Chapter 2

18 5 0
                                    

Chapter 2: Hanapbuhay
Andea's Point of view

malamig na sahig at malamok, wala rin namang pinag kaiba sa tahanan namin ni lea.


"Ahh! letcheng mga lamok to!" todo kamot ako sa buong katawan ko dahil sa mga pisteng nilalang na to


wala kaming phone o relo man lang pero base sa paligid, alam kong madaling araw na.


nariyan na kasi ang maingay na pandesal, nakakagutom tuloy!


kahit antok pa ko ay mas pinili ko na lang na bumangon at maghanap ng makakain, iwanan ko muna tong si lea dito dahil alam kong pagod sya at mahina ang resistensya nya kumpara sakin.


"Manong, tulongan ko na ho kayo"


"sigurado ka ba ne? medyo may kabigatan to" tukoy nya sa mga sako ng mais


"oho naman, ako pa! sanay na tong katawan ko sa mga ganyan, basta may pang-kain" agad ko ng binuhat ng parang bigas ang isang sako ng mais, letche mabigat nga.


"kababaeng tao, marunong maghanap buhay" umiiling iling pang sabi ni manong na ikina ngiti ko


"Oh ayan, tatlong daan" abot sakin ni manong ng perang pinag paguran ko


"salamat ho manong, sa susunod ulit ha!" sobrang saya ko, may pang gastos na kami ni lea.


nandito pala kami ngayon sa may gilid ng quiapo church.


dumiretso ako sa mga nakahelerang tindera ng kung ano-anong mga almusal dito.

pagkarating ko sa gilid ng simbahan, naabutan ko si lea na nagliligpit ng pinag higaan namin.

"may almusal na tayo" masaya kong anunsyo pero nagulat ako ng humirap sya saking may luha sa mga mata

agad akong lumapit sakanya at nag aalala kong sinipat ang buong katawan nya kung may galos ba sya o ano

"bakit lea, bakit ka umiiyak?" taranta kong tanong

"ikaw kasi e, hindi mo man lang ako ginising. akala ko tuloy, iniwan mo na ko" madamdamin nyang sambit na ikina lawak ng ngiti ko

kinabig ko sya at niyakap "may isang salita ako leanne, hindi kita iiwanan kahit anong mangyari" paninigurado ko at tsaka ko naramdaman ang pagyakap nya

"wag mo ng uulitin yun andeng, natakot ako e" mababaw lang ang luha ng babaeng to, madaling umiyak dahil sa sakit at saya.

"san mo naman naluha to?" tukoy nya sa dala kong pansit at puto

"galing sa pagod ko" maangas kong sagot

"ikaw talaga oh, salamat dito. tara muna dun" turo nya sa loob ng simbahan

matapos kaming magdasal ay tsaka kami kumain sa gilid ng simbahan.

"sa susunod na may raket ka, isama mo ko para dalawa tayong may sweldo, mas makakaipon tayo ng pangbili natin ng mga kailangan natin" mahaba nyang litanya na may punto naman talaga

sumaludo lang ako bilang sagot.

"baliw ka talaga" asik nya na ikina tawa naming pareho

"andeng, pagkatapos nating kumain, maghanap tayo ng trabaho"

"walang problema sakin yan"

may nabili kaming kariton sa junk shop, napag desisyonan naming magtinda ng buko juice sa may talipapa.

"e lea, kulang na kulang pa tong pera natin para masimulan yang negosyo natin"

"Oo nga andeng e, marami pa tayong kailangang bilhin"

nag daan ang mga araw at nagpapasalamat talaga kami na pinayagan kaming dalawa ni andeng na magbuhat nung mais sa mamang nakita ko nung nakaraan.

malaking tulong yun upang makapag simula kami ni andeng sa negosyo naming buko juice.

kinabukasan...

maaga kaming gumising ni andeng upang makapag buhat pa kami ng mga sako ng mais at para makapag pamalengke na rin, ngayon kasi kami bibili ng mga gagamitin namin.

"ito na ba labat yun, lea?"

"may kulang pa e, nasa dila ko na pero hindi ko masabi" reklamo nya

"lukaret ka! plastic yung kulang, oo plastic sabi na e. HAHAHAHA"

matapos kaming bumili ng mga kakailanganin namin ay dumiretso kami sa water station.

"Magkano ho ba yung isang gallon ng mineral water nyo kuya?"

"isang daan, kasama na gallon"

"ano!? ang mahal naman kuya, wala na bang bawas yan?"

"masyado kang matawad, dun ka na lang sa iba kung gusto mo" masungit na sagot ni kuya

"Hoy!" duro ko sa water boy "masyado ka, akala mo kung ang gwapo gwapo mo! pasalamat ka na lang at dito kami pumunta sainyo no!"




Leanne's Point of view

naabutan ko si andeng na nakikipag away sa water station kaya agad ko syang inawat, galing kasi ako sa bilihan ng buko.

"Andeng! ano ka ba, tama na yan" niyakap ko sya sa tyan upang awatin sya

"hindi! ang gaspang kasi ng ugali nito e!" duro nya sa lalaki

agad kong inilayo si andeng dun at binalikan ko ang lalaki

"sir, pasensya na po kayo sa ginawa ng kaibigan ko. kayo ho ba ang may ari nito?"

"hindi miss, pero sige tatanggapin ko yang pasensyang sinasabi mo"

"salamat po, e magkano ho ba ang isang gallon ng mineral water nyo?"

"isang daan daw lea! grabe tong water station na to no!?" biglang singit ni andeng, nilingon ko sya at pinaningkitan ng mata.

"isang daan po ba talaga kuya?"

"sige, singkwenta na lang para sayo. kung sino pa yung may itsura at talaga namang ubod ng ganda, sya pa yung mabait. di tulad ng iba dyan" pang aasar ni kuya kay andeng


"bakit, maganda rin naman ako a!" laban ni andeng, napa iling na lang ako.

"kapag refill, bente pesos lang" parang maamong tupang sabi sakin ni kuya

"ah, sige ho. salamat po dito"

"sige miss, mag iingat ka" aniya.

"hoy, tumigil ka ha. ang lagkit mong tumingin sa kaibigan ko!" akusa ni andeng dito kaya agad ko na syang ginuyod paalis dun.

"andeng naman, bakit mo ginawa yun?"

"aba bakit hindi!?" pabalang nyang sagot

"andrea, mali yun. ayoko ng ulitin mo yung ganun" pinal kong sabi para hindi na humaba ang sagutan namin.

inilapag ko sa semento ang binili naming hapunan at tinignan sya, nakasimangot lang syang nakatingin sa pagkain.

"andeng, wag mo ng pagtampuhan yung sinabi ko. itinatama lang naman kita, kasi ayokong maging ganun kang tao"

"Oo na po, oo na po. naiintindihan kita madam" aniya at sabay kaming natawa

matapos kaming kumain ay agad na rin kaming natulog dahil bukas na ang pagsisimula ng negosyo namin.


(MariaChinKumi)




Sexual shakedowns | sex on dutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon