Ang Pinagmulan ng Pangako at Sikreto

8 1 0
                                    


Ang istoryang ito ay bumabalik sa pa taong 293 BC. Kung saan sa mundo ng mga mortal ay may isang binatang naninirahan sa hardin na kanyang pinagmamay-arian. Ang pangalan ng binatang iyon ay si Primissus. Si Primissus ay isang gwapong binata. Siya ay mayroong madilim na kulay asul na mga mata na para bang mga karagatan. Ang kanyang buhok ay may halo ng pula at kayumanggi. Si Primissus ay ang Diyos ng bituin, lupa at musika. Siya ay ang anak ni Helios at ni Selene. Ang Diyos ng liwanag, at ang Diyosa ng buwan.

Tulad lamang ng Atlantis, ang hardin na pinagmamay-arian ni Primissus ay nakatago sa mundong mortal at hindi madaling matagpuan o makita, malayo sa mga tao sapagkat ito'y nilalaman ng kagandahan na maaring masira ng mga mortal. Sa hardin na iyon ay siyang punong-puno ng iba't ibang klase ng puno, bulaklak, halaman, at iba pa. Ang mga paruparo ay lumilipad at nag-iikot sa buong hardin, habang ang mga ibon naman ay humuhuni.

Bandang kalagitnaan ng hardin ay nakatago ang isang napakagandang bukal. Ang bukal na iyon ay natatanging isang daan upang makapunta sa hardin ni Primissus. Ngunit sa tagal na niyang nagbabantay ng hardin, ay wala pang taong naligaw sa kanyang munting paraiso.

Katulad ng pangkaraniwan araw-araw na gawain ni Primissus ay tinignan niya ang mga halaman, diniligan niya ang mga ito at ang mga puno.Napabuntong-hininga ang binata sa pagod at humiga sa damuhan upang tamasin ang tanawin, ngunit agad siyang napatayo nang may naramdaman siyang kakaiba at hindi tama. Tunay ang hinala ni Primissus nang makaramdam siya ng presensya ng isang mortal sa loob ng kanyang paraiso. Nang ikutin niya ang buong lugar ay nakita niya ang isang babae na nakaluhod sa bukal at mukhang natutulog.

Tila nagulat si Primissus ng matagpuan niya ang dalaga. "Paano ito nangyari?" Ani niya sakanyang sarili. Hindi makapaniwala si Primissus marahil ay tagong-tago ang kanyang hardin at impossibleng makapasok ang mga tao dito. Napag-disisyunan niyang pumunta na lamang at tignan at kausapin ang natatanging dalaga.

Ang mahiwagang babae na nanghimasok sa mahiwagang hardin ni Primissus ay nagngangalang Celestia. Si Celestia isang magandang dalaga. Mahaba at malayang gumagalaw ang kanyang kayumanggi na buhok na tila ba'y mga alon sa dagat. Mayroon siyang mga pekas sa mukha na mas lalong nagpapaganda sakanya. Makikitang parating tumutulong si Celestia sa lugar nila ngunit kahit ganon pa man ay wala siyang mataas na estado sa buhay. Siya ay isang tanging ulila sapagkat iniwan siya ng kanyang mga magulang sa bahay ampunan nang siya'y tatlong taon gulang pa lamang. Kamakailan lang ay inakusahang mang-aagaw ng asawa si Celestia dahil inakit daw ng kanyang ganda ang mister ng kanyang sariling ina na umampon sakanya, na siya namang hindi naniwala sa sinabi ni Celestia at siya'y pinalayas.

Walang mapuntahan at walang mapagkatiwalaan ay naglugmok si Celestia. Sa pagod at hirap na kanyang pinagda-daanan ay naglakbay si Celestia ng malayo at saka niyang natamo ang bukal na isa palang portal papunta sa hardin ni Primissus. Huminto siya sa paglalakbay upang magpahinga at ilabas ang masamang pakiramdam.

Nang malapitan ni Primissus ang dalaga, ay saka niyang napagtanto na umiiyak pala ito. Nakaramdam ng awa si Primissus at lumapit na lamang sa dalaga upang patahanin ito.

Lumipas ang ilang minuto ay tumigil na rin sa pagiiyak si Celestia ay guminhawa na rin sa tulong ni Primissus sakanya. Nang mapansin niya ang binata ay nabigla na lamang ito at nagulat nang binaling niya ang kanyang ulo at saka niyang napansin ang ganda ng lugar na kanyang kinaroroonan. Hindi makapaniwala si Celestia na may ganoong ikagaganda pala ang lupa at paligid. Nakita niya ang pagkaberde ng damo and dahon sa puno na punong-puno ng prutas, mga iba't ibang uri ng bulaklak at rosas ay naroon. Walang masabi ang dalaga sakanyang nakita at tanging nasa isip niya lang nung oras na iyon ay langit ay siya'y nabighani sa buong lugar. Sa sobrang saya ay nakalimutan niya ang mga problema at dali-daliang nilapitan si Primissus at dinagsaan ng mga tanong.

Ang Pinagmulan ng Pangako at SikretoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon