"YES! At last tapos ko na! Ang galing ko talaga!" Nagbubunyi ang ngiting itinaas niya ang hawak na papel at buong pagmamalaking pinakatitigan niya iyon.
Ang papel na iyon ay naglalaman ng script na ginawa niya para sa roleplay na ipapalabas sa papalapit na foundation day ng university nila. It's a musical play actually. Alam naman niya ang taste ng mga mag-aaral sa unibersidad na iyon. Umiikot lang ang mundo ng mga ito sa iisang bagay, and that's FAME.
Kaya naman naisip niyang iyon na lang ang gagamitin niyang tema at genre para sa naturang play, na kung tutuusin ay sukang-suka siyang sulatin. Kung wala lang talagang reinforcement na kapalit ang paggawa niya niyon ay hindi siya pumayag at never siyang papayag! Kahit pa maging araw ang planet venus at maging buwan ang planet mercury. Kahit lumuhod pa ang mga bituin. At kahit pa siguro pagpalitin ang ulo at paa ng tao. Never siyang papayag na gawin iyon.
Ayaw sana niyang tanggapin iyon dahil hindi naman siya kabilang sa mga nababaliw na estudyante ng unibersidad nila. Kung hindi lang binanggit ng department chairman nila na magkakaroon siya ng additional grades sa lahat ng subjects niya ay hinding-hindi niya talaga iyon tatanggapin. Full scholar siya sa University kaya pikit ang mga matang tinanggap niya ang trabahong iyon. Hindi naman kasi siya mayaman katulad ng ibang estudyante na humaling sa mga walang kakwenta-kwentang bagay. Mayaman kasi ang mga ito kaya kahit abutin ang mga ito ng isang dekada sa kolehiyo ay okay lang. Hindi gaya niya na kailangan niyang magpakasubsob sa pag-aaral ma-maintain lang niya ang mga grades niya. Ganon siya kadedicated sa pag-aaral niya. And one more thing, ayaw niyang madisappoint ang parents niya sa kanya lalo na at nangako siya sa mga itong pagbubutihan niya ang pag-aaral niya. Kaya alang-alang sa mga grades niya ay gagawin niya ang lahat mamaintain lang iyon.
"OMG! Ang gwapo talaga ni Tom at Pao!"
Napalis ang ngiti niya nang marinig ang impit na tili at hagikhikan ng mga babae sa kabilang mesa. Hindi maipinta ang mukhang napalingon siya doon at ganon na lang ang paglukot ng mukha niya nang makita niyang tila nangangarap ang mga itong nakatitig sa laptop. As usual, they're daydreaming again.
"Mas gwapo at hot si Hanz 'no! Look at how magnificent his body is! I drooled a lot of times because of that photo of him."
"Oo nga, nakita ko nga siyang topless sa field noong isang araw. And muntikan na akong mawalan ng ulirat nang makita ko yung six-pack abs niya."
"Gross!" Napangiwi siya. "Kababaing mga tao, mga manyak!" Napailing-iling na lang siya at sinimulan na niyang ayusin ang mga papel upang mailagay na iyon sa folder.
Now, all she need is food. As in, madaming foods! Kailangan na rin niyang magrelax. Aba! Dugong-dugo kaya ang utak niya sa paggawa ng script na iyon. Kaya kailangan niyang magcelebrate kahit papaano dahil sa wakas, tapos na ang kanyang kalbaryo!
And one more thing, ayaw na niyang magtagal pa lugar na iyon na itinuring niyang sanctuary niya sa loob ng unibersidad na iyon. Doon kasi siya naglalagi kapag vacant niya.
Para sa ibang tao, masyadong boring ang buhay niya dahil ang lagi niyang hawak ay ballpen o lapis, libro at papel. And she always prefer to be alone. Yes, she is a loner that's why she doesn't have any friend at all. Or mas tamang sabihing, walang gustong maging kaibigan siya. No one didn't even bother to offer her friendship. Kakaiba kasi siya sa kanila. Well she can't blame them. Sino ba naman kasing mayaman ang gustong maging kaibigan ang isang mahirap na kagaya niya. Ni hindi nga din niya alam ayusin ang sarili niya. So obviously, she doesn't belong in their circles. Tsaka isa pa, ayaw kasi niya ng maingay tulad nila. Nakakairita minsan, kaya nandito siya lagi sa library para makaiwas sa tsismis, gulo at ingay. Pero mukhang nagkamali yata siya ngayon, lalo na nang may bagong dating na babae at lumapit sa kumpulan ng mga babae sa kabilang mesa.'
BINABASA MO ANG
Captivated By An Angel
Teen FictionTeaser: Francez Kaizel Roxas, isang 19-year old na simpleng dalagang nag-aaral sa isang prestihiyoso at pangmayamang university na halos lahat na yata ng populasyon ng mag-aaral ay umiikot ang buhay sa iisang bagay - FAME. There's a lot of popular s...