman ang lumalapit..pero panandalian nga lang..ayoko ng pangmatagalan at ayoko sa mga bata pa dito sa school..karamihan sa naging nobya ko ay mga nasa kolehiyo na..mga matured na at open sa kahit anung liberated na bagay na ginagawa ng mga nasa edad na namin.........










































Sorry guys medyo nawala ako sa mood umpisahan ito pero pipilitin ko na maitawid ito😅
Vote and comment guys........












😘😘😘😘😘💖💖💖💖💖

Lured in Him and TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon