Pano kami makakalabas dito sa SDHG kung lahat ng tao sa labas ay infected na?Kinakabahan ako tumingin sa kanila at pinapa-kiramdaman kung ano ang gagawin nila. Nakaka wala sa sarili ang mga nangyayari.
Paano na sila Mama at Papa? Paano na si Zia? Ano na ang gagawin ko?
Natigil ako sa pag iisip ng biglang nag salita si Tof, kabilang sa SIT fò M na grupo.
"Nakatanggap ako ng mensahe mula sa palasyo may chopper na nag hihintay satin, nasa rooftop nitong building. Ang problema nalang natin ay kung paano, paano maka takas dito at pumunta sa rooftop,"
"Sabi kanina ng nurse bago pa kayo pumunta dito ay hindi sila nakakakita sanhi ng lubusang pag ka dry ng mata, ngunit naamoy nila tayo. Ang mga dugo natin, naamoy nila. Hindi sila pangkaraniwang zombies, agresibo sila. May nakita din akong drugs na napasali sa gamot. It's called Flaka Drugs. Nawawala sila sa sarili at mas lalo pang nagiging agresibo. Hindi ko lang maintindihan kung bakit nasasalin agad ang virus kapag nakagat niya ang isang tao," may point si Zian.
Oh my god!! This is hell
"It's because sa dugo nila, toxins sa dugo na nalumalantay sa mga nerves nila. I mean, may sinabi kanina si Ellie na symptoms. I'm sure isa rin don ang dahilan," napalingon ako kay Jacob pag katapos niyang mag salita. Inaayos niya ang baril niya at parang ready na makipag bakbakan.
Bakit sila may baril? Ngayon ko lang napansin dahil sa sobrang balisa ko sa mga nangyayari.
"Bakit kayo may mga baril?" Hindi ko natiis at nag tanong na rin ako.
"It's for our safety. Everytime na tumatawag si Captain at sabihing emergency, automatic nag dadala na kami ng baril," si Shun ang sumagot sa aking tankng habang nilalagyan ng mga bala ang baril.
"Ano? Mag tatanungan nalang ba tayo rito?" sakristong anya ni Ace.
"Sige nga, paano tayo makakalabas dito? pataray na rebat ko rito. Pano nga ba kasi makakaalis dito!!?
"Tsk, edi babarilin namin sila hanggang makaakyat tayo sa rooftop," mayabang na sabi nito. As if naman kakasya ang mga bala nila.
"Hindi pwede. Kapag nakarinig sila ng ingay, mas dadami ang mga susunod satin. Mas mabilis pa sila satin, mas mabilis. Napaka raming pasyente at nurses dito sa SDHG. Hndi kakasya ang mga bala niyo," I agree with Zian. Akala naman kasi nito ni Ace, madadala lahat sa baril.
"Anong plano natin dito? Nganga lang?" sakristong saad naman nito na ikinatahimik ng lahat.
WARNING R18+ (VIOLENCE, VULGAR WORDS)
Nagulat ako dahil biglang binuhat ni Zian ang bangkay ng isang babaeng zombie kanina, yung babae na muntikan na akong kagatin. Pag ka buhat ni Zian, kinuha niya ang baril ni Shaun at pinaputukan ito sa ulo. Nang masiguro na niyang wala na itong buhay ang mga dugo na lumabas dito ay ipinahid niya sa kanyang katawan, sa damit at sa mukha. Napanood ko lang 'to sa isang movie, pero hindi ko akalain na nangyayari ito ngayon mismo.
"A-anong g-ginagawa mo Z-zian?" Sa sobrang bilis ng pangyayari, nauutal na ako.
"Ang sabi ko naamoy nila tayo. Ipinahid ko ang mga dugo para di nila tayo maamoy pag labas natin. Ang kailangan lang nating gawin ay ipahid ang dugo netong babaeng zombie na to sa atin katawan at mag panggap na zombie. Nang sa ganon, ay dahan dahan tayong pumunta sa rooftop ng walang mapapahamak. Iwasan lang natin direct na lumapit sa mga ito, at iwasan nating mag salita," tumingin ito kay Ace bago mag salita ulit.
"Kung babarilin mo sila mag kakaroon 'yon ng ingay, sanhi para lahat ng attention ng zombie ay saatin mapunta. Mas delikado," ngumiti lang ito at pinag patuloy ang ginawa.
Lahat kami ay sinunod ang sinabi ni Zian. Hindi na kami nag sisihan, ano pa't nangyari na. Walang silbi kung mag si-sisihan lang kami. Pinahid namin ang dugo ng babae sa aming katawan, damit at sa mukha. Pati na sa buhok ko, konting dugo ang inilagay ko rito. Pag katapos naming ayusin ang aming mga sarili, ay tumingin kami kay Zian. Malaki ang tiwala ko kay Zian dahil matalino siya at maasahan. Kabaligtaran ng kambal niyang si Zia.
Hinanda namin ang aming mga sarili at nakinig ng mabuti kay Zian. Binuksan ni Leonardo ang pintuan at nagulat kami sa ginagawa nito. Walang atubili itong lumabas at nag paika-ikang nag lakad. Huminga muna ako ng malalim pag katapos ay sumunod dito, ganon din ang ginawa ng lahat.
Kinakabahan man, ay wala na akong magawa. Halos lahat ng nadaraanan namin ay infected na o Zombies na. Nakakatawa kasi sa movies ko lang ito napapanood, pero ngayon nangyayari na mismo sa aking harapan.
Halos lahat ng palapag na aming dinaraanan ay napaka daming Zombies na, ngunit hindi ito dahilan para hindi kami makapunta sa rooftop. Isang palapag nalang ay malapit na kami sa rooftop nitong building, nang biglang may tumunog.
~Home ruuun~
Ang cellphone ko, tumatawag si Zia. Isa lang ang masasabi ko!
Run!
Tumakbo na kami papuntang rooftop. Tama nga ang sinabi ni Zian, mabibilis ito. Sobra! Hindi na nag atubili sila Ace at pinag babaril nila ito.
"Shit," rinig kong mura ni james dahil mas lalo pa itong dumami at hinabol kami.
Mabilis na tumakbo si Zian at binuksan ang pintuan ng rooftop. Doon namin nakita ang chopper na kanina pag nag hihintay saamin. Tumakbo kami nang tumakbo habang sila Leonardo ay patuloy na pinag babaril ang mga Zombies na humahabol sa amin. Nakaramdam ako ng saya dahil ilang takbo nalang ay mararating na namin ang chopper. Tumulong nadin sa pag baril ang mga sundalo na nakasakay sa chopper.
Pero nagulat ako ng kinausap pa ni Zian ang lalaki na nag papatakbo ng chopper. Abot hininga naming narating ang chopper ngunit hindi nito kami pinag buksan ng pinto.
"Shit! Hindi pa kami infected!!" hingal ngunti gigil na anya ni Leonardo.
Nataranta ako dahil konti nalang ay maratating na kami ng mga zombies. Ang dami nila!!
"I'm sorry, but this is the order of the President. To kill all of you," anya ng lalaki na ikinamutla ko pero bago pa kami barilin ng mga ito, may dumating pa na isang chopper para sa min. Walang atubili ay sumakay na kami rito, ngunit lumingon ang lalaking nag papatakbo ng chopper na siyang sinasakyan namin at sumigaw sa lalaking nasa loob ng kabilang chopper, na galing daw sa presidente...
"Mag bàstárdo! Kayo dapat ang ipakain sa mga zombies" gigil na sambit nito at tuluyang pinasabog ang isang chopper, bago tuluyang umalis.
I'm sorry, but this is the order of the president, to kill all of you.
I'm sorry, but this is the order of the president, to kill all of you.
Paulit-ulit na tumatak sa isip ko, bakit naman kami nais ipapatay ng Presidente? May alam ba siya sa mga nangyayari?
Pero dapat ba akong kabahan lalo dahil hindi namin alam kung sino itong sumundo sa amin? Naguguluhan na ko. Nakaka baliw.
Pero isa lang ang nais kong masiguro na sana ay buhay pa ang mga magulang ko. Pati na rin si Zia. Sila nalang ang meron ako.
Sana...
A/N
Expect na maraming errors or typo. I'm working on it na. Last 2021 pa kasi 'to so bata pa ako at nangangapa pa. Ayon, salamat sa pag unawa.
BINABASA MO ANG
Silencing The Voice (On-Going)
Mystère / ThrillerAfter the year of the virus occurance, Asthriaelle thought that they have suffered enough and is hoping for a better year ahead. It started good not until the government knew that the new discovered virus was caused by Alora Inferno Organization in...