Chapter 1

8 0 0
                                    

Kasalukuyan akong nakatulala sa harap ng agahan na inihanda ni mama. Pritong itlog, cheese dog at sinangag ang nasa hapag ngayon. Habang humihigop ako ng kape, nakatulala ako at pinagiisipan ko rin kung papasok ba ako ngayon. Parang tinatamad ako na ewan. Bigla namang nagsalita si mama.

"Ate, hindi ka ba papasok ngayon? Anong oras na, late kana niyan."

" May seminar kami ngayon Ma. 9 am pa naman ang start. Pero ewan parang tinatamad ako."

" Di Hindi ka papasok?"

Nagulantang ako ng biglang nagpop up yung message sa GC namin.

"See you later guys. Will reserve seats for you!<3" -Miray

" I'm coming..."-Lysa

" Me tooo!"-Pach

Nagisip ako ng dahilan para hindi nila mahalata na tinatamad lang din ako. Mas gugustuhin ko pang magkulong nalang din maghapon sa bahay at manood ng Kdrama. o kaya naman tapusin nalang iyong mga word problems sa AnalGeom. For sure pakatapos nito, board work is life na naman.

Dali dali akong nagreply sa GC.


"Sorry guys, pero masama pakiramdam ko. Kayo nalang din. Ingat and enjoy sa seminar. :)"

Bigla naman nagreply si Lysa.

" Hoy ikaw Isay, binayaran natin yung seminar na yun. Sayang dali naaa! Papasundo ka pa ba?"

Sumabat din si Miray.

" Sayang nung snacks na toasted siopao at C2. May palunch din. Sigee ka! Akin nalang din iyon. Hahahaha!"

Sumabat nadin si Pach.

" Tama na yan kakasolve sa AnalGeom.Baka magUno kana niya sa board work.  Saka na natin iyan problemahin. Dali naaaa!"

Napabuntong hininga nalang din. Akala ko kakagat na sila sa excuses ko. Hindi pala. Bigla naman akong napansin ni  mama at nagsalita.

"Kung papasok ka, yung uniform mo nakasabit dun sa kwarto. Naplantsa ko na din yun tska yung pamasahe mo nasa ibabaw ng ref. Ilock mo nalang din ang bahay ah. Aalis naa ako."

" Sigee po, Ma. "

Sinara na ni mama yung pintuan. May sarisari store si mama malapit sa highway. Umaalis siya ng alas 7 ng umaga at umuuwi naman ng alas 7 ng gabi. Mas gusto ni mama pumuwesto sa labasan kasi mas malaki ang bentahan.

Bigla naman akong nagulat ng tignan ang orasan sa pader.

"Shemaay! Malapit na mag alas-otso."

For  sure late na tayo nito. Nakakahiya pa naman pumasok sa hallway na late.
Dali dali kong kinuha yung tuwalya, sabon at sipilyo. Dali dali rin akong naligo at nagbihis. Dali dali kong hinablot yung lip tint at pangkilay ko. Mawala na ang lahat pero wag lang ang kilay on fleek. Naglagay lang din ako ng pulbo at inayos ang buhok. Binitbit ko na din palabas ng bahay yung bag at sapatos saka sinuot ito. Dali dali akong lumabas ng gate at nilock ito.

8:30 na pero andito parin ako sa labasan. Punong puno ang Tahao Road  jeep na sasakyan ko papuntang Bicol University. Wala na mukhang late na tayo nito. Bigla akong nagulantang ng tumunog ang messenger ko. Nagingay na naman ang babaeng to sa GC.

"Isaaay, san kana? Magastart na!" -Miraay

" Ang aga ah. Nasa gate na din ako. "- Pach

" Nasa paradahan na ako ng tricy. See youu."-Lysa


Mi Primer Amor (My First Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon