Hello everyone! Thank you for joining me on this journey of Narizzalyn and Vans until their last journey. This is the last chapter of my second story. And next is already Epilogue.
Enjoy reading!
Chapter 40
Destination
"So, Ms. Narizzalyn what was your purpose on writing your current best selling book?" The interviewer asked while looking at me.
Hindi naman ako sumagot kaagad. Ngumiti lang ako sa kanya at humarap sa dagat ng tao na naghihintay sa sasabihin kong sagot. Halos lahat sa kanila, hawak ang librong sinulat ko.
"Three years ago I have an extraordinary journey with the person who is very special to me. So, I wrote this book to find someone who can help me see him again." Ibinaba ko ang microphone na hawak ko, pagkatapos kong sabihin iyon. Namamanghang sigaw naman ang narinig ko galing sa mga tao sa harap.
"Is this someone, the love of your life?" Makahulugang tanong ng interviewer.
Tumango naman ako at ngumiti. "Yes," tipid kong sagot pero segundo ko pa lang iyong nasasabi ay sigawan na ang namayani sa buong auditorium kung nasaan kami ngayon.
Tatlong taon na ang lumipas at hanggang ngayon hindi ko pa rin ulit nakikita si Ma'am Elice. I don't know why, ilang buwan ang pinalipas ko noon para hintayin siya pagkatapos kong makalabas sa libro. But as the day passed by, I always see myself imagining Vans. That he is with me, every side of my apartment, hanggang sa dumating sa time na alam kong hindi na healthy iyon.
I am losing my mind. My only hope which is Ma'am Elice is nowhere to be found. She promised right? Pero asan na siya ngayon? Hindi ba siya nasama sa paglabas ko? Pero bakit nawala ang libro?
Mga katanungan ko noon sa sarili ko na wala akong nahanap na kasagutan. Kaya naisipan kong imbis na ako ang maghanap, why not let the answeres find me?
Since the story that I created in that book refreshed in my mind because of my journey there, I came up with the idea of rewriting it.
Writer naman ako sa maraming platforms ng pagsusulat. Kaya sa buong taon na iyon, habang nag-aaral ng journalism, tinuon ko ang pansin ko sa pagsusulat ng kuwentong iyon. But I also revised the ending. Yes, aakalain pa rin ng readers na tragic ending iyon pero iba ang ginawa ko. I don't want a tragic ending anymore kaya iniba ko ang ending.
I am hoping that after writing this, magpakita na sa akin si ma'am Elice.
Lumipas ulit ang taon pero nabigo pa rin ako sa paghihintay sa kanya, until one of publishing company emailed me that they want to published my work into book. Marami raw kasi ang naging readers noong ginawa ko.
Ako rin naman hindi ko expected iyon pero pumirma pa rin ako ng kontrata sa kanila, kaya ngayon nandito na ako sa harap ng maraming tao na humahanga sa librong sinulat ko. I am in a book signing event, exclusively for me.
Marami pang itinanong sa akin ang interviewer pero nang matapos ito ay nagsimula na ang book signing. Mahabang pila ang nasa harap ko ngayon.
But I am not feeling any nervousness inside me. May magandang naidulot din naman talaga sa akin ang pagpunta ko sa loob ng story. It was effective pero bad timing lang talaga.
"What's your name?" Tanong ko sa next na nagbigay ng libro. Nasa baba ang tingin ko dahil sinimulan ko ng buklatin ang unang pahina nito.
"I love the ending of your story, it will be your happy ending too, if that happens." Natigilan ako dahil sa sinabi ng nagsalita. Mabilis akong nag-angat ng tingin sa nagsalita.

BINABASA MO ANG
Journey Inside (Stand Alone)✔️
FantasíaNarizz Sy is a typical high school girl, but not a good student. She always cuts classes, her grades are not higher than you think and she doesn't have a good bond with her family. One day, she started to feel that she was not in her real personalit...