Chapter 2

34 2 3
                                    

Dedicated ang chapter na to sayo @amabellevillanueva .Thank you for motivating me to update continuously.

__


Lumapit si Madeline kay Samantha at tiningnan ito ng diretso sa mata.
"Hindi ko pa rin talaga gets kung bakit ka nagustuhan ni Cedrick. Kahit nung high school palang tayo ay hindi na talaga kita gusto."

Nanrindi si Sam sa mga narinig niya kaya tumayo na ito at hinarap si Madeline.
"Sino bang nagsabi na gusto din kita? Yang ugaling yan, wala kapa rin talagang pinagbago"

Binigyan lang siya ng mapang asar na ngiti ni Madeline
"At ano kamo? Gusto mong kunin kung anong para sayo? Haha, nagpapatawa kaba? Matagal ng wala sayo si Cedrick. Gumising ka nga Madeline, nananaginip ka"

Hindi na natago ni Madeline ang inis niya kay Samantha.
"Hindi lang ang mukha mo ang panget pati ang ugali mo!" Halos napataas na ang boses ni Madeline sa sobrang pagkainis.

"Atleast hindi ako ganun kadisperada para lang makuha ang hindi naman para sakin" kinuha na ni Sam ang gamit niya at iniwan niya na si Madeline na noon nga'y sobrang badtrip na.

Pero bago pa man siya makalabas ng tuluyan sa room at humarap ulit ito kay Madeline.
"Hindi ako papayag na sirain mo ang relasyon namin ni Cedrick. Kaya please lang, wag mo ng ituloy ang binabalak mo at wala akong planong hiwalayan si Cedrick"

At tuluyan na ngang iniwan ni Sam si Madeline at nagulat ito ng makita niya si Cedrick sa harap niya. Nakatitig ito sakaniya habang nakangiti. Nakaramdam ng hiya si Samantha kaya iniwas niya ang tingin niya kay Cedrick at nagsimula na siyang maglakad. Sinundan naman siya nito at inoffer na siya na ang magbibitbit ng gamit niya.

••

Nung makarating sila Sam at Cedrick sa coffee shop ay nandun na sila Jenny, Rexan at Ericka. At nung pagpasok ng dalawa ay agad sila nitong tinawag.

"Ano na Sammy? Anong nangyari kanina?" Tanong ni Jenny kahit hindi pa ito nakakaupo.

"Relax lang Jenny" pagpapakalma ni Cedrick, "hindi ako hihiwalayan ni Sam"

"Asa ka naman! Wag ka ngang feeling jan!"

"Kakasabi mo lang kanina nun ah"

"Sinabi ko lang yun kasi.... teka nga! Malay ko bang nandun ka! Kung alam ko lang edi sana hindi ko yun sinabi"

"Wala ng bawian"

"Cedrick!"

Nakatingin lang ang tatlo sa mag nobyo at hinihintay nilang matapos ang bangayan nila para masimulan ng maikuwento sakanila kung ano talagang nangyari kanina.

"Hayy naku! ang kulit mo ah! Gusto mong magbreak na tayo ngayon?"
Biglang natigilan si Cedrick at tahimik itong naupo at kinuha ang menu.

"Okay na? Pwede na kaming magtanong?" Sabi ni Ericka

"Ano ba kasing nangyari? Bakit nandito ang malditang Madeline na yun?"
Kinuwento lahat ni Sam ang nangyari ngayong araw at hindi maitago ang pagkainis nila Ericka at Jenny.

"Wag na wag magpapakita sakin ang Madeline na yun at baka kung anong magawa ko sakaniya"

"Relax, Jenny" inabot ni Rexan ang inumin ni Jenny

"Hindi na ako magpapaapi sakaniya. Halos tatlong taon na yun, hanggang ngayon hindi pa din siya nakakamove on? Ano bang meron kay Cedrick at ganun niya nalang gustong magkabalikan sila?"

"Ano nga bang meron si Cedrick?" nakakalokong tanong ni Rexan kay Sam. Sa mga oras na yun ay nasa cr si Cedrick kaya masasabi ni Sam ang gusto niyang sabihin.

"Huh?! Ang unggoy na yun?" nag isip ito sandali, "sa tatlong taon namin, honestly wala akong nakitang hindi maganda sakaniya. Loyal siya, may plano sa buhay at lagi akong kasama dun, lagi niya kong iniintindi, mahaba ang pasensya niya..." matigilan ulit siya, "at saka..."

"At saka" sabay sabay na sabi ng tatlo

"Nakikita ko ang sarili ko na kasama siya hanggang sa tumanda ako"
Napapalakpak ang tatlo sa narinig nila, si Rexan naman ay napatayo pa.

"Ibang level talaga ang ang relationship niyo" kumento ni Ericka

Ilang sandali pa ay naglalakad na si Cedrick pabalik sa mesa nila at nagtataka ito kung bakit nagsisipagpalakpakan ang tatlo at para bang ang saya nila.

"Anong nangyari"

"Congrats, bro" 

"Anong meron?"

"Basta congrats" sagot ni Rexan

Tanong ng tanong si Cedrick sa kung anong nangyari pero kahit isa ay walang sumasagot sakaniya. Kaya, tumigil na ito sa pagtatanong at inubos ang inumin niya.

Tumambay pa sandali ang magkakaibigan sa coffee shop at ginawa ang mga assignments nila. Umorder ulit ng drinks si Jenny at nung kukunin niya na ang order niya sa counter ay nakita niya ang flyer na pinopromote ang mga tourist spots sa Japan. Nasa Japanese coffee shops din kasi sila kaya normal lang na may mga ganong klaseng flyers. Kumuha siya ng isa at dinala ito sa table nila.

"Tingnan niyo to, ang ganda oh."

"Oo nga! sana one day makapunta din tayo sa Japan" excited na sabi ni Ericka

"Pag nakagraduate tayo at may trabaho na, dapat magtravel tayo together"

Tumango ang lahat pero napansin ni Jenny na hindi maalis ang tingin ni Sam sa flyer.

"One day, Sam"

••

Nung nagkayayaan ng magsi uwian ay naghiwahiwalay na sila. Hinatid ni Cedrick si Sam sa bahay nila at bago pa man ito pumasok sa bahay ay niyakap niya ito.

"Sobrang saya ko nung marinig ko ang mga sinabi mo kay Madeline kanina"

"Lumaki na naman ba tenga mo huh?"
"Hindi ah, basta" naramdaman ni Cedrick na niyakap din siya ni Sam.

Sa mga oras na to ay sobra ang sayang nararamdaman niya.

"I'll promise to protect our relationship, Sam"

BOOK 2: His and Her PromisesWhere stories live. Discover now