CHAPTER 27

28 1 0
                                    

SHARIAH'S POV

Napanganga ako sa aking nakikita. Sobrang lawak ng espasyo at ang daming mamahaling gamit. Nasa loob kasi kami ng isa sa mga nirentahan naming kwarto dito sa Beach at ito namang si Brandon sobrang laki ang kinuhang kwarto para sa aming magkaibigan, hindi naman halatang yayamanin ano?

Ang laki ng ngiti ko nang napatingin sa isang Queen size bed. Tumakbo ako at dinambahan agad nang higa. Nagpa-ikot-ikot. Ang sarap sa pakiramdam. Sobrang sarap ng futon nila.

"Do you like it honey?" Napatingin ako sa taong nagsasalita, agarang nanlalaking mata sa sobrang lapit Niya. Isang galaw nalang at mahahalikan na niya ako.

Dali-daling napaatras ako at hindi sinasadyang nahulog sa kama. Napaigik pa ako habang hawak-hawak Ang balakang ko.
Ramdam ko ring nagmamadali siyang bumaba sa kama para tulungan ako.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya. Kita mo yun sa kanyang mata. Sinamaan ko siya ng tingin sa nakakabobong tanong.

"Mukha ba akong okay?" Inis na tanong ko sa kanya "...Kasalanan mo to ehh, ang lapit-lapit mo sa akin. MANYAK KA!" Paninisi ko. Ramdam kong umakyat ang dugo ko sa aking mukha dahil sa Sinabi ko ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang. Sinubukan kong tumayo kaya lang sobrang sakit talaga.

Narinig ko ang kanyang tawa na agad ko naman sinamaan ng tingin dahilan upang kunwaring tumikhim siya.

'Bwesit talaga kahit kailan'

Sinubukan ko sa pangalawang pagkakataon ngunit bigo parin ako. Nawawalan na ako ng Pag-asa, napapaiyak sa hindi malamang kadahilanan.

Nagulat ako sa biglaang pag-angat ko sa ere, wala sa sariling napahawak ako sa kanyang leeg, natatakot na baka mahulog. Napatingin ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" Naitanong ko

"Kinakarga ka?" Sagot niya

"Bakit?" Tanong ko. Narinig ko siya'ng bumuntong hininga bago sumagot

" Alam ko namang gusto mong magtampisaw doon sa dagat at maglaro, pero dahil PILAY ka
ay hindi mo magawa" sagot niya. Hindi ko alam kong maiinsulto ba ako o maiilang. Sobrang lapit ng katawan namin dahilan upang ramdam ko ang pagtaas at pagbaba ng hininga niya.

Umangat ang tingin ko sa kanyang mukha, ngayon ko lang napansin na gwapo pala siya sa malapitan. A perfect jawline, long eyelashes, perfect curves of lips and a perfect size of face. Napalunok ako at napaiwas ng tingin.

Sobrang bilis ng kabog ng puso ko na Sigurado akong ngayon ko lang naramdaman. Kailangan ko na talagang magpatingin sa doctor dahil habang tumatagal baka lumalala nato.

Nasaan na Kasi ang kasama namin? Bakit kami lang dalawa dito?


YLONA'S POV

"Yna" napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Naglalakad siya palapit sa akin. Suot ang beach outfit na nagpapalaway sa mga kababaihan na nandidito idadag mo pa na isa siyang Sikat na modelo. Ibinalik ko nalang ulit ang aking paningin sa karagatan.

I feel relaxed, this place is a perfect place for me. Nakakagaan sa pakiramdam, para bang nawawala yung mga bagay na gumugulo sa isipan ko at Isa na doon yung pag-uusap namin Ni Drake.

Nangunot ang nuo ko nang  muli itong maalala. Hindi ko alam kong ano pero pakiramdam ko nagbago siya, nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Katulad kagabi, hindi naman sa pag-aasume pero may gusto kaya siya sa akin? I mean iba Kasi ang pinapakita niya. Kagabi pinatungan niya ako ng isang malambot ng balabal para mainitan ako kahit papaano. Bigla kasing umihit ang malakas na hangin nun kaya napayakap ako sa sarili ko.

Married To A Casanova PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon