Jennel's POV:
*BEEEEEEEEEEEEEEEP*
Nagulat ako dahil may kasalubong pala akong kotse , ugh. Umiwas ako kaagad at nag preno bago pa man ako mabunggo dun sa mga puno. HU ! MUNTIK NA YUN AH ! Ang tanga ko talaga. Tumingin ako sa likod ko at tiningnan yung kotse na nakasalubong ko.
Bumaba yung Driver sa sasakyan nya, At mukang galit. HALA.
Isip jennel , isip ng dahilan. HUHUHUHU.
Ah alam ko na.
Pumunta ako sa kanya at ...
" HUHUHU ! KUYA SORRY NA PO DI KO PO SINASADYA AYAW KO PONG MAKULONG, SORRY NA PO ." T___T syempre nag maka-awa na , malay mo ipakulong pa ako nito eh, pero syempre may halong arte din to.
tiningnan lang ako nung guy, yes lalaki po ang driver nung kotse . At first hindi sya nag salita kasi parang nagulat pa ito sa reaksyon ko.
" KUYA NAMAN, HUHUHU SORRY NA *INSERT FAKE TEARS HERE* " hehehe
" Alam mo di bagay sayo ang acting. =___= " sabi nya bigla.
ANAK NG ! Tumigil na ako sa arte ko .
" Pwede namang sabihin na tumigil na ako eh yun pa talaga sinabi mo. "
" Eh sa yun ang gusto ko eh."
" Ewan ko sayo , oh ayan pera . Para sa damage ng sasakyan mo" sabi ko at inabutan sya ng pera.
" Hindi ko kailangan nyan. Mayaman ako, gusto ko lang marinig ang sorry mo at kung bakit ka nag dri-drive ng hindi nakatingin sa daan. "
" Psh , yabang. Oh edi Sorry ! Wala ganun ang bagong uso. " May taglay na kayabangan pala tong lalake na to eh.
" Gusto ko seryoso saka may feelings, saka anu yun ? bagong uso ? Kung hindi lang sana ako umiwas eh nabangasan na aking gwapong muka. " Sabi nya at parang nagagalit na.
" Eh g*go ka pala eh. Ang yabang mo ." Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa, hmm. Maganda ang built ng katawan nya saka parang ka age ko lang din sya. Matangkad din tapos gwapo din sya.
" hey, chill . no need to curse . So bakit ka nga ba nag dri-drive ng ganun ? " sinabi nya yan at lumapit sakin. Yung as ing malapit talaga . Then i realized what i've done. Hindi ako basta bastang nag mumura pero pag dating dito sa lalaking to nawawalan ako ng pasensya.
Hala , nasa madalim kaming lugar tapos wala pang masyadong sasakyan na dumadaan..... baka kung anung gawin sakin nito.
Lumayo ako sa kanya at nag salita " Ano ba, it's none of your business. " ang epal naman nito.
" IT IS my business since muntik mo na akong mabangga. " may point sya ...
Teka bakit nga ba ako nagka-ganun ?
Oh , si Caleb .....
Nung naalala ko yun parang nanlambot nanaman ako. Peste naman kasi tong lalaking to eh. Pinaalala pa.... naiiyak tuloy ako,
" Hey , don't cry . Ano ba kasing nangyari ? " tingnan mo ang kulit...
" WALA ! " sigaw ko sa kanya at nag lakad na papuntang kotse ko. Tumigil ako sa tapat nito at sumigaw sa kanya. " Tawagan mo na lang ako kapag may damage sa kotse mo " sabay hagis ng calling card sa kanya.
Hindi ko na sya pinag salita pa at pinaandar ko na ang kotse , ang sakit na ng ulo ko kakaisip kay caleb dadag-dag pa sya.
Pero
Hindi ko man lang nalaman ang pangalan nya, psh ,
----------
A/N
Hi ! Bukas mag u-update din ako !
Vote and comment :)
![](https://img.wattpad.com/cover/3388081-288-k439895.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken Vow
Teen FictionWhat if Kinasal ka sa taong matagal mo ng mahal ? Ang pinapangarap mo ay matutupad na , Ang mapasayo ang Apelyido nya , Pero APELYIDO LANG ang nakuha ni Jen, Hindi Ang PUSO ng taong Mahal nya. May Pag-asa kaya sya ? Ang makuha ang PUSO ng kanyang P...