Vienn's pov
"vienn gusto ko sanang malaman mo na..." seryosong sabi niya
"Na...?" pag-uulit ko sa huli niyang sinabi
"Mahal na mahal na kita" sambit niya habang ang kanang kamay niya ay nakahawak sa kaliwang pisngi ko at unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya para bumwelo na halikan ako,Ipinikit ko naman ang mata ko
hahalikan na niya sana ako ng may marinig kaming sigaw
"CUUUUT!" sabay-sabay na sigaw ng mga kagrupo ko at dahil dun nagising ako sa reyalidad
habang nagpapakasaya sila dahil eto na ang last practice namin, eto ako, nagmumukmok sa bench. 'yun na 'yun e! sayang! si steve na yung hahalik sa 'kin, e! ampotcha! kabadtrip! pero kahit anong gawin ko, hindi naman talaga niya itutuloy yung "halik scene" kasi ang napag-usapan ng grupo, peke lang talaga yun, awts!
nagulat naman ako ng may tumabi sa 'kin
"nice one vienn! galing mo ah, don't worry yun na yung last scene,dahil tapos na!, hindi ka na mandidiri na kapartner mo 'ko hahaha" sabi niya sa 'kin. grabe steve! kung alam mo lang.... kung alam mo lang na araw-araw kong ipinagdarasal na sana hindi na matapos ang practice natin para sa play na 'yan.
"Sa wakas nga, hindi ko na matiis yang kapangitan mo, isa pa yung mga kadiring sweet lines mo, yuck!! just yuck!! -.- " wala, e. kaylangan kong magpanggap
"Gague ka ah!" binatukan niya 'ko, at ang lakas T___T
"ang gwapo ko kaya oh" nag pacute pa siya at tuluyan ko ng hindi nakita ang singkit niyang mata
"hayup ka steve!! masakit yung batok mo, tigilan mo ko jan sa kagaguhan mong ginagawa dahil hindi bagay sayo 'yang pagpapacute mo, wala ka ng mata dre!" at nag walk out ako at nakisaya kunwari sa mga kagrupo ko
***
"UGHH! stop it alisa! stop it please? tigilan mo na yung pagpapantasya mo sa bestfriend mo!" huminga ako ng malalim para makontrol ko yung emosyon ko, nandito ako sa kwarto ko, inaalala yung mga scene namin na masaya at sweet.
Steve Erald Devanio nga pala ang buo niyang pangalan, siya yung best friend ko since childhood, ayaw niyang tinatawag siya sa pangalang erald kasi baduy daw, ano kayang kinabaduy dun? cool nga eh. Matalino siya, nasa star section nga eh at nasa Section A naman ako.Ahhmm yes?!, mas matalino siya sa 'kin? hahaha pero oo matalino talaga siya at ayun, pareho kaming Senior sa Verdanio Academy, 16 years old na siya at 15 naman ako 3 months lang naman yung tanda niya sa 'kin.Gwapo siya na singkit ang mata,dahil half chinese siya, matangkad at milky skin, sobrang puti nun e.
May gusto nga pala si Vienn sakanya. Yes ako nga ang may gusto sakanya,Hindi lang Crush kundi el ow vi ih "LOVE" na ata ang nararamdaman ko e. Sensya dre 'no? tao lang ako, ewan ko, hindi naman siya sweet, wala ngang pakialam yung hayup na yun sa 'kin e, tapos lagi nalang nakikipag landian yung lalaking yun sa mga babae, feel na feel niya kasing sinasabihan siyang gwapo, aba!! makapal e 'no? gague talaga yun! ewan ko ba, kung bakit ako nainlove sa isang tulad niya, pero wala na 'kong magagawa, tumibok na kasi 'tong stupid na puso ko at ang nakakainis sa kanya pa, isa lang talaga ang nasa isip ko ngayon
"PEOPLE FALL INLOVE IN MYSTERIOUS WAY"
BINABASA MO ANG
BestFrienity (short story)
Fiksi Remaja'Bat ba naiinlove tayo sa maling tao? Fair ba talaga ang mundo? Mamahalin mo rin kaya ako? Ay! Oo nga pala e 'no? Isa lang pala akong dakilang pang HABANG BUHAY na BESTFRIEND mo dito