09 i dont need this misery

178 8 0
                                    

hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko dahil ang tanging nararamdaman ko ay matinding sakit at lungkot. Ngayon kami nag sisimulang muli pero bakit ngayon mag kakaroon ng ganitong trahedya sa buhay namin

"Marvin can you please calm down!" Sigaw na ni hayden dahil hindi na mapirmi si marvin sa nalaman na balita

"Paano?? Paano ko pa gagawin yon?? Paano pa sabihin niyo sakin!! Tangina kasalanan ko ang lahat ng ito! Simula noong nakilala niya ako matinding kamalasan na ang nangyare sakaniya!! Tangina mahal ko siya eh! Sobrang mahal na mahal na mahal ko si hannah pero pinipilit ko na hindi dahil ayokong isipin na baka mahal ko lang siya dahil broken ako pero noong umalis na siya tangina ramdam na ramdam ko yung sakit dahil yung babaeng pinaka mamahal ko wala na sa tabi ko eh ang tanging ginawa niya lang naman ay ang mahalin ako sa paraang alam niya. Okay lang naman sakin kung hindi na maging kami basta nakikita o may balita ako sakaniya pero yung gantong trahedya? Tangina hindi ko na kaya ansakit sakita na" umiiyak niya pang paliwanag kay hayden

"Bro gagawin natin ang lahat please mag pahinga na muna kayo ni sheerah" sabi ni hayden at hinatid si marvin sa kwarto

Nakita kong lumapit ang girls saakin at  hindi matimbang ang emosyong ipinapakita saakin

"Sheerah okay ka lang ba?" Kinakabahang tanong saakin ni wryziel at hinila ko sya kaya napaluhod siya saakin

"Wryziel hulaan moko , dala mo ba tarot mo??" Aligagang tanong ko sakaniya at tumango tango lang siya

Kinuha niya ang tarot at sinubukan na akong hulaan at ngumiti siya

"Anong nabasa mo??" Umaasang tanong ko

"Pag tapos ng lahat ng ito , sobrang kasiyahan ang mararamdaman mo" sabi niya kaya napangiti ako

"Teka sheerah? May sinusulat kang libro noh?" Kuryosong tanong niya at napatango ako

"Oo pano mo nalaman??" Tanong ko sakaniya

"Kasi naka kita ako ng event na parang book signing but anyway bago ka maging masaya sobrang lungkot muna" sabi pa ni wryziel at pumasok na sila dahil natutulog narin ang mga bata



Noong wala na sila ay doon na nagsimula ang pagtulo ng aking mga luha , hindi ko mapipigilan ang sakit dahil mahal ko ang na aksidente at mahal ko hinahanap ngayon.


Nag uumpisa palang kami ulit pero bakit parang nilalayo siya sa akin ng tadhana.........



2 months later

"Marvin kamusta kana??" Tanong ko kay marvin


"Okay lang naman , ikaw? Kamusta ka?" Tanong niya pabalik saakin



"Ito okay naman" nakangiti kong sabi sa kaniya


"Tara sabay na lang tayo pumunta sa coffee shop ni sheineia" sabi niya kaya naman sabay na kaming nag lakad


Pumasok na kami sa coffee shop para roon mag pahinga


"OMAYGHAD" sigaw iyon ni sheineia at naka basag pa siya ng baso


Napatingin kami sa gawi kung saan siya naka titig , iyon ay si hannah at Hades na pag kasama


mabilis akong tumakbo at niyakap si hades pero tinulak niya lang ako , ganon rin ang nangyare kay marvin noong sampalin siya ni hannah


"Hannah please. Mahal kita" halos naluluha ng sabi ni marvin

"Can you please shut up! Eh hindi nga kita kilala eh!" Sigaw pa ni hannah na nag pa tulo sa luha ni marvin



"Sino ba kayo? Ang lakas naman ng trip niyo" galit ang boses ni hades noong sinabi yon


"Hades wag naman ganito ,, hades hindi mo na ba ako nakikilala?" Halos maluha narin ako sa naririnig sa kaniya



"Hindi kita kilala. Kaya tumigil na kayo dahil ginugulo niyo lang kami ng girlfriend ko" sinabi niya iyon na nag pa nganga saamin ni marvin





"Just kidding" sabay nilang sabi



_____________________________________


Way Back Home ( Last Trilogy )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon