CHAPTER 5

4 1 2
                                    

Ang lalakas ng mga tili ng mga girls and syempre mga sishy barbies nating mga gay dito sa gym dahil sa totoo lng ang gagwapo din naman talaga yung mga basketball players na nagtre-training dito sa loob ng gym. Tumingin ako sa orasan ko sa cellphone 12:30 pa lng buti naman mamaya pang 2pm yung klase namin, apat na subjects lng kasi kami meron ngayon basta every Friday.  Nagfriendly match pala itong mga players, mamaya pa pala yung training nila by department. Ito sila ay yung Emerald University Varsity Players sila yung nagrerepresent sa school namin sa mga mga sports competition sa ibang school. Nagulat ako kay Menchi nakisabay din siya sa pagsigaw haha wala akong choice kundi makisali sakanila kahit 'di ko kilala yung mga players na 'to basta kung sino makashoot ng bola sa ring shuta sigaw din si ate niyo Megan wahahaha. Napatingin sakin si Menchi

"Oyy Megan anuena? Nag eenjoy ka din, noh?  Wait pakilala ko sayo isa isa yung mga nakakashoot sa ring"

"Oo Menchi naeenjoy ako. Masaya pala ang mag sigaw sigaw wahahaha sige pakilala mo sakin isa isa" tugon ko kay Menchi

"Ohhh ayunnnn!! Yung nag shoot ng bola na yun sa ring ayy si Nico Taro gwapo din niya noh." -Menchi

"Ohhh yung sunod na nakatira ng bola sa ring ay si Shaun Walter. May lahing americano yan siya sissy Megan. Foreigner yang tatay niya. Basta foreigner malaki ang balls wahaha shhh" -Menchi

"Yung natumba ay si Nikki Lee yung Business Management student na sinasabi ko sayo kanina sa cafeteria. Gwapo din noh! Pero why naman ganon? Natutumba si baby boy? Pero gwapo charot haha" -Menchi

Bigla akong natahimik at nabigla sa nakita ko yung basketball player na nasa harap namin ay yung lalaking nakita ko kanina sa labas ng room namin. Shutaaa ang gwapo niya 'di ko kinaya naiinlove na ako. Love at first sight na ba this? Charot hahaha dapat di tayo mainlove sa mga lalaking galit sa mga inosenteng katulad ko. 'kaw ba naman tignan ng masama ehh 'di ko naman maaalala na may ginwa akong masama sakanya

"Ohh etong nasa harap natin ito si Archie Chua. Half Chinese and Half Filipino. Siya yung pinakagwapo dito sa team nila atsaka ang galing niyang maglaro noh" -Menchi

"Menchi si....."

Magsasalita pa sana ako ng biglang lumipad ang bola sa mukha ko nahihilo na ako no'n. Bwiset ang sakit ng mukha ko ambigat ng bola. Akala ko tutulungan ako nung lalaking lumapit samin pero I was wrong kinuha niya lng yung bola sabay tingin ng masama sakin. Aba siya na yung lalaking hinahanap ko potainis ang gwapo nga talaga niya.

"Arayyyy ko, ang sakit. Nahihilo ako Menchi" sabi ko kay Menchi na kasama kong nakatayo do'n malapit sa may ring.

"SORRY MISS, Ba't kasi kayo anjan? Alam niyong may laro kame ehh. Tsk"

Potnam imbes na maayos na sorry ang ibigay niya sakin pasarcastic pa yung pag sorry sakin taena. Tas may isang babae sa likod namin ang lakas ng tawa niya nung natamaan ako ng bola sa mukha. Grabe siya kung makatawa 'kala mo talaga katapusan na ng mundo o wala ng bukas yung pagtawa niya. Pag ikaw talaga nakarma tatawanan din kita hinayupakganern kang babae ka. Paglipas ng ilang Segundo ng pagtawa niya bigla siyang umubo ng umubo may pumasok kasi na langaw sa lalamunan niya ayan ambilis ng karma sakanya wahahaha.

