Uy!!!!
Ayiee!!!!Pakiramdam ni Relena ay gusto niyang tumakbo paalis ng lugar na yun.
Tinapunan niya ng masamang tingin si Marcy.
Alam niya na nakatingin na sa kaniya si Job pero hinding hindi siya titingin dito!!!
"Pwede ba wag nyo na akong isali diyan ha?" Pinandilatan niya si Marcy.
"Bakit naman, Relena? Single ka pa rin ba talaga, ha?"
Saglit na tinapunan niya ng tingin si Job at nakita niya ang nanunukso nitong ngiti. At kinikindatan pa siya!!
"Oo, single pa ako, pero hindi ako available. Excuse me." Inirapan niya si Job.
Tawanan ang lahat ng nasa mesang iyon.
"Eh bakit nga? May jowa ka naba ngayon, ha? Sino yon, ha?" Nandidilat ang mga mata ni Job.
" Wala akong boyfriend, ok. Pero kung gusto ko mang mag ka boyfriend, yun ay yung hindi kagaya mo!"
"Whoa!!! Ano ba yan, basted agad!" Ang lakas ng halakhak ni Johnny.
" Ang lupit mo naman, Relena. Hindi mo pa nga ako nasusubukan eh, ayaw mo na agad." Ang sagot ni Job. Napahawak pa ito sa dibdib nito na tila ba nasaktan sa sinabi niya.
"Ayieeee!!!!" Tudyo sa kanila nang mga nasa mesa.
"Naku, Relena, kung ako sayo papatulan ko na yang si Pareng Job. Gwapo na ay mayaman pa. San ka pa?" Ang sabi ni Meyne.
"Salamat, mare. Love mo talaga ako." Inapiran pa ni Job si Meyne. Alam niya ay ninong ito nang isang anak nito.
Nag iinit na mabuti ang mukha ni Krem. Pakiramdam niya ay biglang uminit ang paligid.
Tinapunan niya nang matalim na tingin si Job.
"Pwede, change topic na lang tayo?" Konti na lang at napipikon na siya sa mga kasama sa mesa.
Kahit si Marcy ay nakiki biro sa kanila.
"Uy, iniiba ang usapan." Tudyo ni Job sa kaniya.
"Dahil wala namang kakuwenta kuwenta itong pinag uusapan natin. Isa pa kung gusto mo talagang mag asawa na, bakit hindi mo yayaing mag pakasal ang isa sa mga girlfriend mo, ha?" Naka taas ang isa niyang kilay.
"Ooohhhh...." Sabay sabay na sabi ng mga nasa mesa.
" Babe...eh di sana nga pumili na lang ako ng isa kanila. Kaso parang walang papasa sa kanila dito eh." Itinuro ni Job ang dibdib nito sa may puso sabay kindat sa kaniya.
Ang walanghiya! Anong babe ang sinasabi nito?! Nag papa cute ba ito sa kaniya?
Kulang na lang ay umusok ang ilong niya sa inis. Bakit ba siya ang pinag didiskitahan nito?
"Uy, babe na agad! Ambilis mo talaga Pareng Job!" Ang bulalas ni Johnny.
Nag tatawanan at binibiro na siya nang mga kasama. Pakiramdam niya ay naging laughing stock na siya doon ng mga kasamahan nang dahil kay Job. Kung hindi ba naman naki ayon pa ito sa biro ni Marcy.
Lagot sa kaniya ang bruha niyang kaibigan at ibinebenta na siya!
"Oy, tama na nga kayo diyan, baka mapikon na si Relena sa inyo." Ang awat ni Helen. Buti pa ito at nararamdaman ang feelings niya.
" Uy, sorry Relena ha?" Ang Sabi ni Johnny. "Hindi ka naman talaga namin papaligawan diyan kay Pareng Job. Papaluhain ka lang niyan!" Ang natatawang sabi ni Johnny.
"Akala ko naman, kaibigan kita Pareng Johnny." Kunwariy nagtatampo na sabi ni Job.
Tawanan ang lahat ng nasa mesang iyon.
BINABASA MO ANG
Ang Huling Single ng Batch 2007
RomanceSingle at 30, yan si Relena. Hindi naman naniniwala ang iba na happy siya sa pagiging single. Sino daw ba ang may gusto na mag isa lang sa buhay? Eh ano bang gagawin niya kung walang magkagusto sa kaniya? Alangan namang manghila na lang siya nang ku...