Chapter 2

2 1 0
                                    

February 13, 2020
St. Gomery University

"KJ mo alam mo yun? Dali na horror booth tayo!" Hila-hila ako ni Frea. Nagtatatakbong parang bata.

Open to outsiders ngayon ang school. Nasa malawak na field lahat ng booth from every department. Ang department namin ang photobooth. Tapos na ang shift namin ni Frea since kaninang umaga kami naka-asign.

"Nasan ba sila Primo?" Sambit ko habang nagt-type ng text sa boyfriend ko.

To: Love

Wer r u? R u guys done?

Kaninang umaga kasi busy sila sa cafe booth na anime ang theme. Ngayong hapon dapat magkaka-sama na kaming apat pero pinauna na muna nila kami mag-gala since magliligpit pa daw sila.

Di ko namalayan turn na pala namin ni Frea, may mga kasabayan din kaming ibang students. Napa-kapit naman ako ng mahigpit kay Frea ng may nakatayong clown sa may dadaanan namin.

"Frea really? Alam mong matatakutin ako- AHHH! WHAT THE HELL?!" Tawa ng tawa si Frea habang hinahabol ako. May bigla na namang nahulog na ulo ng babae 'di ko alam sang lupalop galing.

Nagtatakbo ako ng mabilis ngunit may humarang saking lalaki na naka-vampire costume.
"Welcome to my kingdom, my queen." Naka-ngising salubong sakin ni Reizo habang suot ang kaniyang vampire costume partnered with super white niyang foundation na ako pa nag-lagay.

Muntik na 'kong mapatawa ng malakas habang tinititigan siyang naka-busangot sakin.

"Dumiretso ka na nga babe, nawawala ako sa character, ang hirap kaya manakot." Nag-eyeroll pa ito sakin.

"Bye Mr. Vampire, see you later." Sabi ko sabay kiss sa pisngi niya at takbo.

Lumingon ako saglit at natawa ng nakitang naka-tunganga lang siya kahit may mga dumaan ng ibang batch na pumasok sa horror booth.

"JADE!" Kahit nasa labas na ko ay rinig na rinig ko pa yung sigaw niya. HAHAHA kala mo virgin e, charot!

"HUY!"

"AY PALAKA MO!" Napa-kurap ako at nakitang nakahalukipkip si Frea sa harapan ko.

"Anong drama mo sis? Tulala ang peg mo today?" Sabi ni Frea habang hinihila ako palayo kay kuyang bampira.

Iniling ko ang ulo ko. Kung ano-ano na naaalala ko. Bwisit na black lady yun. Pati ako nahahawa sa kabaliwan.

"Tara na nga makalabas na dito, baho naman amoy putok." Hagikgik ni Frea. Baliw din 'tong isang 'to e.

Lutang pa ko paglabas namin ng horror booth. Those memories, why are they coming back?

Bumalik ako sa ulirat ng may marinig na malakas na static galing sa isang mic. Napalingon ako sa mini stage na pakulo ng Media and Arts department.

"Primo?!" Napa-lingon ako kay Frea at narelize na wala na pala siya sa tabi ko. Nasa gitna na pala ako at may mga taong nakapalibot sakin. Tumingin ako sa may paanan ko at nakitang may petals ng roses at naka-heart shape. Bumukas na rin ang maraming fairy lights sa paligid na naka-sabit sa mga puno. Pa-gabi na rin kasi at dumidilim na.

Anong meron?

"Ehem mic test. Hi love!" Nag-init ang pisngi ko ng maghiwayan at magpalakpakan ang mga tao na nanonood.

"Captain Primo lang malakas!"

"Rawr rawr rawr!"

"Beke nemen Primo!"

Napatawa nalang ako habang naririnig ang mga sigawan nila. Ano nanaman ba 'to Primo?

Nanahimik ang mga tao ng nagsimula ang instrumental ng isang kanta. Hindi 'ko maiwasang mapa-ngiti dahil favorite song ko iyon.

This time, this place misused, mistakes
Too long, too late, who was I to make you wait?
Just one chance, just one breath
Just in case there's just one left

Wala talagang kupas ang ganda ng boses ni Primo. Isa 'to sa mga dahilan kung bakit ako nahulog sakaniya, kada kinakantahan niya ko, feeling ko dun niya pinapakita kung gaano niya 'ko kamahal.

'Cause you know, you know, you know
That I love you, I have loved you all along and I miss you
Been far away for far too long
I keep dreaming you'll be with me and you'll never go
Stop breathing if I don't see you anymore

What did I do to deserve him? Sobrang goal-oriented na tao, faithful, magalang lalo na sa parents niya, pati sa parents ko. He never fails to make me feel loved.

On my knees I'll ask, "Last chance for one last dance?"
'Cause with you, I'd withstand
All of hell to hold your hand
I'd give it all I'd give for us
Give anything, but I won't give up
'Cause you know you know, you know
That I love you, I have loved you all along and I miss you
Been far away for far too long
I keep dreaming you'll be with me and you'll never go
Stop breathing if I don't see you anymore

Bumaba siya sa stage at ipinasa sa isang lalaking taga Media and Arts ang mic, at ito na ang nagpatuloy ng kanta. Habang naglalakad siya ay na-realize 'ko, na napaka-swerte ko and I wouldn't ask for more.

"Hi beautiful" Sabi ni Primo at dahan-dahang kinuha ang kamay ko. Parang nawala ang lahat ng tao sa paligid at kaming dalawa nalang ang natira. Sa mundo, sa mundong kaming dalawa lang ang naroroon.

So far away, so far away
Been far away for far too long
So far away, so far away
Been far away for far too long
But you know, you know, you know

Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya habang malumanay kaming sumasayaw. I'd give everything just for this moment.

I wanted, I wanted you to stay
'Cause I needed, I need to hear you say
That I love you (I love you), I have loved you all along
And I forgive you (and I forgive you), for being away for far too long
So keep breathing, 'cause I'm not leaving you anymore
Believe it, hold on to me and never let me go
Keep breathing, 'cause I'm not leaving you anymore
Believe it, hold on to me and never let me go
Keep breathing
Hold on to me and never let me go
Keep breathing
Hold on to me and never let me go

Nagsayaw kami hanggang matapos ang kanta. He whispered to me.

"I love you Jade, only you." Tumingala ako sakaniya mula sa pagkakayap at hinalikan siya sa pisngi.

Magsasalita na sana ako ng marinig ang bungangera at eskandalosa kong kaibigan.

"Everybody say, SANA ALL!"

Natapos ang gabing iyon ng matiwasay. Hinatid ako ni Primo sa bahay at umuwi rin kaagad dahil finals na ng basketball bukas. It's going to be a big day tomorrow.

Dahil sa pagod ay agad akong nakatulog ng gabing iyon.

Sa kabilang banda ay may naka-masid nanaman sakaniya.

"Jade malapit na ang itinakdang panahon." Sambit ng babaeng naka-itim mula sa terrace ng dalagang himbing na natutulog.

---

ITS TIME! (JUNNIEBOY PASOK!) AHHAAHAHAH ANONG SAY NIYO? Team Reizo o Team Primo? Basta ako Team Payaman! HAHAAHAH CHZ.
see y'all on Chapter 3! :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken ReplaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon