CHAPTER 3 : School
Lavinia Point of View
Nagdownload ako ng twitter at gumawa ng account para sa suplado na yun.
Kawawa naman at allergic sa peanut.
@love_lavinia korni ng username ko pero hayaan niyo na.
Finollow ko agad si nanay ali at kaagad na nag search ng thread ang daming lumalabas pero stick tayo dun sa legit.
What foods to avoid if you have a peanut allergy?
a thread ;
» Baked goods: Cookies, candy, pastries, pie crusts, and others.
» Candy: Chocolate candy especially; also nougat and marzipan.
» Other sweets: Ice cream, frozen desserts, puddings, and hot chocolate.
» Cereals and granola.
» Trail mix.
» Chili and soups.
» Grain breads.
At sobrang daming opinion ang nakita ko, iniisip ko na mas madaling mag search sa google pero sa twitter makakakita ka pa ng random opinions from other people.
Nice mukhang tatambay ako dito.
Okay noted.
Nag open ako ng facebook ko.
Libbie : Malapit na ang pasukan, galingan mo ha.
Libbie : Kamusta nga pala yung amo mo? mabait ba?
Libbie : Oo naman lagi tayong mag uusap kapag free time mo, muah.
Napangiti naman ako atleast hindi ko masyadong nararamdaman na malayo ako sa kanila, salamat facebook.
Lavinia : Well ang suplado niya daig pa ako kapag may menstruation.
Typing...
Libbie : Hayaan mo na at baka inggit sa beauty mo.
Typing...
Libbie : Sige na good night mag ingat ka diyan, muah.
Lavinia : Good night ikaw din mag ingat ka , bye bye.
Sunod kong chineck ang message ni tita sa akin.
Tita Nida : Aba mag aral kang mabuti diyan, yare ka sa akin kapag nagloko ka.
Lavinia : Oo naman po tita, promise po pagbubutihin ko. I love you.
At tuluyan ko ng pinatay ang phone ko.
Oras na para matulog, dalawang araw na lang at pasukan na.
2 days later
Naturo na sa akin ni nanay Ali lahat ng kailangan kong gawin sa suplado na 'to.
Natanggap ko na din ang binili niyang eye glasses para sa akin mabuti at dumating bago mag pasukan.
Salamat sa instagram dahil mabilis at napakagandang klase ang naibigay sa'kin ng supladong 'to.
Naligo na ako at sinuot ang bago kong uniform.
Ang ganda kaso lang masyadong fitted at yung palda ay hindi lalagpas sa tuhod, mabuti at napalaki akong makinis ng tita ko.
Tumakbo na ako at kumatok sa pinto ni Koi.
"Sir tara na po" sigaw ko.
"Sir? sir labas ka na po diyan" pangungulit ko.
Bwiset muntikan pa ako mahampas ng kumag na 'to "Ang ingay mo" saad nito sabay singhal, ang bagal kasi.
Sa wakas at nakalabas na din, ang bagal mag lakad parang nasa kalsada kami ng buwan.
"Pasok na po mahal na prinsipe" pang aasar ko.
Sa dalawang araw na yun medyo nakasundo ko siya, madali nga lang talaga maasar at suplado.
"You're being sarcastic huh?" saad niya at umupo na.
Para akong timang na nakangiti sobrang excited na ako.
Nag research kasi ako sa iba't ibang platforms katulad ng facebook, twitter at instagram about sa school namin which is Fleur School of Intelligence.
Sobrang ganda nung school napakalaki at talagang mayayaman ang mga nag aaral except sa akin na sampid lang.
Koios Point of View
I don't know why but her smile makes my heart flutter.
Ew Koi what kind of nonsense are you saying?
Super excited huh? her eyes can tell, I don't know pero sa saglit na panahon I felt safe and comfortable with her and honestly she look so cute wearing her eye glasses and the uniform, damn it suits her.
"Sir Koi ayos ka lang?" saad niya, I don't even realize na I was staring on her the whole time.
You're such a bullshit Koios.
"Don't call me Koi kapag nasa school na tayo and please act normal" saad ko sabay tingin sa other side ng kotse madaming bullies sa school namin I don't want them to know na she's my personal maid because I know what can possibly happen.
Narinig ko naman siyang suminghal "Okay Koykoy" saad niya sabay tawa.
What's funny? Koykoy ew.
"Stop calling me Koykoy" and then I glance at her.
Toot toot toot
kyst_me : We're waiting for you, what took you so long?
Nag pop up bigla yung message ng tropa ko sa instagram.
How dare him.
greekoios_ : shut up and wait for me.
This guy is so annoying.
Lavinia is so busy with her phone, what's up huh?
Scrolling her twitter account.
"What's your username?" I asked her, muntik na niyang mabitawan ang phone niya sa gulat.
"Sir naman eh, ano po?" saad niya.
"I said whats.your.username?" diin ko pa.
"@love_lavinia po" and then she pouted, how cute.
Shit erase erase.
"How about instagram and facebook?" I ask her again.
"Lavinia Araceli, hellavinia_" saad niya sabay bukas ng pinto.
Nandito na pala kami sa school.
"Okay" saad ko at lumabas na "Teka hintayin mo naman ako" she shouted.
"Slow" saad ko.
Lavinia Point of View
Slow daw ako samantalang siya 'tong parang pagong kong mag lakad kanina.
Grabe naman at talagang iiwan niya ako.
Hindi ko naman kabisado ang school na 'to pagkalaki laki.
"OMG Koios my one and only sexy love"
"Who's that girl?"
"Why she keeps on following him?"
"Don't mind her, look at her hindi ganyan ang tipo ni Koios" sabay nagtawanan ang mga babae sa gilid.
Inayos ko ang salamin ko.
Anong problema ng mga yun?
YOU ARE READING
Can This Be Love?
RomanceSometimes people are afraid of falling in love, because it sometimes comes in a way we never expected. Love can be found in unexpected places. Sometimes we go out searching for what we think we want and we end up with what we're supposed to have.