"HINDI ko nagustuhan ang ginawa niyong pang-aalipusta kay Miss Roxas! I'm giving you a lesson that you will never forget to make sure you will never do that again!" halos ay mabingi na sila sa lakas ng boses ng presidente ng University sa speaker. Dinig na dinig na yata iyon ng mga estudyanteng nag-aaral sa mga building na nakapaligid sa quadrangle ng University dahil nagsilabasan na ang lahat ng mag-aaral upang makiusyoso at panuorin sila.
Balak ba talaga silang ipahiya ng University President sa lahat ng mag-aaral? Heto nga at pinagkakaguluhan na sila ng iba.
"Grabe naman! Kailangan talaga naka-microphone?" angal nilang magkakamag-aral habang nakapila sa quadrangle at nakabilad sa araw.
"Shit! Nakakahiya! Sirang-sira na ang dangal ko rito!" Nagyukuan sila ng ulo nang makitang nakatingin na lahat sa kanila ang mga mag-aaral ng engineering, hrm at political science department.
"Lagot ako kay Papa kapag nalaman niya ito."
"Ako rin, I'm sure grounded ang abutin ko rito."
"Oh my gosh! Si Prince at Tom nakatingin dito!"
"Pati sina Ace at Kiel! Oh my god! Nakakahiya!"
Ang mga sikat na personality ng school nila ang tinutukoy nila. Mabilis silang nagtakip ng mga mukha sa matinding hiyang nararamdaman.
"Bilang punishment sa kalokohang ginawa niyo, lilinisan niyo ang buong quadrangle!" anang University President.
"What?!" Lahat sila ay napamaang at nanlaki ang mga mata sa narinig. Hindi makapaniwalang napatitig sila rito.
"Lilinisin namin ang buong quadrangle? Seriously?"
"You heard me. My decision is final! Kung ayaw niyo, okay fine! But bring your parents with you tomorrow! Is that clear?"
Lalo silang nawindang sa sinabi nito. Alam nila ang ugali ng President ng Saint Therese University, kung anuman ang sinabi nito, hindi na iyon mababali. No one can ever break his rules.
Pero kung gaano man sila katakot dito, mas takot silang lahat sa parents nila, alam nila baka hindi lang grounded ang ipaparusa ng mga ito sa kanila sa bahay kapag nalaman ng mga ito ang kalokohang ginawa nila sa university. Ayaw man nila but they don't have a choice and just accept the consequences of their actions. Kaya pikit mata na lang nilang gagawin ang iniuutos nitong paglilinis sa buong quadrangle huwag lang makarating iyon sa mga magulang.
Nandidiri at napipilitan man ay nagsimula na sila sa paglilinis.
"Yuck! I can't believe this!"
"Eww! So smelly. Ang baho! Smells like a trash." tila sukang-sukang nagtakip sila ng ilong.
"Oh my gosh! I never do this at home! My muchacha do this for me!"
"Me too!"
"Kasalanan lahat ito ng babaeng basura at germ carrier na iyon! Siya dapat ang nandito, not us!"
"I really really hate that trash girl!"
"She'll pay for this!"
Lahat sila ay nagngingitngit at nanggigigil sa tinutukoy na kaklase.
"Oh my gosh! So hot you know! Nasusunog na ang aking balat!"
"Oh my gosh! This is so embarrassing!"
"Do I look like a garbage cleaner? With this beauty? With this outfit? With this skin? Omg! I can't believe this!"
"Humanda talaga sakin ang babaeng iyon! I'll never ever forgive her!"
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
(Prince's POV)
For the 10th times, I looked at my wrist watch.
BINABASA MO ANG
Captivated By An Angel
أدب المراهقينTeaser: Francez Kaizel Roxas, isang 19-year old na simpleng dalagang nag-aaral sa isang prestihiyoso at pangmayamang university na halos lahat na yata ng populasyon ng mag-aaral ay umiikot ang buhay sa iisang bagay - FAME. There's a lot of popular s...