CHAPTER 7

2 1 1
                                    

Megan's POV

Paghila niya sa braso ko kinakabahan ako sa kung ano ang mga pag uusapan namin. Anak ba siya ng may ari ng school? Ipapaalis niya ba ako dito sa Emerald University? Anak ba siya ng isa sa mga teacher ko? Waaahhhh hindi ko na alam anong gagawin ko. Bigla namang hinila ulit ni Menchi yung braso ko sabay bulong

"Megan, mag aalados na may klase pa tayo hali kana. Iwan mo yang si Archi sa sunod na araw na lng kayong mag usap"
Q
Oo nga pala nay klase pa kami. 1:30 pm na at 2:00 pm klase namin.

"Ohh sigesige kakausapin ko muna 'tong lalaking 'to" pabulong ko din kay Menchi

"Ahmm Mister Archie? Chua? Am I right? Pwede sa sunod na araw na tayong mag usap may klase pa kami ehh. Salamat na lng sa pag tulong saakin kanina" sabi ko kay Archie habang hawak niya pa din braso ko

Bigla niyang binitawan ang braso ko ng bigla kong sinabing may klase kami. Mabait naman pala itong si Archie ehh nakakatakot lang kung tumitig. Bigla siyang nagsalita

"Awh you have class pa pala. Sorry ahh, wait huwag kang matakot sakin mabait naman ako ehh. Pero my mood is changing when someone is doing something not good for my friends, house workers and family. Protective kasi akong tao. By the way, sorry ulit. Sa susunod na lng tayong magusap" sabi niya sakin

Bigla niyang binitawan ang braso at kumaripas kami ng takbo ni Menchi. Infairness ahh ambait pala talaga ni Archie 'kalain mo yon kahit 'di niya kadugo yung driver niyang tinigna ko ng masama kaninang umaga pero pinoprotekta niya ang swerte naman nang babaeng magiging asawa niya. Bigla kaming napahinto sa pagtatakbo dahil sa pagod na kaming dalawa at simulang maglakad malapit na din kami sa room ng prof/teacher namin.

"Megan, ang lalim ng inisip mo ahh! Mukhang naiinlove kana kay Archie. Ayiehhh Love at first sight si ate nating may lahing kabayo wahahaha" sabi sakin ni Menchi

"Wait lang 'di ko kasi talaga akalain na sobrang bait niya 'kala ko talaga isa siyang masungit at war freak na lalaki. Pero nagkakamali ako. Shuta ka Menchi love agad? Ayoko muna sa mga ganyan. Kaibigan kaibigan lng muna" sagot ko kay Menchi

"Ayyy alam ko na 'yang mga kaibi-kaibigan na yan sa pagiibigan din hulog niyan. Ganyan yung mga cliché sa mga story sa wattpad. Asus Megan Champaka haha" tugon niya sakin

Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Pwede ba 'yon? Maiinlove ka sa taong kakakita mo lng? Para ka namang tanga no'n nainlove ka kasi gwapo at mabait? Malay natin baka pakitang tao lng 'yon. 'di ba?

Andito na kami sa room ng prof namin nasa dulo kami nakaupo ni Menchi dahil kami na lng yung studyante na huling pumasok lahat na nandito sa loob. Dapat kasi early ang pagpunta namin dito kasi sobrang mataray at strict ng teacher/prof namin mas malala pa kay Ma'am Consta. No mercy itong si Prof Anne Estacio siya yung kinakatatakutab kong guro dito sa buong Emerald University wala siyang pake kung babagsak ka at wala siyang pake kung mapapahiya ka sa harap ng madaming tao. #FearLessSiMaam #StrongWoman Ewan ko ba pero natawa ako sa mga sarili kong hashtags. Biglang may humampas sa mesa sa harap. Shutaaaa nagulat ako don sa lakas ng paghampas at bumilis ang tibok ng puso ko, andito na si Prof Anne.

"Parang ayoko ng simulan ang klaseng ito, ang dudugyot niyong tignan at mukhang mabaho. Asan ba kayo galing mga suwail na estudyante?" Sabi ni Prof Anne sa buong klase

Hmp grabe naman 'tong kung makabully si Prof Anne 'kala mo naman talaga maganda siya at perfect hmp. Mukha namang kalaban ni Ariel sa Little Mermaid yung pugitang may maitim na lipstick do'n. Mataba, mataray, di katangkaran at drawing lng yung kilay niya wala na kasing balahibo sa sobrang mainitin ang ulo sumuko ang kilay niya. Eto yung madedescribe ko kay Prof Anne. Suwail daw kami? Shuta ano 'yong suwail? Basta para sakin masama word 'yon. Required ba talaga na magsalita muna ng masama bago mag start ang klase? Ayyy nako move on na nga lang. Nagsimula nang magturo si Prof Anne, Biochemistry yung tinuturu niya ngayon saamin. 1 hour and 30 minutes lang naman klase niya saamin 'di naman masyadong matagal 'di parehas sa ibang subjects puro 2 hours. Pero ang maganda lang kay Prof Anne ehh mabilis siyang magturo pero klaro, shinoshortcut niya yung mga lessons pero maiintindihan mo talaga atsaka early siya nag didismiss madalas pa nga 58minutes pa lng klase dismissed na ang klase. Pero sa 58 minutes na 'yon madami ka nang matututunan pero 'di lang talaga mawala sa kanya ang pagiging sobrang strikta.

---- Discussing while Listening ----

40minutes pa lng yung klase pero ito agad ang sabi niya "Class dismissed. Remember always the saying class that ...."

