CHAPTER 2

22 3 1
                                    

VENICE'S POV

Nagulat nalang ako ng biglang may humila saakin papalabas ng bar. Kitang kita ko ang nanlilisik na tingin sa akin ni Paulo.

"Bakit ka nakikipaghalikan sa mokong nayon ha?!" pagalit na sigaw niya saakin. "

Paano kung pinagsamantalahan ka ng lalaking yon?" base sa tono ng boses niya alam ko na galit na talaga siya dahil namumula na yung mukha niya.

"Ano bang pakielam mo kung makipaghalikan ako sakanya ha?!" naiinis at galit na tanong ko sakanya dahil ayoko sa lahat ang sinisigawan ako at nakainom narin ako ng kaunti.

"Kaibigan mo ako Venice at bilang kaibigan mo nagaalala ako sayo, pano pag may masamang nangyari sayo?" pasigaw na saad parin niya kaya diko na napigilan ang sarili ko dahil naiinis narin ako sakanya ay hinawi ko na ang braso kong hawak niya.

"Oo ayon na nga e kaibigan lang kita at wag kang magalala kapag may masamang nangyari saakin hindi kita sisisihin" medyo paiyak na sigaw ko sakanya. Ayokong ipakita sakanya ang nagbabadyang luha ko dahil tuwing umaakto siya na ganyan ay nahihirapan ako umaasa ako at iyon ang masakit.

Hindi ko alam kung sobra na ang mga nasabi ko sakanya dahil narin siguro sa epekto ng alak at selos nung makita ko sila ni Kiera. Papatalikod nako ng biglang may humatak sa palapulsuhan ko at bigla akong hilahin papasok sa shotgun seat ng BMW niyang kotse. Hindi na ako nakipagtalo sakanya dahil baka kung ano pa ang masabi ko at mabigla lang kaming pareho kaya hinayaan kona siya na hilahin ako papasok sa kotse niya.

Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang kami at ni isa saamin ay hindi nagsasalita hanggang sa makarating kami sa condo ko. "Salamat sa paghatid, Ingat ka" malumanay kong sabi ng hindi tumitingin sa gawi niya. Siyempre may bait parin naman na natitira sa akin tumango lamang siya at umalis na.


THIRD PERSON's POV

Nagising si Venice na masakit ang ulo dahil sa mga nangyari kagabi at hangover lalo pa dahil nag alala siya kay Paulo kung nakauwi ba ito ng ligtas kagabi dahil medyo nakainom narin ito.

Bumangon siya at tamad na nagtungo sa kusina upang magluto at kumain ng almusal dahil balak niya rin gawan ng almusal si Paulo at pumunta sa condo nito upang ayusin ang nangyari sakanila kagabi. Pagkatapos kumain ay dali dali siyang naligo at nagbihis suot ang isang white wrap around dress na tinernohan niya ng black stiletto at ang kanyang Chanel na bag.

 Pagkatapos kumain ay dali dali siyang naligo at nagbihis suot ang isang white wrap around dress na tinernohan niya ng black stiletto at ang kanyang Chanel na bag

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




PAULO's  POV

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang sunod sunod na tunog ng doorbell "Ang aga -aga istorbo" inis niyang reklamo habang patungo sa pintuan. Nagulat na lamang siya ng makita niyang nakatayo roon si Venice at may hawak na paperbag kaya naman pinagbuksan niya ito at pinapasok.

"A-anong ginagawa mo dito?" antok niyang tanong habang kinukusot ang kanyang mata.

"Gusto sana kitang kausapin t-tungkol dun s-sa..." hindi kona pinatapos ang sasabihin niya at tumalikod nako at sumigaw na maliligo muna dahil umagang umaga at wala pa ako sa mood.


STILL YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon