First time lover Chapter 1: Ang Dati

97 2 0
                                    

Introduction:

Hi! Ako si Luke. Fourth year high school sa Manlilis National High School dito sa Manila. 15 years old na ako at tila SMP ngayong pasko. Paano ba naman ang gulo ko! Whoo! Ewan ko ba sa tuwing may magugustuhan akong babae ako na lang si Mr. Shy! Si Boy tahimik at tila Torpe kung mabansagan. Ano ba talaga ang ipinahihiwatig ng mga damdaming kong ito? Normal lamang ba ito o mali ang mga gawain ko?

May mamamahal rin ba ako? O tuluyan nang magiging binata till the end? Wag naman sana. Awa na.

Chapter 1: Ang “Dati”

Third year pa ako noon. Natatandaan ko pa noon recess pa kami, so usually, tambay sa may terrace ng room kasama si friend – treated crush with my best friend.

“Hahaha! Yahh green minded! Wag ganun…” ansabe ko noon sa crush ko.

(Di pa ako mahiyain noon. Friend level lang talaga noon kami ni crush. BTW her name’s Michelle)

“Baka ikaw ang green! Haha. Anong malaki dyan pinagsasabi mo?” sagot ni Mich.

“Aba ewan ko dyan sayo. Ikaw nag iisip nyan.” Ansabi ko.

(Sabay tawa. Kasama namin nga pala ang bestfriend kong si Samuel na napapatawa din.)

(At dumating na si Teacher, A. P. class na kami noong mga oras na iyon.)

As you can all see, normal normal lang ang lahat noon.

Usap kay crush ayos! Walang hiyaan moments.

May tropa nga pala kami noon. Tanda ko pa 10 kaming magkakatropa.

Lima kaming mga lalaki sa tropa.

Si Esfren Samuel ang parang lider namin dahil kapag iyon nag punta kung saan, susunod kami. Follow the leader ika nga.

Si Fredrick. Ang Gitarista naming magulong kausap. Kapag ito may kausap, at pilit mung abalahin, naku! Don’t bother! Parang salming madumi yan. Malabo!

Si Randy. Ang tech whiz ng tropa. May virus ang PC? Call Randy, todas yan! Walang ititira. Sobrang galing talaga.

Si Jerome. Ang simpleng astig ng tropa. Mahilig sa motorsiklo at ang crush ni Amy.

Ang apat na kumag na iyan ang mga palagi kong kasama sa hirap at ginhawa, at sa test ng Algebra. Hahaha

Ang tropa namin may kanya kanyang trip, kanya – kanyang gusto. Unique ika nga.

Pero kahit iba iba ang gusto namin, nagagawa parin naming magkasundo sundo sa iisang layunin. At iyon ay dadalwang bagay.

Ang kumain

At Kumain. Hahaha…

10 ng umaga at tanda ko pa noon, nagsama sama kami sa house nina Fely, para tumambay matapos ma cancel ang klase sanhi ng protocol na hindi na namin kinuwestyon at baka mabawi.

(Si fely ay isang palatawang friend, siya ika nga ang initiator. Kapag siya tumawa, tatawa na ang lahat.)

Anyways, nandon ang buong tropa.

There was this time na sama – sama kami sa itaas ng bahay ni fely, halos kaharap ko si Mich noon at pinagmasdan ko ang natutuwa nyang mukha sanhi ng mga jokes ni Samuel.

At biglang nag iba ang ihip ng hangin ng mag – iba din ang topic mula super powers, to love.

Ito na… Interesting naman. Nagtanong ako kung anong gusto ng mga girls sa isang lalaki. Ito naman ang mga isinagot/ibinanat nila:

“Kahit ano basta hindi ako maiipagpalit sa kung sinong babae at hindi ako sasaktan.” Sabi ni Amy. (Ang singer ng tropa.)

“Ako basta pogi, at mabait.” – madaling isinagot ni Fely sa amin.

First time loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon