Chapter 2

5 0 0
                                    

CHAPTER 2 : Eyeglasses

                                Koios Point of View

Such a bad day, now I really have the responsibility to buy a new pair of glasses for her eyes.

Buying a pair of glasses for a maid?

Hello I'm her boss.

Kinuha ko na ang phone ko, I prefer buying online through Instagram. Don't judge me, madaming friends na entrepreneur ang mommy ko sa ig.

That's the easiest way to help them and I believe na mas legit ang mga gamit dito.

blinkrey_

"I got my eyes on you ❤️"

Mapapa smirk ka na lang talaga, really ipagpapalit na nga lang ako sa ganyan pa? Nice shots sana mag break na kayo.

How stupid.

Come on Koi, move on.

Thanks for updating me na masaya kayo sa boracay ng bago mo, I hope maka apak kayo ng sea orchins.

"I am more handsome and matalino compared to this guy, tsss" at nagpatuloy na ako sa pag scroll sa ig.

                            Lavinias Point of View

"Oh eto, pasensya ka na at medyo mataas ang grado niyan" sabay abot sa akin ng salamin.

Ang taas nga pero kaya ko namang pag tiyagaan.

"Salamat po ng madami" sabay ngiti sa kaniya.

"Ako nga pala ang mayordoma ng mansion na ito" saad niya habang nakangiti.

"Ako naman po si Lavinia" sagot ko.

"Napakagandang pangalan, siya nga pala ihatid mo na ito sa kwarto ni sir Koi" sabay abot ng tray na may gatas, pagkain at prutas.

"Allergic siya sa peanuts, kaya wag na wag mo siyang bibigyan nun" saad niya at tuluyan ng umalis.

Okay noted peanuts.

Sayang at hindi siya pwedeng tumikim ng peanut butter.

Umakyat na ako medyo mataas ang hagdanan masakit sa paa pero kakayanin.

I was about to knock when I heard his voice, mas dinikit ko pa yung tenga ko sa pintuan ng kwarto niya "I am more handsome and matalino compared to this guy, tsss" taas ng confidence ha? para akong tanga na nakikinig dito sa labas.

"Awww" inda ko mabuti at hindi ko nalaglag yung tray na dala ko. "What are you doing?" saad niya, isang 6'0 na lalaki, matangos, singkit, may heart shape na labi, medyo makakapal na kilay at ang jawline niya palaban be.

Ang gwapo.

"Stop staring, I am asking what.are.you.doing?" diin niya pa dito, kanina kasi ay hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya.

Gwapo sana kaso suplado.

"Ay ihahatid ko lang po sana 'tong pagkain niyo" hehe para akong tangang nagpapalusot.

"Stop lying I know you heard something" saad niya sabay glance.

Wala namang mata.

"Ilagay mo sa table ko" ang bango ng kwarto amoy men's perfume at talagang maayos.

Walang kadumi dumi "You can now go out" habang hinihila ako palabas "Okay po" sagot ko habang umiikot pa rin ang paningin sa kwarto niya.

"Don't you dare stare again like that it's disgusting" napaka suplado ganito ba mga lalaki dito sa Manila.

Umalis na ako at baka hindi ko mapigilan ang bibig ko at makapagsalita, inayos ko muna ang salamin ko.

"Hey nerd looking woman what's you eyes grade?" sigaw nito.

Bibilhan na niya ata ako sa ig ng salamin, pakapalan na lang ng mukha at kailangan ko talaga yun. Masakit sa ulo ang salamin na 'to.

"+1.75 po" sagot ko at umalis na.

Bumaba ako para sana tignan ang ibang mga katulong pero lahat sila ay busy.

Ano naman kayang gagawin ko?

"Naibigay mo na ba kay sir Koi?" tanong ng mayordoman ng mansion.

"Opo kakabigay ko lang po" sagot ko "Iha tumingin ka sa twitter ng thread ng mga pagkain na may peanuts" saad nito, talagang millennial ang dating mo kapag nasa maynila ka.

"Para alam mo ang mga pagkain na dapat niyang iwasan" dagdag pa nito.

Twitter at Instagram?

Sa facbook lang umiikot ang mundo ko.

"Sige po, salamat po ah" sagot ko "Ako nga pala si Ali, Nanay Ali na lang" dagdag pa nito "Salamat po ulit nanay Ali" saad ko sabay ngiti "Sige na at magpahinga ka na sa kwarto mo, ih follow mo ko sa twitter ha @ali_maalindog" sabay tawa at umalis na.

Hindi ako makapaniwala gusto kong sumabog kakatawa dahil sa username ni nanay.

Can This Be Love? Where stories live. Discover now