Chapter 3

28 2 1
                                    

Dumaan ang mga araw at walang masamang ginagawa si Madeline sakanila ni Cedrick. Naisip nito na siguro ay narealized na ni Madeline na kahit anong gawin niya ay hindi niya makukuha ulit si Cedrick.

"Ang lalim na naman ng iniisip mo" tanong ni Cedrick

"Naisip ko lang si Madeline"

"Bakit? May ginawa ba siya sayo?" pag aalalang tanong ni Cedrick

Umiling si Sam at binaling ulit ang tingin niya sa pinapanuod nilang movie. Pero hindi naniwala si Cedrick, may pakiramdam ito na baka may ginawa na naman si Madeline sa girlfriend niya at ayaw lang ipaalam sakaniya ni Sam.

Nilapat ni Cedrick ang mga palad niya sa magkabilang pisngi ni Sam at iniharap niya ang mukha nito sakaniya.

"Wala ba talagang ginawa sayo si Madeline?"

"Wala, pero mas nakakapagtaka yun diba? Tahimik siya ngayon kaya napaisip ako na baka may masama siyang binabalak"

"Hindi ko hahayaan na saktan o ipahiya ka ulit ni Madeline. Ano nalang ang silbi ko kung ganun." idinikit ni Cedrick ang noo niya sa noo ni Sam at pumikit, "kung pwede nga lang na bantayan kita 24/7 para masiguro ko na okay ka, ay gagawin ko talaga yun"

"Hindi kapa ba nagsasawa sakin?" panuksong sagot ni Sam

"Hindi" tiningnan ng diretso ni Cedrick si Sam sa mga mata nito at ngumiti.

"Hindi nga? Three years na tayo, ni minsan hindi ka talaga nagsawa?" umiling si Cedrick bilang sagot

Ngumiti ulit ito at nilapit ang mukha niya sa mukha ni Sam para halikan. Automatic naman na napapikit si Sam sa ginawa ni Cedrick.

••
Naging abala na ang lahat dahil papalapit na ang exam nila. Dahil ayaw maistorbo ni Cedrick si Sam ay hindi muna ito nangungulit sakaniya. Alam din ni Cedrick kung gaano pinagbubutihan ni Sam ang pag aaral niya at dahil nga dito ay laging Dean's lister ang nobya niya. Pero kahit bihira lang sila magkita sa university nila ay sinisiguro naman nito na sabay silang uuwi.

"Kamusta naman ang pagrereview mo?" tanong ni Cedrick

"Medyo challenging pero kaya naman. Alam mo ba, nakita ko si Madeline kanina. Alam kong nakita niya din ako pero wala siyang ginawa. Ano kayang binabalak niya?"

"Gusto mo bang samahan kita bukas?" umiling iling lang si Sam

"Kaya ko naman ang sarili ko at hindi na ko yung tulad ng dati na basta basta nalang nagpapaapi lalo na sakaniya" ngumiti si Cedrick, dahil alam niya kung gaano nagbago si Sam at kahit papano ay panatag ito na kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya kahit wala siya sa tabi niya.

"Oo nga pala, bukas gusto raw akong kausapin ng prof ko"

"Bakit daw?" pagtatakang tanong ni Cedrick

"Hindi ko din alam, nakakacurious nga din"

Habang naglalakad ang dalawa pauwi ay nakasalubong nila ang grupo ng mga lalaki. Namumukhaan nila ang mga yun at alam nilang dalawa na nag aaral din ang mga lalaki sa parehong university. Ang lakas ng tawanan nila at nung nagkasalubong sila ay ang sama ng tingin nung isang lalaki kay Sam.

"Teka pre..." huminto yung lalaki, "siya ba yun?"

Tinuro niya si Sam, agad naman na pumunta sa harap si Cedrick para protektahan ang girlfriend niya sa masamang binabalak ng mga lalaking iyon kay Sam.

"Parang siya nga" pagkukumpirma nung isang kasamahan nung lalaki

Lumapit ito pero hindi niya agad nahawakan si Sam dahil kay Cedrick.

"Ano bang problema ng isang to?!" ani niya kay Cedrick

"Wag kang magkakamaling hawakan ang girlfriend ko"

Matapos sabihin yun ni Cedrick ay tumawa ng malakas yung lalaki. Kinakabahan na rin si Sam dahil baka kung anong masamang gawin ng mga lalaking yun kay Cedrick.

"Wala akong paki kung sino ka man, ang gusto ko lang ay ang babaeng yan!"

Bago pa man mahawakan nung lalaki si Sam ay sinutuk na ito ng malakas ni Cedrick. Nagulat ang ibang kasamahan nung lalaki kaya sinugod na rin nila ni Cedrick at pinag susuntok. Hindi alam ni Sam kung anong gagawin niya mabuti nalang ay may nagrorondang mga tanod at agad nahuli ang mga barumbadong lalaking sumugod sakanila.

"Okay ka lang ba Sam?"

Mangiyak ngiyak si Sam dahil sa nangyari kay Cedrick. Ginawa niya lahat para lang maprotektahan siya. Agad niyang niyakap si Cedrick at humagulgol. Sobrang naguiguilty siya dahil siya ang dahilan kung bakit nabugbog si Cedrick

"Ano kaba Sam, okay lang ako"

"Hindi ka okay! kailangan nating pumunta ng ospital"

Nung tumayo si Sam ay hinawakan ni Cedrick ang kamay niya, "uwi na tayo, kailangan mo pang mag aral diba?"

Hindi alam ni Sam kung anong mararamdaman niya sa mga oras na yun. Kahit napahamak na ito para lang maprotektahan siya ay mas inuna pa niyang intindihin si Sam kesa sa sarili niya.

BOOK 2: His and Her PromisesWhere stories live. Discover now