"WAHAHAHAHHAHA. Natamaan ng bola. Haha" sabi sakin ni Karyl ta's biglang umubo ng makalunok ng lamok

Tinignan ko si Karyl at siya din yung tinawanan ko ng malakas dahil sa nangyari sakanya 'di ko na inisip at naramdaman na nahihilo ako haha. Yung babaeng yun ay si Karyl Menchavez classmate ko yun siya sa isang subject 'di talaga yan siya nagpapatalo sakin super competitive si ate gurl niyong nakalunok ng lamok. Kwentuhan ko kayo ng konti about kay Karyl. Nagkakilala kami dahil nga mag kaklase kami sa isang subject tas may recitation kami that time oral recitation to be exact paunahan sumagot so ako super prepared na ako no'n at ganoon din ata siya. Nag simula na yung recitation nagtanong na si maam ng mga questions at palagi kami same ng score at kahit si Menchi 'di na sumali samin' dalawa ni Karyl sa pag sagot. Last question na ni maam at ako yung nakasagot same kami ng score 13 ako, 13 din score ni Karyl. Pinasagot kami ni maam ng isang surprise question. Ito yung tanong ni maam naaalala ko talaga to kasi ito yung tanong na binagsak ko si Karyl wahaha "What is the essence of being a woman?" Syempre siya yung unang sumagot bida bida kasi eto yung sagot ng Karyl na yon

"The essence of being a woman is to give light to many. For, through darkest times women are there to be your companion and a partner when you need somebody to be with and lastly, to lighten you up when you are feeling inside in a cold dark place. and that's all thank you"

Nabonggahan ako dun sa sagot siya syempre binonggahan ko din ang sagot ko para ako yung manalo ginawa kong beauty contest yung question ni ma'am haha. Eto na tumayo na ako at sinabing

"Generally, to enlighten the minds of the people inside of this 4 sides room I will clearly say to all of you that the real essence of being a woman is being true to herself. Because I trully believe if you truly know yourself more than the others, then there will be no harm and consequences that will able to defeat you and to make you suffer because you know who you are - you will become your own knight shining armor. Lastly, for being true to yourself - you will not going to find a cache where to hide, instead you could find solutions to save yourself from harm. That would be all ma'am and thank you"

Lahat nagtinginan sakin dahil sa sagot ko kahit si Menchi nagulat sa mga sinambit ko. Kaya sakin binigay ni maam ang last point kaya ayun ako yung naging mataas ang score haha. Okay enough na 'to balik tayo sa strory sa Gym. Sinabi ko kay Menchi na umalis na kami sa gym andami na kasing tumitingin samin. Naglakad na nga kaming palabas at kung paano kami pumasok ganoon din ang paglabas namin yung mga mata ng mga tao dito anasasama ng tingin amp. Nasa labas na kami ng gym at umupo sa isang bench. Tas may nakita kaming nagbebenta ng tubig, tumayo kami para bumili ng tubig nakatingin ako sa sahig no'n ng biglang may bumangga sakin na isang lalaking nakajersey at pawis na pawis inalukan niya ako ng kamay para tulungan akong tumayo hinawakan ko yung kamay niya at tumayo nagpasalamat ako sakanya

"Salamat sa pag alok mo ng kamay ahh" pagkatapos ko yun sabihin tinignan ko isa isa yung katawan niya simula paa hanggang braso amputi niya at ang ganda ng shape ng katawan matipuno yung boy yung triceps at biceps niya napansin ko din shet nakakagwapo talaga, bigla kong tinignan mukha niya at napasigaw ako bigla

"Ikaw nanaman?" Sigaw ko sa lalaking nasa harap ko

"Owh, it's you pala? If I know that it was you who I bumped with I shouldn't give you a hand" sabi niya saakin. Taena english 'tong mokong na 'to ahh kalalakeng tao maldito. Tinignan kami dalawa ni Menchi at umatras ng limang hakbang, buti na lang malayo ng ilang meteo yung ibang players saamin. Sinasabi ko sa sarili ko ano ba tong nangyayari, Menchiii saan ka pupunta? Nahihiya na ako. Kaya sinabi ko na lng

"Thank you na lng sa pagtulong. Aalis na ako. Menchi tara na" naghawakan na kami ng kamay ni Menchi at aalis na sana ako bigla niyang hinablot yung bag ko sabay sabing

"Aalis kana agad ng gano'n gano'n lang? Wait a minute, i have something to talk with you regarding what you did earlier this morning. We will just talk. Follow me let's find a place where to communicate peacefully"

Taenaaaa! Ano nanaman ba 'to? Help me!!!

QOTD: (Quote Of The Day)
-----------------

"If you truly know yourself more than the others, then there will be no harm or any consequences that will able to defeat you" -Megan

-----------------


Destined to be TogetherWhere stories live. Discover now