Prologue

10 0 0
                                    

Mahirap, yan ang buhay namin sa La Union.

Nakaasa lamang ako sa tiyahin ko na nag tratrabaho bilang isang katulong sa isang mansion.

Nag aaral ako ng mabuti dahil yun lang naman ang tanging bagay na maaari kong gawin sa ngayon, makapagtapos at mabigyan ng magandang buhay ang taong nagtaguyod sa akin hanggang sa makamit ko lahat ng pangarap ko.

"Nak mag ayos ka na at sisimulan mo na ang pangarap mo sa Manila" saad ni tita habang nakangiti.

Mabuti at tumandang dalaga ang tiyahin ko dahil kong hindi baka sa kangkungan ako pupulutin, siya ang nagsilbing lahat sa akin.

Hindi ko na kailanman kakailanganin ang mga magulang ko.

Napakalaki ng galit ko sa kanila.

Nagpapasalamat na lang ako dahil kahit papaano ay binuhay nila ako kaya naman nakilala ko ang pagkabait bait kong tiyahin at nagkaroon ako ng pagkakataon na alagaan siya.

"Magpakabait ka doon ha" saad niya sabay haplos ng buhok ko.

"Opo naman, syempre po tita" saad ko sabay yakap sa kaniya.

Mamimiss ko 'to.

"Sige na sige na sakay na" habang pinipigilan ang pag patak ng kanyang mga luha.

Ayoko umiyak dahil kapag ginawa ko alam kong parehas lang kaming mahihirapan.

"Huwag niyo ho akong intindihin ah, I love you and I will miss you tita" sabay kiss sa kaniya.

A dream does not become reality through magic, it takes sweat, determination, and hard work.

Work hard, have fun, make history.

There are no secrets to success. It is the result of preparation, hard work, and learning from failure. The price of success is hard work, dedication to the job at hand, and the determination that whether we win or lose, we have applied the best of ourselves to the task at hand. 

I always keep that in my mind.

Can This Be Love? Where stories live. Discover now