Chapter 20

1.3K 52 0
                                    


Hello to my amazing readers and followers!

As of June 12, 2020, the edited and revised version of CAPTIVATED BY AN ANGEL will be exclusively published under DREAME. They already have the digital copyright of this story.

To the readers who would like to continue reading the book, I suggest and would appreciate your support if you continue reading it on the link provided below to be redirected to my story:

http://www.dreame.com/novel/DQjc4arfc%2FyHXlOtuzM4qQ%3D%3D.html

And lastly, I would like to extend my heartfelt gratitude to all of my readers who encouraged me to continue writing and for supporting my works. You can still read my other stories here in wattpad. Thank you so much!

-Lhanz ArtemisPATAPOS na ang klase nila ng araw na iyon. Mamaya na ang competition nila sa battle of the band. Sa totoo lang, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba at takot. Alam kasi niyang sa lahat ng sinalihan ng mga itong competition ay umuuwing panalo ang mga ito. First time pa man din niyang kumanta at tumugtog ng gitara sa harap ng libu-libong fans ng mga ito at take note, sa isa pang competition. Parang gusto na niyang atakihin sa puso dahil sa matinding takot. Pakiramdam niya para siyang bibitayin ng mga limang lalaki dahil sa biglaang desisyon ng mga ito. Masyado na siyang nawiwindang sa mga nangyayari. Paano na lang kapag sumemplang siya at magkamali? Paano kapag matalo sila nang dahil sa kanya? Paano na? For sure, ay hindi matutuwa ang mga ito kapag nangyari iyon. At marahil ay mapapahiya ang mga ito dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay makakatakim ang mga ito ng mala-fireworks na pagkatalo. And if that happened, they'll regret of having her in the band for sure. At hinding-hindi niya talaga mapapatawad ang sarili kung nangyari iyon.

"Class dismiss. Prepare yourself next meeting. We will have a long quiz." Ang sinabing iyon ng propesor nila ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Nang lumabas ito ay problemadong isinubsob niya ang mukha sa mesa. Habang nakasubsob siya doon ay dinig na dinig niya ang pag-tik-tok ng relo sa braso niya. Tumatakbo talaga ang oras. At alam niya ilang takbo lang niyon ay darating na ang oras na kinakatakutan niya. Napabuntong hininga siya habang tahimik na humihiling na sana ay tumigil na lang ang oras.

"Quiz again?!" angal na bulong ng mga kaklase niya.

Napabuga siya at iniligpit na niya ang mga gamit.

"Manunuod ba kayo sa battle of the band competition mamaya sa San Juan Arena? Ako, manunuod ako. As usual, susuportahan ko ang Blue Angels."

Natigilan siya sa narinig na usapan ng mga kamag-aral niya. Manunuod ang mga kaklase niya?! 'No! It can't be!' gustung-gusto na talaga niyang magsisisigaw nang mga oras na iyon. Sigurado siya, makikita siya ng mga ito.

"Of course! Manunuod ako. Kelan ko ba pinalampas ang laban nila."

"Nakausap ko na ang lahat fans club ng banda. Lahat sila nakareserve na ng tickets. Ready na din daw mga gagamitin na banners at tarpaulin."

"Ang balita ko, puro mga sikat na banda din daw ng iba't ibang universities ang kasali."

"Yup, kaya dapat lang ay nandoon tayo upang suportahan sila."

"Oo. Kaya magandang manuod. For sure, full pack ang audience mamaya."

"Paano iyan, naubusan ako ng ticket!"

"No problem. I still have an available tickets. Here, this one is for you." si Beatrice at lumapit sa kumpulan ng mga ito.

"Oh thank you dear!"

"No prob. Basta ikaw. Kung yung iba lang diyan ang hihingi sakin ng ticket, hindi ko bibigyan." nang-iinis na tiningnan siya ng mga ito habang tumatawa.

Captivated By An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon