CHAPTER 1

38 6 3
                                    



CHAPTER 1

VENICE'S POV

"Sandali lang naman Paulo!" Inis kong sigaw sa boy bestfriend ko since bata pa kami. Nagkakilala kami dahil matalik na magkaibigan ang parents namin. "Nagaayos pako eh!" Nakakainis minamadali niya kasi ako dahil pupunta kami ngayon sa bar para icelebrate ang new project niya as a model.

"Wag kana masyadong magpaganda" rinig kong sigaw nya sa labas ng kwarto ko bago siya pumasok.

"Dipa nga ako tapos hindi mo naman kasi sinabi na ngayon na pala yon" inis na singhal ko sakanya habang nakaharap sa salamin.

"Akin na nga yan" sabi niya sabay agaw sa akin ng blower at siya na mismo ang nag blower ng buhok ko. Isa yan sa mga nagustuhan ko sakanya lagi niya sa akin ipinaparamdam na hindi ako nagiisa at maalaga siya sa akin. Nakatulala lang ako sakanya at pinagmamasdan ang maamo niyang mukha.

Tatayo na sana ako para magsuot ng paborito kong red heels na nabili ko sa Dior nung nag out of the country kami ng parents ko. "Tignan mo nga itsura mo sa salamin!" pagalit niyang sabi habang nakakunot ang kilay.

Palihim akong natawa dahil naalala ko ayaw na ayaw niyang nagsusuot ako damit na kita ang cleavage ko. "Ano bang meron?, Maayos naman suot ko ah!" inis kong bulyaw sakanya.

"Maayos bayan? Halos kita na ang dibdib mo isang hila lang lalabas nayan" galit nasabi nya.

"Fashion tawag dyan diba model ka dapat alam mo yan" sabi ko sakanya.

"Magmomodel kaba ha?Rarampa kaba dun? Alam mong bar ang pupuntahan natin at maraming manyakis na lalaki dun" pagalit niyang sabi.

Humarap ako sakanya at tinitigan siya sa mata "Kaya nga ganto suot ko kasi maghahanap ako  ng pogi dun e" sabi ko habang seyoso ang tingin. Kahit ang totoo ay siya lang naman ang gusto ko.

"Ayan ka nanaman puro lalaki nanaman aatupagin mo" inis niyang sabi saakin habang nagkakamot ng ulo at napapailing.

Alam kong  hindi siya titigil hanggat hindi ako nagbibihis "Magdadala nalang ako ng jacket para tumigil kana dyan happy?" may pagka sarkastikong tanong ko sakanya. At dahil makulit ako ay pumayag na siya at dumeretso na kami sa bar na pupuntahan namin.

AT JRED CLUB

Pagkababa palang ng kotse hinawakan niya na ang kamay ko hanggang makapasok kami at ng natanaw na naming ang table ng mga kaibigan niya ay ako na mismo ang kusang bumitaw sa magkahawak naming kamay dahil ayoko naman na may ibang mapansin ang mga kaibigan niya.

PAULO'S POV

Malayo palang nakita ko na ang co-model ko slash matalik ko rin na kaibigan na si Jake na tinutungga ang whiskey. Natigil ako sa paglakad ng naramdaman kong bumitaw sa kamay ko si Venice hindi ko na lamang pinansin dahil sanay naman na ako na tuwing nasa bar kami ay maghahanap at makikipagsayaw nanaman siya sa iba't ibang lalaki. Hinahayaan ko na lang dahil alam ko naman na karapatan din niyang gawin ang kahit anong gusto niya kaya panatag ako basta hindi mauuwi sa hindi maganda.

"Bro, kamusta!" masayang batik ko kay Jake at sa iba pa naming kaibigan

"Congrats bro! Sabi ko sayo sa katawan mo palang mapapa oo na agad sila" sabay tawa na sabi ni Jake dahil mayroon kaming darating na project eto kami ngayon nag cecelebrate dahil magiging busy na kami sa mga susunod na araw.

"Cheers!" sabay sabay naming sigaw sabay lagok ng alak

"Paulo dadating pala si Kiera inimbitahan ko kasi okay lang naman diba?" biglang tanong ni Jake saakin. "oo naman maganda nga yun ng marami tayo at may kasamang babae si Venice" masiglang sabi ko kay Jake.

Hindi naming namalayan kung anong oras na dahil sa sobrang katuwaan dumating na pala si Kiera at sabay halik sa pisngi ko "Congrats Paulo!" nakangiting bati sa akin ni Kiera. Nginitian ko siya at nagpasalamat ng magsalita bigla si Jake "Kiera akong pinsan mo di mo manlang ba babatiin? Kasali kaya ako" nagtatampong muka ni Jake kaya naman napatawa nalang kami.

Umupo sa tabi ko si Kiera at pinatong ako kanyang kamay sa aking binti "Congrats my dear cousin" sarkastikong saad ni Kiera na nagpatawa sa aming lahat.

Napatingin naman bigla ako kay Venice ng nagsalita siya at bumulong sa akin  "Pau sayaw lang ako doon" sabi niya. Napatingin naman ako sa dancefloor ng makita kong puro lalaki ang nandoon. Tinitigan ko lang siya at bigla naman napunta kay Kiera ang atensyon ko ng abutan niya ako ng alak pagtingin ko sa direksyon ni Venice nasa dancefloor na siya may kasayaw na lalaki kaya nilagok ko nalang ung alak.

VENICE'S POV

Tumayo ako at nagmadaling nagtungo sa dancefloor dahil dati palang nahahalata kona si Kiera na palaging sweet kapag kasama si Paulo kaya mas minabuti ko nalang na magsaya kaysa magpaka tanga nanaman na kahit kalian ay hindi niya ako mapapansin at bilang kaibigan lamang ang turing niya saakin.

Simula ng nakaramdam ako ng iba kay Paulo mas pinili kong makisalamuha sa ibat ibang lalaki para ibaling sa iba ang aking atensyon dahil hindi ko na alam kung anong pwedeng mangyari pag nalam niyang may gusto ako sakanya at ayokong masira ang pagkakaibigan namin.

Medyo nailang naman ako ng bumaba sa pwetan ko ang kamay ng lalaking kasayaw ko ngayon kaya napatingin ako sa gawi nila Paulo. Nakaramdam ako ng kirot ng makita ko na muntikan na maghalikan ang dalawa kaya sa inis at sakit na naramdaman ko ay bigla ko nalang hinalikan ang lalaking kasayaw ko. At nagulat nalang ako ng mapansin na nakatitig napala saamin si Paulo.

STILL YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon