This chapter is dedicated to aenean_, thanks for the beautiful cover u made! Ü
---
February 12, 2020
3:00 AM"Jade malapit na"
"Isang pagkakataon"
"Jade"
"Isang pagkakataon Jade, babalik-"
"Hindi!" Napabalikwas ako sa pagtulog dahil sa masamang panaginip. Tama isang panaginip. Napa-hinga nalang ako ng malalim bago nagpasyang matulog nalang ulit.
Pero hindi pa ako nakakahiga ay nangilabot at tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan sa hindi malaman na dahilan. Kinukulam kaya ako? Wala naman akong nakaaway.
OMG! 'Di kaya yung natapakan kong lapida sa sementeryo nung November?
Lord sorry na po sa tabi na po talaga ako lalakad, 'di na po akong tatapak-
"Mga mortal nga naman, napakaraming nakakatawang bagay na pinapaniwalaan"
Mabilis akong napalingon sa terrace ng kwarto 'ko.
1, 2, 3, nakatatlong kurap ako at nakita ang isang-
"MAMAAAA! BLACK LADY?! AHH-" Patuloy akong nagsisigaw pero makalipas ang ilang segundo ay napansin 'kong wala akong boses.
Wala akong boses?
"Ang ingay! Manahimik kung ayaw mong ngayon mismo ay kunin 'ko ang iyong buhay!" Ay kuha agad? 'Di mabiro?
Nakita kong umirap si black lady, dahan dahan itong naglakad papunta sakin.
Pinilit 'kong magsalita at sumigaw ngunit tila nawalan ako ng boses. Masama 'kong tinignan ang black lady.
"Anong tingin iyan mahal kong Jade? Hindi ka ba natutuwa sa presensya ng iyong guardian devil?" Ay ganon? 'Di na guardian angel? Binago na?
Napadasal ako sa isip 'ko ng sampung hail mary at tatlong our father. Habang ginagawa ito ay iniisip 'kong isa lamang itong panaginip at magigising na ko in,
3
2
1
"Surprise? Hindi na ako magtatagal mortal, marami akong mas importanteng gagawin kaysa makipag-usap sa gaya mo." Ha? Hattitude si ate.
Ano bang kelangan mo sakin? Atsaka pwede ba? Pagsalitain mo ako! Sigaw ko sa isip 'ko.
Umirap muna ang ma-attitude na black lady. She snapped her fingers thrice. Tumingin ito sakin ng seryoso at I swear, mukha siyang demonyong kakalabas lang ng impyerno.
"Ano, tititigan nalang ba tayo?" Napa-hawak ako sa bibig ko at magh-harlem shake na sana dahil nakakasalita ako, kung hindi lang umepal ang black lady.
"Sa ganap na ala-una ng Pebrero 14, magaganap ang isang pangyayari na sa piling tao lamang iginagawad at ikaw 'yon Jade." Nangilabot akong muli sa paraan ng pag-ngiti niya. Pero di ko naiwasang matawa sa mga pinagsasabi nitong multo, o engkanto, o ano pa man siya.
"Kakabasa 'ko siguro 'to ng mga horror short stories? Kung ano ano na nakikita tsaka naririnig 'ko" Sabi 'ko habang pinapanood ang black lady na kinukumpas ang kaniyang kamay sa harap 'ko.
"Hoy, teka anong ginagawa mo?!" Nag-papanic 'kong sabi at umatras sa dulo ng kama 'ko.
Ilang saglit pa ay isang parang hologram ang lumitaw sa harapan 'ko, at nakikita 'ko ang sarili 'kong nanonood ng isang basketball game. Bigla itong nawala na parang usok at nagtataka akong napatingin kay black lady.
"Ano? Ano iyon?"
"Ang araw na kukunin kita pabalik sa nakaraan. Huwag na huwag kang mawawala Jade. Nasa paligid lang ako." Sabi nito at dahan dahang nawala sa harapan ko.
Anong ka-cornyhan 'to? Napa-sign of the cross ako at tumingin sa paligid baka may biglang lumitaw na camera tapos sisigaw ng it's a prank!
"Paalam" Tila may bumulong sa tenga 'ko at kilala ko ang boses ng walang hiyang babae na biglang nananakot sakin.
Ano ba yung pinakita niya saken? Future ba yun? Hay! Kung ano ano na talagang nangyayari sakin. Ba't naman ako maniniwala? Nananaginip lang siguro ako ngayon. Makatulog na nga.
"Aray 'ko naman Frea! Maka-batok ah?"
"Ikaw! Pasalamat ka kaibigan kita kung hindi nako! Dadalhin na talaga kita sa albularyo!" Sigaw ni Frea at nagwalk-out. Nauna na sakin itong pumasok sa room.
Kinuwento 'ko kasi sakaniya yung kagabi. Hmm, baka nga nananaginip lang ako. Hayaan na nga.
Pumasok ako sa room at tumabi kay Frea na ka-chat ang boyfriend niya. Nasa kabilang building kasi boyfriend niya. Tourism kasi ang course namin ni Frea. Boyfriend naman niya nasa Business Ad kasama si Primo. Ang love of my life.
Harot lang sis? Speaking of primo, 2 years na kami, simula kasi nung 1st year college, 'di na niya ako tinantanan sa panliligaw niya. Na love at first sight daw siya sakin. 'Di rin naman nagtagal panliligaw niya sakin, after 2 months sinagot 'ko na siya.
Masaya naman kami, nagkaka-problema pero inaayos agad. Ganun naman talaga, ang problema yung tinatapos hindi relasyon, agree? agree!
Marami rin akong ibang naging kaibigan simula nung freshmen year, pero si Frea lang ang bukod tanging laging nasa tabi 'ko. Frenemy 'ko 'to e. Nagsusungitan kami pero alam namin sa isa't-isa na kapag may problema, kami yung magdadamayan.
Dumaan ng matiwasay yung araw 'ko sa school. As usual.
"Thank you sa paghatid love!" Humalik ako sa pisngi ni Primo at pinanood ang pag-alis ng kotse niya. May training pa kasi siya kaya babalik pa siya sa school. Minsan umaabot hanggang hating-gabi yung training nila. Finals na kasi sa makalawa.
Naiintindihan 'ko naman pagiging busy niya, una palang alam 'ko nasa paglalaro talaga
yung puso niya.Pagpasok 'ko sa bahay nakita ko yung kapatid ko. Naka-taas pa ang paa sa couch habang aliw na aliw sa cellphone niya. Sino kaya kausap nito?
Dahan dahan akong naglakad galing front door papunta sa salas.
"MOM! SI JAS NANONOOD NG MGA LALAKE SA TIKTOK KITA YUNG ABS!" Sigaw ko sabay takbo sa kusina kung nasan si mama.
"Hanap ka na kasi ng boyfriend sis." Pang-pipikon ko pa sa kapatid ko. She's only in Grade 10. But I don't care if she has a boyfriend or not. As long as she knows her priorities. Gustong-gusto ko lang talagang asarin siya. LOL.
Tawa ako ng tawa nung nakita ko si Jas na pikon. As if naman makakalaban siya HAHA!
"Magsitigil nga kayo dyan, mag-bihis ka na Jade, maaga tayo kakain ngayon dahil pauwi na ang daddy niyo." Kahit may dalawa kaming kasambahay, gusto pa rin ni mom na kapag dinner siya ang mag-aasikaso ng pagluluto.
We make it a habit na once a week, lahat kami maagang uuwi for dinner. Si mom kasi busy sa farm namin sa province. We have a plantation of vegetables and fruits kasi. Si mom ang nagh-handle ever since lolo and lola died. Si dad naman busy sa pagh-handle ng company na iniwan rin sakaniya ng parents niya which is, sila grandma sa states na nag-retire.
It's a good life isn't it?
After dinner, I checked my phone.
From: Love
Until midnight pa siguro kami love, last naman na to, bukas rest day na namin before the big day. Let's go on a date tomorrow? i love you! text later.
Swerte ko talaga kay primo. He's everything and I couldn't ask for more.
I slept well that night. No nightmares or creepy creatures.
Samantalang habang himbing na natutulog si Jade ay may nakamasid sakaniya mula sa terrace.
Malapit na Jade.
---
Ano kaya ang kaganapan sa araw ng mga puso? Ano kaya talaga ang pakay ni black lady? Nanti-trip lang ba siya dahil na-late ang kaniyang costume para sa halloween? HAHAHA! Kidding! See u in chapter 2 luvs! ♡