CHAPTER 4

13 1 0
                                    


VENICE's POV

Niyaya ko siya sa aming table at tinanong ko kung ano ang pangalan niya dahil baka mamaya gago pala ang lalaking to at may masamang balak sakin pero di naman halata sa mukha niya.

"Umm... You a-are?" tanong ko sakanya

"Sorry..Im Tristan" he chuckled sabay lahad ng kamay niya kaya nakipag shakehands narin ako "Mm. Im Venice" I smiled.

Tinawag ko si Hera pabalik sa table namin dahil nakita korin siyang may kasayaw.

"Hera.. This is um... T-Tristan" pagpapakilala ko kay Hera ng katabi kong lalaki.

"Tristan this is my friend Hera" I looked at him and they just smiled into each other.

Nagkwentuhan lang kami habang umiinom at nalaman kong mabuting lalaki naman pala si Tristan at nalaman kong isa siyang businessman at nandito lang din siya sa bar para magtanggal ng stress.

Nagkasundo naman agad kami dahil madali lang naman siyang kausap at medyo maloko lang din siya. Lumipas ang oras at kung ano ano na ang napagusapan namin at diko narin namalayan na lasing na pala si Hera at nakatulog na.

Nag offer naman si Tristan na ihahatid na niya kami kaya pumayag nako dahil medyo may tama narin ako at lasing na si Hera.

"Pano ung kotse ko?" tanong ko kay Tristan.

"Papakuha konalang sa tauhan ko, papabalik konalang sa condo mo" he answered kaya pumayag narin ako para makauwi na.

Una namin hinatid si Hera sa bahay nila na medyo malapit lang naman sa bar at ako ang huli niyang hinatid pabalik sa condo ko dahil malapit lang din naman pala siya dito. Nahiya na ako sakanya dahil sa paghatid saamin pero pumilit parin siyang ihatid ako hanggang sa pinto ng condo ko, laking gulat ko ng nandoon si Paulo nakasandal sa pinto ng unit ko.

Napatingin naman ako sakanya at nahagip ko titig niya at nakatingin siya sa kamay ni Tristan na nakahawak sa bewang ko.

"P-Paulo what a-re you doing here? Nahihirapan kong tanong sakanya. Pero hindi siya sumagot kaya pinakilala ko nalang sakanya si Tristan para hindi awkward.

"Paulo this is Tristan" pagpapakilala ko "Tristan this is my childhood friend Paulo" nag titigan muna sila bago mag shakehands. Para mabawasan ang awkwardness ay nagpasalamat nako kay Tristan at humalik sa pisnge niya bago siya umalis.

Nakaalis na si Tristan at binalingan ko  naman si Paulo na nakatingin lang saakin kaya pumasok na ako sa unit ko bago pa kami abutin ng umaga kakatitigan. Pagpasok ko nakasunod naman siya pero hindi parin siya nagsasalita at padabog niyang sinarado ang pinto kaya napatalon ako sa gulat.

"Anong problema mo?" Inis kong tanong sakanya sabay punta sa kusina.

"Anong problema ko?" Pabalik na tanong niya at medyo tumataas narin anh boses niya.

"Aba malay ko sayo" pabalang kong sagot "At bakit ba andito ka?" dagdag kopa na nagpadilim ng titig niya saakin.

"Bawal napala ako pumunta dito akala ko kasi kaibigan mo ako" galit na may halong pagtatampo
sa boses niya.

"Bakit naistorbo ko ba ang gagawin niyo ng lalaki mo" sigaw niya saakin.

Hindi ako makapaniwala na ganoon ang tingin niya saakin na parang may balak kaming milagro ni Tristan kaya hindi na ako nakapagtimpi "Pwede ba Paulo punong puno na ako sayo" sigaw ko sakanya.

"Bakit hindi kapa pumunta sa condo ng malanding Kiera nayon" sigaw ko habang pinipigilan ang nagbabadyang luha.

"Wag mo pagsasalitaan ng ganyan si Kiera" galit na sigaw niya saakin "Tumutulong lang saakin ung tao" dagdag pa niya.

"O edi sakanya kana magpatulong buong buhay mo at wag kanang pumunta pa dito!" Sigaw ko.

"Ano bang nangyayari sayo ha?!" balik niyang sigaw.

"Gusto mong malaman ha? Kung bakit ako nagkakaganito? Sigaw ko at diko na napigilan ang aking luha at kusa na itong bumuhos.

PAULOS's POV

Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Venice at pakiramdam ko lumalayo siya saakin at palagi nalang kaming nagaaway. Kanina pagkatapos ng shoot pumunta agad ako sa condo no Venice para sana bumawi dahil sa alitan namin dun sa bar.

Pagdating ko sa labas ng unit niya walang nagbubukas ng pinto kahit nakailang doorbell na ako at wala akong ideya kung nasaan siya. Kaya naman tinwagan ko si Kiera ang kaibigan niya pero hindi naman sumasagot. Napagpasyahan konalang na intayin siya sa labas ng unit niya dahil medyo nag aalala narin ako.

Lumipas ang isang oras nasa labas parin ako ng unit niya at wala parin akong Venice na nakikita. Maya maya tumunog yung elevator at may dalawang tao ang lumabas doon at laking gulat ko nalang na may kasamang lalaki si Venice at nakahawak pa sa beywang niya kaya naman napatingin ako. Nagulat ako dahil ito ang unang beses na may kasama siyang lalaki at hindi kopa talaga kila.

Diko maintindihan kung ano ang gustong sabihin ni Venice siguro dala lang ng alak. Umiiyak na siya at hindi ako sanay na makita siyang ganun kaya nilapitan ko siya at niyakap ay umiyak siya sa dibdib ko. Nagulat ako ng biglang bumitaw mula sa pagkakayak si Venice at bigla nalang niya akong hinalikan sa labi kaya nanlaki ang mata ko magsasalita na sana ako ng bigla nalang siya nawalan ng malay kaya binuhat ko siya at inihiga sa kama niya bago ako lumabas ng unit niya.

Binalewala ko nalang ang paghalik niya saakin dahil alam konaman na lasing siya at hindi tama ang nangyari dahil kaibigan ko siya at nirerespeto ko iyon at may ibang nilalaman ang puso ko.

STILL YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon