"Ano ka ba, Relena? Nasaan ka na ba? Aba'y kanina ka pa namin iniintay ah? Nag sisimula na ang inuman!"
Napa buga nang hininga si Relena. Kausap niya si Marcy sa cellphone. Nakailang tawag na ito sa kaniya, chinecheck kung nasaan na siya.
Bakit ba pinagmamadali siya nito?
"Malapit na nga ako no? Bakit ba pinagmamadali mo ako?" Sakay siya ng tricycle pa punta sa bahay nang isa nilang kaklase nung highschool, si Sai, ang vice Mayor ng bayan nila.
Akalain mo ba na ang dating kaklase nila na mukhang uhugin at super clumsy na si Sai ay magiging vice Mayor ng bayan nila? Not to mention na napaka laki na nang pinagbago nito sa itsura nito.
Because now, he's one hell of a hunk. Saksakan na ito nang gwapo ngayon!
"O, Ayan na, baba na ako. Ba bye na." Tinapos na niya ang tawag. "Kuya, diyan na lang po kina vice."
Itinigil nang driver ang tricycle sa tabi. Nag bayad na siya at bumaba.
May guard sa labas ng malaking bahay.
"Good evening po ma'am. Tuloy na po kayo sa loob. Andun po sila sa may pool." Ang nakangiting sabi ng guard.
"Thank you po Kuya." Ang nakangiti din niyang sabi.
Pag pasok pa lang niya ay dinig na niya ang tunog nang videoke.
Malaki ang bahay nila Sai. May kaya sa buhay ang pamilya nang mga ito. Isa sa mayaman sa kanilang bayan. Pero kahit na ganun, napaka bait at matulungin nito sa kapwa. Kaya nga Mahal na mahal ito ng mga kababayan nila.
Gumilid siya nang daan sa tabi ng bahay. May hagdan doon na pa punta sa may pool area. Ilang beses na rin naman siyang nakarating doon kaya gamay na niya ang pasikot sikot doon.
Nakita niya na may isang lalaki na naka upo sa may barandilya nang hagdan. Nag sisigarilyo ito doon. Naka spread ang isang binti nito doon kaya nakaharang iyon sa daan.
At habang pababa siya, nakilala niya kung sino iyon.
Si Job. Ka batch niya din ito.
Tila hindi din napansin nito na may pababa nang hagdan.
Napatigil tuloy siya nang malapit na siya dito.
"Ahm..excuse me."
Tila nagulat naman ito at napapitlag. Napatingin ito sa kaniya at biglang ngumiti.
" Relena! Late ka na ha! Kanina ka pa iniintay ni Marcy, lagot ka." Tila nananakot ang boses nito.
Alanganing napa ngiti siya.
" Ahm...may inasikaso pa kasi ako sa bahay eh." Gusto na niyang umalis doon pero tila wala itong balak na ialis ang mahaba nitong binti sa daraanan niya. Humalukipkip pa ito sa kaniya.
"Hmm...maniwala. Ang sabi ni Marcy, may manliligaw ka pa daw sa bahay nyo kaya ngayon ka lang dumating."
Napakunot noo siya. Ano bang manliligaw ang sinasabi nito?
"May ginawa lang talaga ako sa bahay kaya ngayon lang ako nakapunta." Bakit ba siya nag papaliwanag dito? Close ba sila nito?
Hindi niya natatandaan na naging malapit sila nito. Hindi naman kasi niya ito kaklase dahil kabilang ito sa ibang section.
Tanging ka hi o hello o kaya ay katanguan lang ang batian nila. Kilala niya ito dahil pinsan din ito nang isa niyang kaklase na si Greyce.
Kaya anong karapatan nito para tanungin siya nito tungkol sa manliligaw daw niya?
BINABASA MO ANG
Ang Huling Single ng Batch 2007
RomantiekSingle at 30, yan si Relena. Hindi naman naniniwala ang iba na happy siya sa pagiging single. Sino daw ba ang may gusto na mag isa lang sa buhay? Eh ano bang gagawin niya kung walang magkagusto sa kaniya? Alangan namang manghila na lang siya nang ku...