JIYANANanggagalaiting initsa ni Jiyana ang wedding invitation palayo sa kanyang lamesa. Makita lang ang walang kamalay-malay na papel ay nagpupuyos ang kalooban ng dalaga.
She can't believe this is happening to her!
Paanong ang lalaking matagal niyang tinatangi ay ikakasal ngayon sa kanyang kapatid?
She felt cheated and betrayed. She felt like her whole family was going against her. Napakatagal niyang ikinaila sa sarili ang nararamdaman kay Prince Neon Cali. For she thought he is not good enough for her. Masyado ba siyang naging practical for not giving him a chance? Maraming dahilan bakit sa kabila ng masugid na panliligaw, paulit-ulit naman niyang binigo ang binata.
Sa lahat ng anak ng family friend ng kanilang pamilya si Prince ang kaisa-isang hinayaan niyang dumikit-dikit at habulin siya na tila lovesick puppy. Noong una, inakala ni Jiya, natutuwa lang siya sa atensyon binibigay nito. Mas nakababata ng tatlong taon si Prince, kabarkada din ito ng triplets, ngunit kakatwang nakakatuwa ang atensyon at pagpapahalagang pinapamalas ng lalaki na dadaigin pa mga kasing-edad niyang pomoporma sa kanya.
He was always so full of surprises. He loves making her laugh and he always choose to be by her side. Madalas pa ngang mapagkamalan kapatid niya ito kesa sa triplets dahil panay buntot sa kanya.
Pero aaminin niyang isa sa pinakamasayang yugto ng kanyang buhay ang sandaling kasama ito.
Iba si Prince sa lahat ng nakilala niya.
Tinatanggal nito ang lahat ng pretensions niya sa katawan.
With him, she can always put her guards down.
With him, she can be happy.
With him, she can be her worst self and still be herself.
What went wrong really?
Bakit nauwi sa wala ang maganda sana nilang samahan ng lalaki?
Ang totoo, kahit pilit isantabi sadyang lumalabas ang katotohanang siya ang may kasalanan ng lahat.
Prince Neon did nothing but to love her. Sa loob ng tatlo taon panliligaw wala itong ginawa kundi iparamdam at ipakitang siya lang ang babaeng nag-iisa sa buhay nito. He was faithful and patient with her. Ang totoo, supportive din ito sa career niya. Bagamat alam nitong hindi niya priority ang relasyon, panay nitong sinasabi na handa itong maghintay sa isang tabi kung kailan siya magiging handang tanggapin ito.
Ang ideal no?
It's just that, siya ang may problema. She can't accept the fact that she was falling for a guy younger and probably more immature than her. This is not what she envisioned her life to be. Ayaw niyang dumating sa puntong pagsisisihan minahal niya ang binata kaya habang maaga pa at kayang umahon ay pinigilan ni Jiya ang sariling mahulog.
Binasted niya ito.
Alam niyang naging tampulan ng tukso ang lalaki sa barkada nito ngunit kahit kailan never niyang nakitaan ng sama ng loob ito.
Sa mundong ginagalawan kung saan laganap ang mapang-usig na mata ng taong kabilang sa alta-sosyedad, natatakot siyang mapulaan. Ang madungisan ang malinis niyang pangalan na inaalagaan. Mababaw kung pakaiisipin pero para sa kagaya niyang hinubog na maging perpektong anak na inaasahan magpapalakad ng isang malaking emperyo, hindi niya kailangan ng matinding kaguluhan ng puso at isipan.
"Miss Jiya."
"Sinasabi nang ayokong tumanggap ng bisita ngayon!" She grabbed the nearest metal paperweight. Sinadya niyang ibato iyon malapit sa dingding, napatalon pa si Dessa na kanyang secretary pagkabukas ng pintuan. Nanginginig ito sa takot.