"This one is Dior,"
"This one is Rouge Baccarat 540,"
"And this... Omnia Amethyst from Bvlgari,"
Maarte kong isinalansan ang lahat ng klase ng pabangong dala ko. Agad namang naglapitan ang mga kaklase kong namamanghang pinanood ang paglagay ko sa desk. Tanghali lamang ngayon. I wore a proud face while showing them some of the recent things I've bought.
"Ang yaman niyo talaga, Consta! Pwede bang maging aso niyo na lang?" at nagtawanan sila.
Ngumiwi ako at umiling. Kinuha ko ang isang bote at sinubukang pindutin iyon. Lumabas ang amoy na agad nilang pinagkaguluhan.
"My Papa doesn't want dogs..."
Mas lalo silang naging atentibo. Kung kanina ay kaunti lang ang nakapalibot ay mas dumami na ngayon.
"Kumusta na pala si Senator?" kuryosong tanong ng isa.
Sandali akong napaisip. Sa totoo lang ay hindi ko alam. Hindi naman siya tumatawag. Iyong mga bantay lang sa bahay ang tinatawagan niya para tanungin ang kondisyon sa manor at wala nang iba pa. He's like a stranger to me. Gayunpaman ay ngumiti ako sa mga kaklaseng naghihintay ng sagot.
"He's doing fine," tanging sagot ko.
"Eh, iyong pinsan mong si Clovis? 'Di ba college na 'yon? Kabatch siya ng Ate ko at ang gwapo raw sa personal!" she dreamily said.
Ngumiwi agad ako sa tanong. Bakit napasok sa usapan ang pinsan kong iyon? He looks like a hound dog to me.
"Oo, totoo! Bakit hindi kaya natin subukang pumunta ng college buildings? Tinanggal na ang fences last year dahil sa request ni Constantine!"
I smirked at the thought. I was actually the one who requested to remove the fences. Naaasiwa kasi ako tuwing nakikita ang field na may bakod at mukhang hinati. Dahil malaking investor si Papa ng school at maraming estudyanteng iniisponsor, madali lang iyon para sa kaniya. He couldn't provide me a father figure so I would just take anything he can give me. At iyon ay ang pera o kung ano pa mang luho ko.
At isa pa, marami raw ang pogi sa college... Humagikhik ako.
"Puro gwapo at magaganda nga ang nasa grupo nila Clovis. Ang dami ngang humahanga sa kanila..." sali pa ng isa na agarang nasa harap ko na.
Napangiwi ako lalo at ipinunas ang panyo sa aking mukha nang mapansin ang pamamawis ng kaklase. Ang isa pa ay halos maamoy ko na ang hininga kaya nagkunwari akong may ipinupunas sa ilong ko kahit ang totoo ay tinatakpan ko na iyon sa sangsang ng amoy. Kumain 'ata siya ng isda!
Sunod-sunod na ang kanilang mga tanong na hindi ko na mabilang pa sa dami. Sinagot ko naman ang mga tanong na nagustuhan ko. Nagsibalikan naman sila nang agaran nang maaninag ang panghapon naming guro.
Napatingin pa ito sa akin. Umikot na lamang ang mata ko nang palihim. Pinaplastik ako niyan, e!
"Constantine, kumusta na si Senator?" magiliw siyang lumapit sa desk ko. Naamoy ko agad ang cheap niyang pabango.
Iyon na ata ang laging bukambibig niya. Kahit ang mga kaklase ko ay napangiwi sa asim ng mukha niya.
"He's fine, Ma'am," iyon na lamang ang tugon ko. Nagkunwari akong inaayos ang gamit para lubayan niya na ako.
"Ganoon ba? Pakumusta na lang ako, ha?" at humagikhik siya.
"Ma'am, hindi ka naman kilala ni Senator!" rinig kong boses ng isa kong kaklase.
Natawa ako nang bahagya. Naglaho ang ngiti niya. Buti nga! Matanda na, ang landi pa!
Hindi na bago sa akin ang mga ginang na lumalapit para makasagap ng impormasyon kay Papa. Gusto pa 'ata na maging nanay ko sila. That's so gross!
YOU ARE READING
Through the Mail (Silvero Series #2)
Romansa"So I wrote it through this mail, hoping that someday, maybe fate will play and give me the courage to speak the words I am afraid to say..." Will be updated after Fuel to the Fire, Silvero Series #1