'di pa niya sinasabi yung quote pero sumagot na yung buong klase

"Knowledge is a key to success that needs to be focus on, to be successful. Not until if we will stop learning" ito yung palagi niyang sinasabi pag tapos na yung klase niya. Sobrang early magpauwi ni Prof Anne pero at least marami kaming natututunan gaya nga ng sabi ko kanina, pabalik balik na lng mga sinasabi ko ehh.

Mamaya pang alas kwatro klase namin sa last subject namin. Kaya nagtungo na lng muna kami sa Cafeteria ni Menchi nag uusap sa mga ganap sa buhay gano'n kanina kasi ako yung nagkwento sa buhay ko ngayon naman si Menchi nanaman yung magkwekwento sakin. Bumili muna siya ng pagkain naming dalawa biko sa isang paper plate. Kukunin ko na sana yung kutsara ko pero shutams wala yung baunan ko sa bag naaalala ko 'di ko pala nailigpit at niligay sa loob ng bag kanina nagmamadali kasing pumunta sa gym hayst nako naman patay ako kay mama neto bilang pa naman niya yung mga Tupperware sa bahay. Nanghingi na lang ako ng disposable spoon kay ale na nagbabantay sa stall kung saan binili ni Menchi yung biko.

"Ate pahingi nga po ako ng disposable spoon. Thank you po" kinuha ko na yung disposable spoon sa lagayan ng bigla niyang sinabing

"Ineng, limang piso ang kutsara na yan." Shuta isang disposable pero singko pesos? Apaka buraot naman. Wala akong choice kundi bilhin yung disposable spoon 'di kasi ako gumagamit ng mga stainless na kutsara dito sa cafeteria baka kasi may HEPA at TB ang mga gumamit no'n. Buti pa etong si Menchi may dalang bag na maliit nandun lahat ng mga straw, kutsara, tinidor at maliit na kutsilyo makabili nga non sa shopee mamaya. Umalis na ako sa stall na 'yon at bumalik sa kinauupuan namin ni Menchi. Kumakain kami habang nagkwekwentuhan tawang tawa kami sa mga kwento namin sa isa't isa at sa mga ganap sa buhay ni Menchi. Sa kalagitnaan ng pag uusap namin dumaan samin sina Archie at iba niyang kaklase bigla siyang huminto sa lugar kung saan kami ni Menchi sabay sabing

"Miss! If free ka bukas, kita tayo sa Café nila Shaun samahan mo yang kaibigan mo. Dun tayo mag usap hehe okay aasahan ko na pupunta kayo do'n" at bigla na lng umalis nalanghap namin ang mabangong perfume niya na pang mamahalin. Nagulat na lng kami ni Menchi sa sinabi niya ano kaya name ng Café ng Shaun na 'yon astaka wala akong pera pang café café na yan pwede na yung Premium stick coffee na tig dodos sa tindahan.

"Menchi, alam mo kung saan yang café nila Shaun?" Tanong ko kay Menchi.

"Bakit? Gusto mo talagang makita at makausap si Archie, noh? Waaahhhh kinikilig ako sainyo mga shuta kayo"

"Hoy siraulo ka. Tinatanong ko lng. Tsaka mag uusap lng kami sa at magsosorry ako sa ginawa ko sa driver niya at magsorry din siya sakin tinamaan niya ako ng bola"

"Alam ko kung saan Café nila Shaun. Malapit lang dito sa school natin. Shots Café yung pangalan. Huwag mo na alamin kung bakit ko alam sasabihin mo na lang sayo. Manliligaw ko kasi yang si Shaun tas dun niya ako dinadala pag mag mimeet kami. Yung manliligaw na kinukwento ko sayo dati siya na yon"

"Ayyy shuta ba't ngayon ko lang nalaman yan. Ayy ikaw ahh sagutin mo na kasi malay mo magiging may ari ka na ng café na yon haha" pabiro  ko kay Menchi

"Hanggang ngayon nililigawan pa rin niya ako. Pero sabi ko sakanya tsaka ko na siya sasagutin kung gagraduate na tayo. Tsaka malapit na din naman tayo matapos sa college konting months na lng nasa real life na tayo tas sasagutin ko na siya. Willing to wait din talaga 'tong si Shaun hindi seloso, gwapo at masipag mag aral hihi sa totoo lng inlove na din ako."

"Ayy sml? Chars ang galing naman non sana all"

"Magkakaroon ka din ng man liligaw malay mo baka gusto ka din ni Archie nakikita ko kasi sa mga mata mo na naiinlove sa sakanya atsaka love at destiny na yung tumutulong para magkita kayo palagi noh"

Bigla na lng ako napaisip sa mga sinasabi ni Menchi totoo bang inlove na ako. 'Di ko kasi ramdam pero totoo naman yung sinasabi niya na pag tumitingin ako kay Archie parang nawawala ako sa sarili ko parang tumitigil yung mundo at syempre tama si Menchi na palahi kaming nagkikita 'di pa nagsisimula itong story na 'to nagkikita na kami pero ngayon lng kami nakapagusap.

Nakapagdesisyon na ako pupuntahan natin si Archie bukas. Maghanda na tayo Menchi kasi mag aalas kwatro na may klase pa tayo.

QOTD: (Quote Of The Day)
-------------

"Knowledge is a key to success that needs to be focus on, to be successful. Not until if we will stop learning" -Prof Anne

-------------

Destined to be TogetherWhere stories live. Discover now