CHAPTER #2

128 20 0
                                    

^ Picture of Hex.

-----

Yssa's POV.

" Wait!" Sigaw ko sa isang lalaking tumatakbo.

Hindi ko makita ng malinaw yung muka nya.
Bakit ba nya ako tinatakbuhan?

"Sandali! Hoy!"

Huminto na sa pagtakbo yung lalaki at dahan dahang humarap sakin. Maliwanag ang paligid kaya medyo nasilaw pa ako.

Lumapit sakin yung lalaki at habang papalapit sya at medyo lumilinaw na ang muka nya.

Napanganga na lang ako sa nakita ko.

"Hex?" Tinanong ko sya pero wala syang sinasabi sakin.

Ngumiti sya at hinawakan ang muka ko.
OMO?! Wag mong sabihing hahalikan ako nito?

"Yssa...."
Nilagay nya na sa balikat ko yung mga kamay nya at sinimulan along iyugyog..?

"Yssa..."

"Oy Hex! Ano bang problems mo?!"

Nilakasan nya pa ang pagyugyog sakin. Tangna nakakahilo ah!

"Yssa hoy!"

Wait si mommy ba yun?

Tumigil na ang pagyugyog nya sakin at...

"YSSSSAAAAA!!!!!!!!"

*BOOOOOGSH*

"Aray!" Ano ba naman yan?! Kitang natutulog ang tao eh?!

Amfufu! Ang sakit ng pwet ko.. nahulog pa ako sa kama.

Tumingala ako at nakita ko si Mommy na mukang mangangain na ng tao. Pramis. Hindi nyo sya gustong magalit.

"Uhmmm.....Morning?"

Tinaas nya yung isang kilay nya at sinabi sakin, "Late ka na!"

Pagkasabi nyang yun. Napatayo ako sa sahig at tumingin sa wall clock ko.. Sheeett. 7:03 na!!! 7:30 pa naman start ng first subject namin.

Mr. PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon