Nice to meet you!

17 1 0
                                    

Miko's POV.

Pumunta agad ako sa pwesto niya. Gusto ko syang makausap. Gusto ko ulit makita mga ngiti nya. Diko alam pero feeling ko obligasyon ko siya. Pagkalapit ko wala na yung ngiti nya. Balik ulit sa umpisa, poker face. Hays. Ano bang pwede kong gawin sa babaeng to? Ts.

"Umiinom ka pala." ani ko saka umupo sa tabi nya. Hawak ko ang isang bote ng San mig. Sumandal ako sa couch para magrelax.

"Ts." yan lang ang sinabi nya ng hindi tumitingin sakin.

"Sumama ka sakin." Sabi ko at hinila na sya palabas. Diko alam kung san kami pupunta pero gusto ko syang pasayahin ngayong gabi.

"Fvck! San mo ba ko dadalhin?!" Sigaw nya sakin.

"Ts. Don't cuss." Yan lang sinabi ko. Tuloy tuloy lang kaming maglakad hanggang sa makarating kami sa park. Pinaupo ko sya sa may swing. Di naman sya umaangal pero nakatingin lang saakin na parang nagtataka. Umupo ako sa tapat nya para magkasing level na kami. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa to. Parang kusa nalang gumagalaw yung katawan ko. Nakahawak ako sa dalawang kadena na nagdudugtong sa inuupuan nya.

"I'm Miko. Miko Villanueva." Sabi ko. "Siguru naguguluhan ka kung bakit ako lapit ng lapit syo pero pakiramdam ko may obligasyon akong dapat gawin sayo. Simula ngayon, magkaibigan na tayo." Pagpapatuloy ko ska ngumiti sknya. Nakatingin lang siya sken. Diko mabasa ang iniisip niya.

"Diko kailangan ng kaibigan." Sabi nya. Mas lumawak ang ngiti ko. Inaasahan ko na ang sagot nyang yan. Tumayo ako at pinitik ang noo nya.

"Aray! Shit! Ano ba?!"

"Hey! Dont cuss. Kulit e. Ska isa pa, hindi ko hinihingi ang opinyon mo." Sabi ko.

"Ayoko." Sabi nya ulit. Ts. Bat ba tigas ng babaeng to?

"I dont care." Sabi ko. Hndi na sya nagsalita. Naupo na din ako sa isang swing katabi nya. Ilang minuto din kaming tahimik ng magsalita sya.

"Hayley. Hayley Veronica Velasco. Yan ang pangalan ko." Sabi nya.

"Nice to meet you nica."

"What?! " sigaw nya sa akin.

"Hahaha. Nica. From now on, yan na ang tawag ko sayo." Sabi ko.

"Whatever." Yan lang nasabi nya. Tumayo na ako at hinila sya.

"San nanaman tayo pupunta?! Pagod nako." Sabi nya at tumigil kaya napatigil din ako.

"Haynako. Tara na."

"Ayaw nga. Pasan mo 'ko." Pft. May pagka childish din pala ang babaeng to. Tumalikod ako at umupo ng bahagya.

"Tara." Sabi ko. Sumakay naman agad sya. Nagpatuloy nako sa paglalakad. Kinuha nya ang headset kong nakasabit sa leeg ko at isinuot nya sknya. Napangiti ako. Mahilig din sya sa music katulad ko.

"Magplay ka ng music. Yung maganda ah." sabi nya. Nilabas ko naman agad yung Ipod ko sa bulsa at nagplay ng music.

Tahimik lang kami habang naglalakad. Naramdaman ko nalang na humigpit ang kapit nya sakin at binulong ang mga salitang nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Salamat." Maya-maya naramdaman ko nalang na may pumapatak sa may kamay ko. Napatingin ako sa langit. Umuulan.

Sinakay ko na sya sa kotse ko. Diko na muna sya dadalhin dun. Binaba ko sya sa may shotgun seat ng kotse ko. Tulog na pala siya. Nagdrive na ako pauwi. Diko naman alam kung san nakatira to. Matapos ang ilang minuto nakarating na din kami sa bahay. Binuhat ko sya na pang bridal style. Ang himbing ng tulog nya. Pagpasok ko, nakita ko si papa at mama na nanunuod at nakaupo sa sofa. Ang aga ata nila ngayon.

"Anak. Nandto kana pala. Sino yang kasama mo?" Tanong ni mama.

"Kaibigan ko po Ma. Akyat ko lang sya." Sabi ko. Tumango naman sila bilang tugon. Umakyat na ako. Binaba ko sya sa kama sa may kwarto ko. Kumuha ako ng isang papel at nagsulat pagkatapos bumaba na ako.

_____

Hayley's POV.

Nagising ako na nasa ibang kwarto. Teka? Nasan ako? Dali-dali akong tumayo. Naramdaman kong may nakadikit na papel sa may noo ko.

Ang himbing ng tulog mo kaya di na kita ginising. Magpalit ka muna. Suotin mo muna yang tshirt ko sa may sofa. Bumaba kana pagtapos at kakain na. :)
   -Miko.

Napailing nalang ako. Ang lalaking yun talaga. Naglakad na ko papunta sa sofa ng may mapansin ako. Lumapit agad ako sa gitarang nakasabit sa may dingding ng kwarto nya. Hinawakan ko sya. Hindi ako pwedeng magkamali. Kinuha ko ang gitara at tiningnan sa may bandang likuran. May nakaukit na M&H. Tama ako. Ito nga. Ang gitara ng kuya ko. Niyakap ko agad to. Naramdaman ko nalang na may tumutulo ng luha sa pisngi ko. Miss na miss  ko to. Miss na miss ko na ang kuya ko. Naalala ko nanaman ang mga araw na nakasama ko sya. Pinunasan ko agad ang luha ko at ibinalik ang gitara. Kinuha ko na ang tshirt at sinuot. Medyo malaki sya kaya hanggang taas ng tuhod ko ang haba nito. Pinusod ko din ang buhok ko. Bumaba na ako.

Pagbaba ko. Nakita ko agad ang isang babae na nakangiti sakin. Ang ganda nya.

"Gising kana pala. Halika iha. Kumaen kana." Aniya sakin. Sumunod naman ako sakanya at dumiretso sa Dining Area ng bahay nila. Nakita ko agad si Miko na may kausap na lalaki at mukhang ang saya-saya nila. Ito ba ang pamilya nya? Somehow. Nakaramdam ako ng inggit. Napatingin si Miko sa akin na nakangiti.

"Gising kana pala. Kain na tayo Nica." Sabi nya. Umupo na ko sa tabi nya at umupo nadin yung babae sa tapat ni Miko.

Natapos kaming kumaen na puro tawanan lang sila ng tawanan. Ang saya-saya ng pamilya nya. Sana ganito din ang naging pamilya ko. Baka sana hndi ako ganito ngayon.

---

Nandto kami sa may sala nila ngayon. Malalim na ang gabi pero nanunuod pa din kami. Di nako pinauwi ng mga magulang ni Miko dahil sobrang lakas daw ng ulan. Delikado. Hndi naman ako nakatanggi.

"Ayus ka lang iha?" Tanong sakin ng papa ni Miko. Si Tito Sam. Yan ang sinabi nyang itawag ko sknya. At Tita Ana naman sa mama nya. Sobrang bait lang tlga nila.

"Ah. O-opo." Sagot ko ng nakatungo.

"Sa kwarto kana ni Miko matulog. Pasensya na at di pa namin napapalinis ang isang kwarto e." Ani naman ni Tita Ana. Ano pa bang magagawa ko?

"Ayus lang po." Sabi ko.

"Oh sya. Magpahinga na kayo." Sabi ni Tita Ana. Tumayo na ako at ganun din si Miko. "Goodnight Ma, Pa. Love ya." Tugon ni Miko. "Goodnight." Sabi naman ni Tito Sam. Eto na siguru yung matatawag kong perfect family. Umakyat na kaming dalawa ni Miko. Pagpasok ng kwarto, nakita ko ulit yung gitara. Pano nga kaya napunta kay Miko to? Hays.

"Sa sofa nako. Dyan kana Nica. Gisingin mo ko pag may kaylangan ka ha? Goodnight." Sabi nya sakin at humiga na sa  sofa. Medyo nakonsensya naman ako.

"A-ah. Okay lang naman na magtabi tayo e. Wala ka naman sigurung gagawin sakin diba?" Sabi ko na mukhang ikinagulat nya. Humiga nako at sumunod naman sya.

Ilang minuto na ang lumipas pero di pa din ako makatulog. Kelangan ko makinig ng music pero lobatt ang phone ko. Gisingin ko kaya tong lalaking to? Napatingin ako sa mukha nya. Mukha syang anghel. Ang sarap nyang titigan.

"Miko? Wuy." Tawag ko sa pangalan nya saka tinusok-tusok yung pisngi nya.

"Hmm." Sabi nya at bahagyang gumalaw.

"U-uhm. Di kasi ako makatulog e. P-pwede mo ba kong kantahan?"

Heal my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon