Chapter 3

1 1 0
                                    

"Ok po Ma'am." Magiting na Sabi ko.

Nakakaexcite naman! 

"You may go now." Tumango nalang ako.

Naglakad ako palayo sa building na yon at nagpunta sa isa pang building kung nasaan ang classroom ko. Grabe nakakapagod maglakad sa ground, kase ground and pagitan ng dalawang building. Tapat tapat yung araw saken.

Iitim na yata ako neto eh! Pero oks lang! Atlis nagaaral diba?

"Kamusta?!"

"Bethy!! I miss you!"

"Si Ford! Kaye! Si Ford oh!"

"Shhhh! Manahimik!"

"I miss you guys!"

"Mamaya pa dating nun ni Ma'am!"

Grabe! Ang ingay nila eh no! Pero masaya yung ganon! Maingay ang mga nadadaanan kong room sa hallway nato. Nasa third floor ang sabi ni Ma'am  at nasa dulo yung classroom ko. Pero nakakapagtaka at dito sa third floor ay walang mga estudyante ang mga room at napakatahimik. Kung may maingay man, galing yun sa mga room sa baba.

Dito ba? Parang walang tao? Nakakatakot!

Pero titingnan ko pa den. Impossibleng magkamali si Ma'am ng sabi sakin kase ilang beses niya ipinaalala eh.

Pagkarating ko sa dulo ay nakahinga ako ng maluwag dahil may mga estudyante na. Magtatanong nalang ako. Mga lahat sila ay nakaupo lang at may mga suot na headphone. Pero nakita na nila ako kase di naman sila tulog. Mga nasa sampu palang yata sila.

"Good morning." Nakangiting bati ko kase mga nakasimangot. "Dito ba ang Section one?"

"Ikaw ba yung transfer?" Walang ganang tanong nung isang lalake na nagbabasa ng libro.

Infairness! Ang kapal nung libro na yun! Mukang matatalino nga sila! Kaso parang mga suplado! Psh!

"Ah! Oo." Ngumiti nalang ako ng pilit sakanila. Wala pang mga babae, ako palang.
Napa-aga ata ako? Pero bakit sa baba, andami nang estudyante?

"Dun ka sa dulo." Sabi pa ng isa sakanila. Napatango nalang ako. Nagpunta ako sa pinaka dulo at doon umupo. Pero pagkaupo ko ay bigla akong napabagsak sa upuan! Shocks! Sira yung upuan!

Bwiset! Sinadya ba nila yon?! Muntik pa kong masugatan!

Rinig na rinig ko pa ang pagpipigil nila ng mga tawa nila kaya napaisigaw ako sa inis dahil pinagtatawanan nila ako!

"Bwisit! Ano ba?! Nananadya ba kayo?!" Mahinang sigaw ko at halos lumabas yung ugat ko sa mukha dahil sa pagpipigil. Napatahimik sila sa pagtawa at naging seryoso ulit ang mga Langhiya. Nagparinig pa yung isa sakanila.

"Tss. Maraming upuan sa dulo." Pagpaparinig nung isa, na sinundan pa ng isa. "Oo nga, bat dun siya umupo?" Tapos  naghandshake pa yung dalawa!

Aba naman! Pero bakit kase ako pdun,jl b umupo eh! Psh! Pasukan tapos may sirang upuan? Sinadya nila! Alam nilang may transfer!

Umupo nalang ako sa kabilang upuan at pagkatapos niligpit yung nasirang upuan.
Badtrip!  Maya Maya, pagkatapos ng mahabang katahimikan ay may narinig na kaming naguusap na mga babae. Yes! May babae na ba?! Andyan na ba sila?! Ay! Baka suplada rin! Wag naman sana! Mababaliw ako!

"Right?"

"I think so"

"Well, boring yung sakin."

"Huh? Bakit naman?"

"Di ako pinayagan eh. Hehehe"

Nung marinig ng mga Langhiya ang mga babae ay nagsipagtayuan sila at lumabas na agad ng pinto. Naknang! Aba!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Transfer Make Boys TroubleWhere stories live. Discover now