Chapter 2

9 0 0
                                    

Araw ng Linggo ngayon. Nasa harap ako ng study table at namumroblema sa napakaraming word problems na hindi ko pa rin masagutan. Kailangan ko masagutan lahat dai hindi ko alam kung anong word problem ang maibibigay sa akin sa boardwork. Pero sabi nga nila paghindi mo alam kung pano sagutan titigan mo nalang. Dahil hindi naman ako ganun kagaling sa mathematics nung elementary at highschool nasa average student lang naman ako kung kaya't nahihirapan ako. Kaya nga hanggang ngayon napapaisip parin ako ng kung bakit nasa College of Engineering(CENG) ako. Bakit gusto ko nga ba maging Engineer?

Flashback. (3 years ago....)

Nasa classroom kami at abalang abala ang mga kaklase ko sa pagfill up ng forms nilaa para sa admission sa college entrance exam sa Bicol University.

Kasalukuyan akong nakatitig sa form at panay ang tingin sa mga courses na maari kong kunin. Hindi ko parin ako makadecide kung ano ang course ang isusulat sa form dahil hindi ko rin talaga alam kung ano ang gusto at pangarap kong maging.

"Isay magpapasahan na mamaya. Anong course sinulat mo?" curious na tanong ni Ava

Si Ava ang isa sa bestfriends ko. Isa kasi dalawa sila. Si Chanel naman yung isa. Simula elementary ay magkakaklase na kami kaya matagal tagal narin naming kilala ang isa't isa at mukhang College ang makakapaghiwalay sa amin.

"Ah, undecided pa rin. Mamaya na ba talaga ang pasahan?" tanong ko

"Oo ata eh, Social Work pala nilagay ko. Sa College of Social Sciences and Philisophy(CSSP) kung sakali ang magiging campus ko. Naeexcite na ako, Issay. Sana maipasa ko ang BUCET."excited na sagot ni Ava

" Ganun ba?Papasa ka niyan for sure. Ikaw pa. Ikaw Chanel anong course nilagay mo?" tanong ko

" Ahh, Education. Tapos magamajor ako sa Social Studies."nakangiti namang sagot ni Chanel

" Uy, kung ganun magkakalapit lang din ng konti ang mga campuses natin kung sakali. Hayss, naeexcite na ako sa college life natin." excited naa excited na sagot ni Ava

" Kaya halika na, ipasa na natin to mamaya. "dugtong naman ni Chanel

Wala na akong ibang maisip kundi titigan nalang ang leaflets ng mga listahan ng mga kurso na pwdeng kunin. Napatingin ako sa mga courses sa College of Engineering at naintriga sa course na BS Geodetic Engineering.

"Bago ba 'tong Geodetic Engineering sa CENG?"tanong ko kila Ava at Chanel

" Mukha ata. Teka, Yan na kukunin mo? Ikaw ah wala ka namang pasabi na gusto mo palang maging Engineer. Sabagay, sisiw lang din naman yan sayo. Pero teka, ngayon ko lang din narinig yan na ano nga ulit? Genetic? Genetic Engineering?" pagtataka naman ni Ava

" Geodetic. Geodetic Engineering. Teka sandali iresearch ko nga" sagot ko naman.

Inilabas ko ang phone at nagresearch sa google kung ano nga ba ang Geodetic Engineering.

"Sabi sa google hetoo. Bachelor of Science in Geodetic Engineering (BSGE) is a five year degree program that deals with the collection and measurement of spatial data in the surface of the earth using appropriate technologies and precision instruments. The program teaches students the scientific and methodological processing and management of gathered data for the production of spatial information systems, maps, plans, chart."sagot ko naman

" Ah, wait parang yan yung nakikita ko sa kalsada na nagsusukat sa highway last time ah. Yung may dalang equipment na parang pangpicture ganun? Yan ba yun?"tanong naman ni Chanel

" Pangpicture? Baka panukat iyon Chanel. Pero parang maganda rin ang course na yan Issay. Tsaka alam mo ba. Balita rin na ang College of Engineering ng Bicol University ay palaging kasali sa top performing schools sa Engineering Licensure Exam. Tska bagay yan sayo, atleast may bestfriend na kaming Engr. Isabella De Guzman. Yun ohhhh! Bagaay!"patawang sambit ni Ava


" At hindi lang yan maaring makahanap ka rin doon ng Engineer ng buhay mo. Haysss, gusto ko rin ng Engineer. Hanapin mo rin kami ah. "pabiro namang sabi ni Chanel

" Ayy bet. Pwdeeeee! Sana all may Engineer."patawa namang dugtong ni Ava

Mi Primer Amor (My First Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon