LIHAM PARA SA KANIYA

11 0 0
                                    

Liham para sa kaniya

Aking mahal Salamat,
Salamat, dahil tinuruan mo ako ulit ngumiti.
Salamat, sa mga panahon na ako ay iyong napapakilig.

Salamat, sa mga panahong pinadama mong ako ay mahalaga.

Salamat sa sandaling panahon na ako'y iyong pinaligaya, sa maikling panahon na iyong pananatili, salamat.

Ngunit aking mahal, sa lahat ng iyong pinadama,
Sa lahat ng iyong mga tinuro't pinakita.
Aking mahal, paano mo kaya ako matutulungan na hanapin muli ang dating ako?
Ang dating ako noong hindi kapa pumasok sa buhay ko.
Maibabalik pa kaya yung mga ngiti na nakikita sa aking mga mata?
Yung mga tawa ko na halos may mga luha ng pumapatak sa aking mga mata?

Aking mahal, tinuro mo sa akin kung pano mahalin ka, matuturo mo rin kaya kung paanong kalimutan ka?
Sa maikling panahon, sinanay mo akong nandiyan ka sa aking tabi, ngunit, makakaya ko pa kaya kung wala kana sa aking piling?

Tinuruan mo akung ngumiti pero di mo ako tinuruan kung pano tumigil sa paghihikbi.
Pilit kung sinusunod ang aking isip, ngunit iyong puso ko ikaw parin ang sinasambit.
Hindi mo man halata pagkat kay saya ko kapag ikaw ang kasama.
Ngunit puso ko'y kumikirot at nagdurugo kapag nakikita kung masaya ka sa piling niya.

Alam kung hindi mo nakikita ang aking halaga, kahit mag mukha man akung tanga mapasaya ka lamang.

Alam mo ang hirap ng sitwasyon ko,
Ayaw kung lumayo sayo, ngunit batid kung matagal na akung talo.
Panahon na siguro para akoy sumuko.

Sa tuwing nakikita at nalalaman kung kayo ay magkasama, hindi mo alam kung paano ko tinitiis at kinikimkim lahat ng sakit na aking nadarama.
Hanggang sa maaari ayos lang sa akin basta makita lang kitang maligaya.
Kahit na, ka palit nito sakin ay ang patigil at pagpapalaya.

Hindi kita pinapalaya dahil sumusuko na ako.
Hindi dahil hindi kita mahal.
At hindi dahil hindi kita kayang ipaglaban.
Kundi dahil kailangan ko sigurong pahilumin ang sugat dito sa puso ko.

Aking mahal, lagi mong pagkakatandaan andito lang ako parati para sayo.
Kung kelangan mo ng kausap, kasama at karamay sa iyong problema o sa mga panahong ikaw ay masaya.
Isang mensahe mo lamang ay alam mong nandiyan agad ako para sayo.

Mahal, paalam, Ika'y pinapaubaya na.

Little thoughts of MEIAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon