Chapter 1- The Vow
Jennel’s POV:
Tandang-tanda ko pa ang mga salitang sinabi nya nung kasal namin.......
Flashback :
Excited ako dahil ngayon na ang araw ng kasal namin ng mahal ko , Si Caleb Pangilinan . Hindi ako makapaniwala na sa ilang oras ay magiging Mrs. Jennel Pangilinan na ako , sa tagal na pinangarap ko yun hindi ako makapaniwala. Kasalukuyang nakaharap ako sa salamin at tinitingnan ang reflection ko habang suot ko na ang wedding gown ko. Ang ganda ―
*tok* *tok*
“ Pasok” Sino naman kaya to ? Istorbo naman eh, hehehe peace ^_^V
“ HOY ! Tara na ! Ma-late ka pa sa kasal mo “ Ang bastos talaga kahit kelan nitong si Keren , San kaya nag mana ng ugali to ? imposible namang sakin dahil mabait ako . Nga pala , younger sister ko si Keren , kahit sa edad na 14 eh ang panget na magsalita .
“ Nako , Ang dumi talaga ng bunganga mo , oo na tara na , baka hinihintay na ako ni Caleb sa simbahan” Masaya kong sabi , hindi ko talaga mapigilan ang saya na nararamdaman ko.
“ Natural nandun na yun alangan namang sa banyo sya mag-hintay” Aba’t pinipilosopo pa ako . Hindi ko na lang pinansin yun at dumeretso na sa sasakyan. Habang papalapit na ang sasakyan sa simbahan parang nakaramdam ako ng kaba ?
Pano kung hindi sya dumating ?
Aish ! Ano ba jen-jen ! STOP ! Dadating yun for the sake of their company. Yes , you read it right , COMPANY. Arranged lang ang kasal na to. Alam kong hindi ako mahal ni Caleb pero papakasalan ko parin sya , Hindi naman nya sinabi na ayaw nya sakin at pumayag din sya sa kasal kaya ibigsabihin nun may chance na MAHALIN din ako ni Caleb.
Tumigil na ang sasakyan sa Simbahan at lumabas na ako kasama si Keren , dahil sya ang mag da-dala nung train ko.
Nung makita na nila ako agad na pumunta sakin sina Mommy at Daddy.
“ We’re so proud of you” sabi ni Mom ng nakangiti . Natuwa naman ako kasi minsan lang ngumiti si mom , kahit pa ang dahilan nito ay dahil sa pag papakasal ko kay Caleb out of bussiness nakakatuwa parin.
“ Thank you Mom and Dad , as much as i like talking to you i’ve got a wedding to attend” sabi ko sa kanila , hindi na talaga ako makapag hintay.
“ Alright, Alright let’s go” Sabi ni Daddy at kinaha na ang kamay ko. Makalipas ang ilang minuto nag simula na din ang kasal , Binuksan na ang pinto ng simbahan, tumug-tog na ang musika, Nag lakad na ang mga abay, at nag lakad na din ako.
This is it.
Nakita ko na din si Caleb , nakatayo sa may altar katabi si Kuya Claiver . Walang expression ang muka nya , parang bored na din sya. Medyo nalungkot naman ako dun.
Smile Jennel , ano ka ba !
Ay nako oo nga , wedding day ko to dapat masaya ako ! Sa wakas nakarating nadin ako sa Altar.....
Nakarating nadin ako kay Caleb.....
Inilagay na ni Dad ang kamay ko sa kamay ni Caleb at pumunta na kami sa Harap ng Altar. Hindi ko na pinakinggan yung mga sinasabi ng Pari dahil nakati-tig lang ako sa muka ng mahal ko , Si Caleb.
Natauhan lang ulit ako nang marinig ko na sinabi na ng pari ang pinaka hihintay kong salita.
“ Do you , Jennel Guzman Accept Caleb Royce Pangilinan as your lawfully wedded husband? “
“ I DO” Sabi ko habang nakatingin sa muka ni Caleb , pero nag iwas lang sya ng tingin..
“ And now , Do you Caleb Royce Pangilinan Accept Jennel Guzman as your lawfully wedded wife?”
“ I do” Sagot nya , pwede na po akong mamatay. JOKE !
“ I know pronounce you Husband and Wife, You may―” Bago pa man matapos ang sinasabi ng pari kinuha na ni Caleb ang kamay ko at humarap sa mga tao.
“ I don’t want to kiss her , so let’s just get it over with , there’s someone waiting for me”
*end of flashback*
Ang sakit , ang sakit na marinig yun . Kahit 3 taon na ang nakalipas tanda ko parin yun. Playboy si Caleb , The first year naming mag-asawa lagi syang wala sa bahay , hindi din sya dito natutulog sa umaga makikita ko na lang sya sa sofa , amoy alak at pabango ng babae.
Tuwing ganun sya ang sakit , tinitiis ko na lang yun kasi iniisip ko , atleast sakin sya umuuwi . Pero nung nag 2 years na kami lalong lumala, pinapakilala nya pa sakin yung mga babaeng nakakasama nya . At once a week na lang sya kung umuwi sa bahay.
Pero ngayon , lalong sumakit dahil Once a month na lang sya kung mag pakita sakin. AT kung mag papakita man syamay kasama syang babae . At hindi sya tumatagal ng limang oras sa bahay . Ang sakit sa damdamin. Ngayon kausap ko ang mga kaibigan ko at pinag uusapan namin ang relationship namin ni caleb .
“ Ano ba yang si Caleb , akala ko matino , hindi pala” sabi ni Fatima , bestfriend kong laging lutang.
“ Ganyan talaga yang mga lalake na yan ! Magaling lang sa simula” Sambit ni Krsty na tila isang man hater. Wala namang syang bad experience sa mga lalake eh NBSB . Ang sinasabi nya lang eh nababasa daw nya.
“Kahit naman sa simula hindi sweet sakin si Caleb , para ngang hindi nya ako kilala eh , Ni hindi nga ako kinakausap.”
“ Hay nako , ganyan talaga yang si Caleb simula pa dati. Hiwalayan mo na kaya?” Ysha , sya lang yung may boyfriend saming lima. Eh kaibigan pa ni Caleb yung boyfriend nya , swerte nya kay Laurence kasi mabait na responsable pa, kaya nga tumagal sila ng 2 years and still strong parin.
“ oo nga , jen-jen . Walanghiya yang si Pangilinan eh . Maawa ka naman sa sarili mo” sabi sakin ni Aya . Si Aya naman minsan aakalain mo tomboy pero hindi . Ang balasubas kasi ng bibig parang tambay sa kanto eh.
“ Eh hindi naman ganun kadali yun , kahit ganun sya alam nyo namang Mahal ko sya” Na fru-frustrate na ako.
“ Eh ang tanong Mahal ka ba nya? “ Bwiset naman tong si Krsty eh wala talagang pigil ang bibig kapag sa ganitong bagay.
Tumahimik ako at hindi nag salita.
“ OH diba ? Hiwalayan mo na kasi yan , walang kwenta ang mga lalake” sabi nya nung hindi ako sumagot.
“ Teka naman , wag ka ngang padalos-dalos Krsty, Jen why don’t we make a deal? “ eto nanaman si Ysha sa mga deal na yan eh.
“ano naman yun?”
“ If he shows up again with another girl this month . Leave him. “ Nabigla ako sa sinabi ni Ysha.
“ I can’t do that Ysha “
“Mamili ka , ipagpapatuloy mo tong lokohan na to o hihiwalayan mo sya at mag focus sa sarili mo?” Pinagisipan ko yung sinabi ni Ysha. Masakit na din kasi para sakin na makita syang ganun. Napapabayaan ko na din ang sarili ko dahil din dun.
“C’mon Jen, wala ng pag-asang mag bago yang tarantadong yan” si Aya
“ She’s right Jen. Once a Playboy always a Playboy” Sang-ayon naman ni Krsty.
I sighted , wala na akong choice
“ Deal”
Tuloy ko pa po ba ? hehehe
Thanks. Vote and Comment . Nakakatuwa po kasi yun eh , nakakataba ng puso.
![](https://img.wattpad.com/cover/3388081-288-k439895.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken Vow
Teen FictionWhat if Kinasal ka sa taong matagal mo ng mahal ? Ang pinapangarap mo ay matutupad na , Ang mapasayo ang Apelyido nya , Pero APELYIDO LANG ang nakuha ni Jen, Hindi Ang PUSO ng taong Mahal nya. May Pag-asa kaya sya ? Ang makuha ang PUSO ng kanyang P...