Chapter 5

40 2 4
                                    

Madeline's POV

"Hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo, Madeline?" 

"Ma, gusto kong itry ulit and this time gagawin ko ang lahat para magkabalikan ulit kami ni Cedrick. All these years, hindi pa rin talaga siya mawala sa isip ko"

Hindi na nagsalita ang mama niya bagkus nilapitan niya si Madeline at binigyan siya ng mahigpit na yakap.

"Susuportahan kita kung ano sa tingin mo ang makakapagpasaya sayo"

Sobra ang pasasalamat ni Madeline sa mama niya dahil naiintindihan siya nito. Ngayon nga ay buo na ang loob niya na bumalik ng Pilipinas para subukan ulit na magkabalikan sila ni Cedrick.

***


"Ano bang gusto mong gawin namin sakaniya?" tanong ng mga lalaki

"Bahala na kayo." inabot ni Madeline ang picture ni Sam sa mga lalaki

"Bahala daw tayo pre" tumingin ang lalaki sa isang kasamahan nito at ngumisi.

"Alam niyo naman ang makukuha niyo diba?"

"Basta ang usapan ay usapan"

Iniwan na ng mga lalaki si Madeline. Naglakad lakad nalang si Madeline hanggang sa makarating siya sa isang park. Naupo siya sa bench at nakita niya ang isang lalaking nakahiga at mukhang natutulog.

Hindi niya nalang ito pinansin at may kinuha siya sa bag niya...ang picture nila ni Cedrick noon.

"Masaya naman tayo dati diba? bakit mas pinili mo siya kesa sakin?"

Gustong maiyak ni Madeline, dahil narerealize niyang nangyayari ulit ang mga nangyari noon. Para lang magkabalikan sila ni Cedrick ay nakakagawa siya ng masasamang bagay.

"Lumaki akong nakukuha ko ang gusto ko pero bakit ngayon, hindi ko makuha ang isang bagay na gustong gusto ko?" dahil sa sobrang frustrations niya ay napasigaw ito na naging dahilan ng pagkagising ng lalaki na natutulog sa tabing bench kung saan siya nakaupo.

"Ay anak ng!" tumingin ng masama ang lalaki kay Madeline, "Ano bang problema mo?"

"Bakit ba kasi nanjan ka?"

Tiningnan ng lalaki si Madeline ng may pagtataka sa mukha, "Eh bakit ka sumisigaw?"

"Ano bang problema mo!" ngayon nga ay napataas na din ng boses si Madeline. Mas lalo lang siyang nafrustrate dahil sa lalaki ito.

"Anak ng tokneneng! Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa babae"

Napatingin ang lalaki sa hawak na picture ni Madeline, "Ahhh, kaya naman pala"

Narealized ni Madeline kung saan nakatingin ang lalaki kaya agad niya itong tinago sa likod niya.

"Kung ayaw sayo, wag mong ipilit. Marami naman dyang iba"


Ano bang alam ng isang to? bakit ganun nalang siya kung magsalita! Hindi niya alam ang nararamdaman ko!

"Hindi ko alam kung anong nangyari pero wag mong sayangin ang oras mo sa taong ayaw naman sayo."

"Wala kang al..." hindi na natapos ni Madeline ang gusto niyang sabihin ng lumapit ang lalaki sakaniya at pinatong ang kamay niya sa ulo niya.

"Mga bata nga naman ngayon." agad inalis ni Madeline ang kamay ng lalaki. 

Natawa nalang ang lalaki sa ginawa ni Madeline. Bumalik ito sa upuan niya at dinampot ang jacket niya na nasa lupa.

"Bata kapa, wag mong sayangin ang oras mo sa lalaki. Masaya na siya sa iba kaya dapat maging masaya ka din."

Parang sinaksak siya nung marinig niya yun. Ako dapat yun! Kami dapat ni Cedrick ang masaya ngayon! 

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? sumusobra na ba ako? nakagawa na naman ba ako ng masamang desisyon sa pangalawang pagkakataon? gusto ko lang naman maging masaya. Hindi ba pwedeng mangyari yun?

**

Masama ang pakiramdam ni Madeline nung nakaraang araw pa at ngayon nga ay hindi niya na kinaya kaya sinugod siya sa ospital. Nung araw ding yun ay hindi niya inaasahan na makita si Sam sa kwarto niya

"Anong ginagawa mo dito?"

Lumapit si Sam kay Madeline at kita nito ang panghihina ng katawan niya. Bukod pa dun ay namumutla ito at walang lakas.

"Ganun kana ba kadisperado na makuha ulit si Cedrick?" 

Nakapag isip isip si Madeline ay ngayon nga ay buo na ang desisyon niya sa kung anong gagawin niya ay Cedrick.

Pinilit ni Madeline na tumayo para harapin si Sam at nung nakalapit na ito sakaniya ay sinampal niya si Sam.

"Wala kang alam! Maswerte ka dahil meron kang kagaya ni Cedrick pero ako, wala. Hindi mo alam ang nararamdaman ko ngayon"

Totoo yun, walang may alam sa kung anong nararamdaman ni Madeline ngayon. Hindi nila alam kung ano ang pakiramdam ng mag isa. Na yung taong mahal niya ay kinamumuhian siya. Hindi nila naiintindihan ang pakiramdam na yun.

"Marami ka ng nasaktan, Madeline. Bakit ba pinipilit mong makuha ang mga taong ayaw naman sayo? Hindi kaba napapagod? Alam mo naman diba na kahit anong gawin mo ay hindi babalik sayo si Cedrick?"

Naiyak na si Madeline sa sobrang frustrations.

"Itong tandaan mo Madeline, hinding hindi mo mababago ang nararamdaman ng isang tao. Kaya wag mong ipipilit ang sarili mo at ang gusto mo dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli"


Wala na ba talagang pag asa? Kahit ba anong pilit ko ay hindi na talaga babalik ang dating meron kami ni Cedrick? Ang unfair, bakit ako lagi ang nasasaktan. Bakit?!


***




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BOOK 2: His and Her PromisesWhere stories live. Discover now