Chapter 2

1.9K 84 0
                                    

AFTER what happened in the canteen ay hindi na siya muli pang tumapak doon. Aba, sobrang katangahan kaya ang ginawa niya. Kaya wala na siyang mukhang maihaharap sa mga taong nakakita sa kabaliwang ginawa niya. Tatlong araw na ang nakalipas nang mangyari iyon. At aaminin niya, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaka-move on sa ginawa niya.

Ano na kaya ang naiisip ng mga taong iyon tungkol sa kanya? Sigurado siya, puro negative iyon at malamang ay isa na siyang katatawanan sa paningin ng mga ito.

'Shut up Francez!' Pinagalitan niya ang sarili. Bakit nga ba niya iniisip at pinoproblema iyon? Ano nga naman sa kanya kung iyon ang gusto nilang isipin? At sino ba sila? At sino ba siya para pag-aksayahan ng panahon ng mga ito?

Ipinilig niya ang ulo. 'Erase! Just forget everything!' Pilit na lang niyang iwinaglit iyon sa isip.

Pasalamat na lang siya, kahit isa siya sa mga matalinong mag-aaral doon ay hindi siya kilala at sikat sa loob ng campus. Kaya malabong maaalala pa siya ng mga ito. Buti na lang talaga.

Napabuga na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad sa hallway ng building nila.

Nang araw na iyon ay pinatawag siya ng kanilang chairman. Habang naglalakad siya ay napapaisip siya. Ano na naman kaya ang sasabihin nito? Tungkol ba ito sa ginawa niyang script? May problema ba? Papapalitan ba nito iyon?

"Hay huwag naman sana. Ilang araw ko ring pinagpuyatan iyon." Inayos muna niya ang sarili at huminga muna siya ng malalim bago siya pumasok sa office ng chairman nila.

"Miss Roxas, have a seat please," seryosong bungad ng Chairman nilang si Mr. Rosales nang makapasok siya sa office nito.

"Thank you sir." Kinakabang umupo siya sa upuang itinuro nito sa harap ng table nito.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," simula nito. Hindi niya napigilang makaramdam ng kaba sa pagiging pormal at kaseryosohan nito. "I presented your manuscript to our school boards, deans, chancelor and president."

"P-po?" napamaang siya sa sinabi nito.

"You heard me." Serious face pa rin ito. "And I called you here in my office to tell you personally that our school president wanted to meet you."

"P-po?" Nanlaki ang mga mata niya. Lalo siyang nawindang sa sinabi nito. Gusto raw siyang makilala ng University President nila? Seriously? Bakit?

"By the way," ngumiti na ito. "You did a great job! Your work has gathered approvals from our school board. So, congratulations Miss Roxas. And like what I have promised you, you will have additional grades to all your subjects."

Namilog ang mga mata niya sa matinding tuwa dahil sa sinabi nito.

"T-talaga po? Naku! Thank you po Sir! Thank you po talaga!" Halos ay hindi na siya magkandaugaga sa pagpapasalamat dito.

"But I'm asking you to do me one last favor."

Natigilan siya. Napalis ang ngiti niya sa sinabi nito. Pakiramdam niya'y tila nawala ang excitement niya dahil sa narinig. Heto na naman. Akala pa naman niya'y tapos na ang kalbaryo niya ngunit mukhang may bago na naman siyang haharapin.

"Sige, ano po iyon Sir?"


KASALUKUYAN siyang nasa music auditorium dahil inirerecord niya ang ginawa niyang kanta na kakantahin ng mga bida sa ginawa niyang role play.

Yun kasi ang request sa kanya ng mga school board kaya hindi naman siya maka-hindi. Mahirap na, baka magbago pa ang isip ng mga ito at bawiin ang additional grades niya. Kaya pumayag na lang siya sa suggestions at requests ng mga ito.

Captivated By An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon