Chapter 3

16 5 0
                                    

Chapter 3: Walang iwanan
Leanne's Point of view

Lunes ngayon at mas inagahan naming gumising ni andeng para makakuha kami ng magandang pwesto, at nandito nga kami ngayon sa tapat ng valeriano fugoso memorial high school.

"Ate, limang tig kinse nga po"

"sige beh, teka lang ha" magiliw na sagot ni andeng sa isang estudyante na bumibili ng buko juice namin, mabenta ito kasi meron yung puro at meron naman yung may gatas.

sobrang saya ng araw na to dahil marami na agad kaming mga suki

"Ms. gorgeous pabili po nung tig bente, dalawa po." sabi ng isang estudyanteng lalaki, maganda ang pagkakagulo ng buhok nito at mababakas ang pagiging masungit.

"thankyou pogi" sagot ni andeng

"Ah, no. not you, sya" turo nya sakin na ikina gulat ko "anong ako?" takang tanong ko sa nagbibinatang estudyante.

"i said, you're gorgeous. binge nga lang" walang prenong sagot nya dahilan para mapahanga ako.

"thanks" abot nya sa buko juice tsaka na nag martsa paalis

"naku lea, gwapo nga pero masungit naman yung batang yun" pag aalburuto ni andeng na nginisian ko na lang

"pangisi-ngisi ka dyan a, aysus! may gwapo na tayong suki lea! sigurado akong araw araw yun dito"

Sana nga, sana nga magkaroon pa kami ng maraming suki para madali kaming makapag ipon ni andeng.

"lea, tignan mo!"

"ha?"

"ang gara oh" puna ni andeng sa magarang sasakyan na palabas na ngayon ng gate ng valeriano memorial high school

hindi ko mapigilang humanga sa mga ganyang klase ng sasakyan. sa dami ng tao dito, isa rin ako sa nangangarap na makasakay sa ganung sasakyan.

biglang bumaba ang bintana ng kotse at natanaw ko dun ang medyo mabalbs na lalaki. alam nyo yung balbas sa gilid ng pisngi? basta iyon yun. kunot ang noo nitong bumaling sa gawi namin

at mabilis ding bumalik ang tingin nya sa harap ng kalsada. gulo gulo din ang buhok ng isang iyon at mababakas ang kasungitan sa kanyang awra.

"siguro anak yun ng may ari nitong school" biglang sabi ni andeng

"pano mo naman nasabi?"

"Aba, tingin mo may estudyanteng ganun te?"

"malay natin"

"ah basta, ang gwapo nya! lumingon pa sya dito, feeling ko tuloy lumuwag yung garter ng panty ko" walang preno at hiyang sabi ni andeng kahit na pinag titignan na kami ng ibang tindera dito sa may labas

"ewan ko sayo, kahilig mo talaga sa ganyan" natatawa kong sabi tsaka ko pinunasan tong ibabaw ng cooler

"ewan ko rin sayo lea! tomboy ka ba?"

isang tanong na nakapag patahimik sakin. hindi naman ako tomboy, babae talaga ako. pero ni isa, wala man lang akong nagustuhang lalaki.

natapos din ang buong hapong pagtitinda, sobrang nakakapagod pero tiis tiis lang talaga para mabuhay kami.

Sexual shakedowns | sex on dutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon