Chapter 3: Na realize ko

35 1 1
                                    

 Introduction:

Ang sarap talaga ng feeling na kasama mo si crush. Pero ano nga ba ang gusto mong marating kung alam mong may posibilidad kang hindi magtagumpay? Ano na? Suko na, move on? O fight till the end?

Gulo nuh?

Lumipas ang mga school days.

Tila kahit isa the same.

Seeker lang ako.

Hanggang tingin sadya.

Pero ayaw ko namang parang wala lang.

Gusto ko maramdaman nyang mahal ko parin siya.

Kahit walang kapalit, basta ito na ‘yon.

Nagkaroon ng isang araw sa Filipino class namin na ang topic ay tungkol sa pag – ibig.

Nagsibangon ang mga patay.

Nagkaroon na nga ng energy ang lahat na sumagot.

“Payag ka ba na mamatay ang mahal mo para sa’yo? Bakit?” ang tanong ni Ma’am.

Eh di taasan ng kamay.

“O Mikoy? Ikaw.”

“Ako po, Oo, kung ‘yon po ang ika sisiya nya, payag po ko. Atleast sa ganoong paraan, alam kong mahal nya ko. Tsaka susunod din naman po ako.”

Yun! Yun Yun eh!

Nagsigawan ang lahat.

Natawag at sumagot naman si Allan.

“Sasama po ako sa kanya.”

“Ha?! Ano?! Bakit?” tanong ni Ma’am.

“Para sa Langit na lang po kami magmahalan, at doon, ang pagmamahal, walang katapusan.” Sagot ni Allan.

“BOOM!” sigaw ng iba.

Medyo nag – iingay ang lahat.

At siyempre, as expected ng nagbabasa nito, sumagot din ako.

“Ako po, hindi payag, hindi ko po gustong mamatay ang pinakamamahal ko para lamang sa isang katulad ko.”

“Yown! Bumanat!” sigaw ng mga kaklase ko.

Habang papaupo ako, ay tumingin ako kay Mich. Tiningnan ko kung anong reaksyon nya.

Pinagtutulak siya ng mga katabi niya siguro dahil kinilig.

Hehe. Natatawa din naman siya.

Maiksing ngiti lang naman.

Pagkatapos ay serious face na ulet.

“Ano kayang reaksyon nya.?

Natuwa kaya?

O Nairita?” napaisip ko.

Natapos na ang Filipino Time namin.

Meron din namang time kung saan Values na kami.

Tungkol sa katotohanan.

Ang tanong ni Ma’am:

“Is it correct to make someone cry and tell the truth or lie and tell them lies? Why?”

Sumagot si Mikoy.

“Ako po no. Its better to hurt and tell them what’s true, kasi ‘pag nagsinungaling ka lang, mas lalaki at lalawak ang pagsisi na laging nasa huli.”

Nag iritan ang lahat.

Ang ganda kasi ng sagot ni Mikoy.

Ako rin sumagot.

First time loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon