Maririnig sa buong basketball court ng St. Gomery University ang malakas na buzzer hudyat nang isang timeout. Nagtipon-tipon ang mga mag-aaral kasama na ang magka-klase na sina Frea at Jade upang panuorin ang kani-kanilang boyfriend na star player ng nasabing eskwelahan.
"Galing mo love!" Puri ni Jade sa boyfriend habang inaabutan ito ng tubig.
"Syempre andito inspirasyon ko" Banat naman ni Primo.
Nilapitan at inabutan naman ni Frea ng towel at tubig ang kasintahan habang kilig na kilig na hinampas ito. Natawa nalang si Jade sa kaharutan ng kaibigan. 'Di nagtagal ay nagsimula na muli ang mainit na tapatan ng magkabilang kupunan.
Minsa'y napapatalon sila kapag nakaka-score ang team nila. Ngunit sa kabila ng hiyawan at palakpakan ay biglang hindi mapakali si Jade.
Mistulang may bumubulong sakaniya mula sa likod.
"Jade oras na"
Tumaas ang lahat ng balahibo niya sa katawan dahil sa boses na bumulong sakaniya. Lumingon siya upang tignan ngunit puro mga estudyanteng nanonood lang ang nakita niya. Pagharap niya ay di inaasahang mabilis na pagtama ng bola sa ulo niya ang sumalubong sakaniya.
Agad siyang nawalan ng malay sa lakas ng impact. Sa kabilang banda ay nanguna si Primo sa pagbuhat sa kasintahan at agad dinala sa clinic para sa paunang lunas.
Puro kadiliman ang nakikita ni Jade kahit na pilit siyang dumilat ay di niya magawa hanggang sa makarinig siya ng mga pamilyar na boses.
"Reizo tingin mo ayos lang siya?" Agad nagtaka si Jade dahil pamilyar ang boses sakaniya.
"Sabi ng nurse ayos naman siya, magigising na maya-maya" Mas lalong nagtaka si Jade nang marinig ang boses na matagal na niyang di naririnig.
Naidilat niya ang mata niya at tumambad sakaniya ang mukha ng kanyang nakaraan.
Napatayo siya sa hinihigaan at napatingin sa paligid.
"Nasan ako?" Di napigilang matawa ng dalawa sakaniya.
"May amnesia ka agad babe?"
Babe?! Reizo?!
Anong kalokohan ito, bakit nasa clinic ako ng dati kong school?
Nasan sila Frea?! Primo?!
Pebrero ika labing-apat dalawang libo't labinsiyam, ganap na ala-una ng umaga, Ako si Jade Diaz, ay bumalik sa nakaraan. Ano at paano? Samahan niyo ko pabalik sa nakaraan 'ko.
---
Back! Hope you'll like this story :) see u in chapter 1 luvs! :)